Chapter 2

235 19 14
                                    

"Jhoana, anjan na sila. Tara na, bilisan natin," sabi ni Manang. Naririnig ko ang mga nagtatawanan, baka sila na nga ang mga anak ni Madam. Tinulak ko ang service cart at nauuna si Manang maglakad.

Naka-upo na ang pamilya De Leon, natatawanan sila. Isa-isa nang nilagay ni Manang ang mga pagkain sa dining table.

"Mom, bago?" tanong ng isang anak nila Madam. Hindi ako sigurado, pero mukhang ito yung panganay. Nakatingin sa akin yung isa, baka ito si Isabel.

"Ay oo nga pala, hindi Loel. Ngayon lang kasi may sakit si Perly. Saka si Jhoana 'yan, naaalala mo? Yung bata sa rancho," sabi ni Madam.

"Oh, you’ve grown na, haha! Hindi ka na maliit tulad ng dati. Gusto kang iuwi ni Isabel noon kasi cute ka—wala kaming kalaro noon eh."

Napangiti na lang ako ng tipid kasi hindi ko alam ang isasagot. Tahimik lang si Isabel. Umalis kami ni Manang at bumalik sa kitchen.

"Natatandaan pa naman pala ni Loel, pero mukhang si Isabel hindi na. Pero hayaan mo na. Halika, kumain ka muna. Sabayan mo ako, mamaya pa matatapos ang mga ‘yon—magkukwentuhan pa sila," sabi ni Manang. Tumango na lang ako.

Nakalipas ang lunch, nilinis namin ang mga ginamit kanina. Hindi pa ako pinauwi ni Manang dahil kakausapin pa daw ako ni Madam, kaya nagpunta ako sa garden nila at nagmasid sa paligid. Naisip ko lang, paano kaya sila nagkikita dito? Ang laki masyado. Apat lang sila, tapos mga kasambahay at driver. Napailing na lang ako, bakit ko ba 'yon iniisip? Problema na nila 'yon.

"Hi," nagulat ako dahil may nagsalita sa tabi ko. Pagtingin ko, si Isabel pala.

"Hmm, hello po. Sorry, hinihintay ko lang po si Madam kaya naupo ako dito. Pasensya na po," tumayo ako.

"No, no. You may sit. I just saw you alone here kaya lumapit ako. I guess you don’t remember me, my little keychain," sabi niya habang nakangiti. Nakatingin lang ako sa kanya. Ginawa pa akong keychain? Baliw na 'to. Gano’n ba ako ka-cute noong bata?

"Sorry po, hindi ko po alam. Wala naman pong nababanggit si Mama dahil wala din naman akong tinatanong sa kanya," ngumiti siya.

"It’s okay. You were too small before, hahaha. By the way, let me introduce myself. Hi, I’m Isabel Beatriz De Leon. At wag ka nang mag-'po' sa akin. I’m not matanda. You can call me by my name, whatever you want, basta wag ka mag-'po'. Sila Mom ang boss mo, hindi ako, okay? We're friends kaya." Inabot niya ang kamay niya. Ang conyo niya masyado.

"Hello, I’m Jhoana Louisse Maraguinot," sabi ko at inabot ko ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Lumaki ka na, tapos maganda, pero maitim ka pa din, haha." Umupo siya at tumabi sa akin.

"Huh?" Gago ‘to. Porke anak siya ni Madam, tinawag akong negra. Kung hindi lang ako nahihiya, sinapak ko na 'to.

"Hindi mo alam, nakakabingi pala masabihan ng maganda. I said you're beautiful," sabi niya, nakangiti pa din.

"Ah, salamat po."

"Ayan ka nanaman sa 'po'," sabi niya, kaya napakamot ako sa ulo.

"Sorry. Salamat."

"Oh Isabel, baka binubully mo si Jhoana. Hindi ka na bata ah," sabi ni Madam na biglang sumulpot.

"Ah, hindi po Madam. Kinukumusta lang po ako," sabi ko, bago pa makapagsalita si Isabel. Nginitian niya si Madam.

"I’m not that bad, Mom," sabi niya habang nakangiti.

"Pasensya na, Jhoana, pinaghintay ka. May iaalok sana ako sa’yo kaya gusto kitang kausapin," sabi ni Madam. Tumango naman ako. Hindi umalis si Isabel, at hindi naman siya pinaalis ni Madam, kaya madidinig niya ang pag-uusapan namin.

"I have an offer for you and for your sister," sabi ni Madam. Nakatingin lang ako sa kanya, at sa peripheral vision ko, kita kong nakatingin din sa akin si Isabel.

"We can grant you and Jaja a scholarship—ikaw sa Ateneo, si Jaja sa De La Salle Lipa. But..." sabi niya, at nagulat ako dahil malalaking schools 'yon.

"But ano po, Madam?" takang tanong ko, curious ako. Hindi na mamomroblema si Mama sa pag-aaral namin magkapatid.

"Since three months ang bakasyon mo, be with Isabel. Six months siya dito. Kapag nagstart na ang classes mo, the day na wala kang class at kailangan ni Isabel ng kasama, saka mo lang siya sasamahan. I-tour mo siya dito sa rancho, sa farm, kapag gusto niya. I trust you, Jhoana. Besides, ikaw lang ang nakalaro niya noong bata pa siya. Hindi mo man natandaan, pero ikaw lang ang naging kaibigan niya dito, kahit tatlong taon gulang ka pa lang noon."

"WHAT? I’m not a kid anymore, Mom!"

"It’s okay, Isabel. Hindi mo kasi kabisado pa dito. Mas okay na may kasama ka." Tumingin sa akin si Madam.

"Ah, eh, Madam, hindi ko po alam kung papayag sila Mama. Pwede ko po bang tanungin muna sila?" sabi ko. Tumango siya.

"O siya, maiwan ko muna kayo. Isabel, aalis kami ng Dad mo. Your kuya aalis din mamayang midnight. Basta Jhoana, think about it. Alam kong matalino ka. Mas magandang opportunity ang makukuha mo kung tatanggapin mo ang offer ko," sabi ni Madam. Tumango si Isabel.

"Take care, Mom," sagot ni Isabel. Almost 4 PM na pala, kailangan ko nang umuwi. Tumayo ako.

"Hey, where are you going?" tanong ni Isabel.

"Ah, uuwi na. Baka kasi mapagalitan ako ni Mama," sagot ko.

"Isabel, magmeryenda ka na. Oh, Jhoana, halika, magmeryenda ka din muna," sabi ni Manang. Tumingin naman sa akin si Isabel.

"Ah, Manang, uuwi na po ako. Baka po hinahanap na ako ni Mama," sagot ko, nakatingin pa rin si Isabel.

"Maaga pa. Saka teka, yung sahod mo hindi ko pa naibibigay. Sandali," sabi ni Manang, at lumakad pabalik sa loob.

"You sure, ayaw mo magmeryenda?" tanong ni Isabel. Tumango ako.

"Yes, thank you, Isabel. Antayin ko na lang si Manang para makauwi na ako," sagot ko. Tumango-tango siya.

"I hope you talk to your parents well. I don’t have friends here. If they don’t allow you to be with me, I can’t imagine myself—mabaliw ako. Si Manang at Ate Perly lang ang makakasama at makakausap ko for six months," sabi niya.

"I’m not pasaway, and I promise that," dagdag niya. Natanaw ko si Manang na papalapit. Hindi ko sinagot ang mga sinabi ni Isabel.

"Jhoana, ito na ang sahod mo. Mag-ingat ka," sabi ni Manang. Nakita ko naman si Isabel na may dinukot sa kanyang bulsa.

"Hey, add this. It’s only a little amount, but you deserve that."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Just to remind you guys tapos na tayo sa awayan because of shipping. Sana wala nakikipag away sa inyo sa X app.  I open my X and saw something be mindful guys :)

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now