Chapter 56

285 18 28
                                    

Bea's POV

Ginagamot ko ang sarili ko ngayon dito sa room ko. Hindi ko inaasahan na susuntukin ako ni Thirdy. Natamaan ang labi ko. Wag na wag talaga babalik dito 'yong lalaki na 'yon, makikita niya. May ice pack na nga rin akong dala. Hindi ko pa tapos gamutin ang sarili ko nang may narinig akong batang tumatakbo-syempre, ang anak ko.

"Bennie, don't go downstairs ha. Wait for me," rinig kong sabi ni Jho. Nasa bathroom ata siya ng room ni Bennie.

"Hey, Dada, what are you doing?" Kakagising lang niya, hila-hila pa niya 'yong isang character pillow niya.

"Oh hi, baby, you're awake na pala. Nothing, nadapa kasi si Dada, that's why I'm putting ointment," natawa siya.

"Oh, Mom always takes care of me when I was nadadapa kapag Tito Astig and I are playing basketball. I'll call her, wait," sabi niya at tumakbo pabalik sa room niya. Ganoon na lang ba talaga sila ka-close nung ungas na 'yon? Napailing na lang ako.

Jhoana's POV

"Mom! Mom! Mom!" sigaw ni Bennie paglabas ko ng bathroom.

"Why? What happened?" sabi ko. Hinihila niya ako palabas papunta sa room ni Bea-ngayon pa lang ako makakapasok daming kalat. Nakatingin naman siya sa amin.

"Look, Dada had a wound and bruises on her hand and face. She said nadapa po siya. Take care of her, Mom," sabi ni Bennie. Tiningnan ko si Bea.

"Dada, Mom will take care of you," masayang sabi ng anak ko. Nahila niya talaga ako sa tabi ng Dada niya. Wala akong nagawa kundi kunin 'yong ointment na nasa kamay ni Bea.

"It's okay," sabi ko. Aangal sana siya, kaya ayon, pinapanood kami ng anak namin. Nilagyan ko 'yong labi niya saka 'yong knuckles niya.

"Dada, is it hurt pa?" tanong ni Bennie. Umiling si Bea, syempre tahimik lang ako.

"See, Dada, Mom is good at taking care of wound and bruises. She's my beautiful doctor," natatawang sabi ni Bennie. Hindi naman sumagot si Bea, ngumiti lang sa anak. Nagkatinginan kami ni Bea, at umiwas siya agad ng tingin.

"Use ice pack. Para malessen," sabi ko, referring sa bruise niya malapit sa labi. Kung alam lang ni Bennie paano nakuha ng Dada niya 'yon, ewan ko na lang.

Fast Forward...

Third Person POV

Dapat talaga ay before Christmas and New Year, wala na si Thirdy sa Pilipinas at nasa UAE na. Kaso humiling siya na January 27 ng morning siya aalis dahil gusto niyang hintayin ang birthday ni Jho. Pinayagan naman siya, kaso siya ang magbabayad sa flight niya, at okay lang kay Thirdy.

Sa totoo lang, Thirdy doesn't lose hope na maligawan si Jho. Mahal niya talaga ito. Iniisip na lang niya na baka hindi pa talaga ready si Jho. Hindi rin naman siya nagmamadali. Gaya ng sinasabi niya kay Jho, willing siya maghintay.

Si Bea naman, still in a relationship with Kianna. Lagi naman silang magkausap sa phone, pero madalang sila magkita dahil hindi tugma ang oras nila. Every other day bumabiyahe si Bea papunta sa office, gaya ngayon na nasa Manila siya.

Birthday ni Jho today, at sa school lang nagpupunta si Thirdy. Napagalitan din siya ni Jho the last time na nag-away sila ni Bea. Tumawag siya noon kay Din para gamutin ang sugat ni Thirdy. Nalaman niya na pumutok ang kilay nito at nagkaroon ng tatlong stitches.

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now