Bea's POV
"JHOOOO," tawag ko kay Jho. Nandito na kami sa mansyon.
"Beatriz, makasigaw ka naman! Ano ba problema mo?"
"Can you give me my towel? Naiwan ko kasi sa bed," sabi ko. Nandito na yung clothes ko, pero yung towel naiwan ko. Nandito pa si Jho sa room ko, since wala naman gagawin bukas, naisipan namin manuod ng movie. Pero naligo muna ako kasi natapunan ako ng softdrinks kanina sa restaurant, at almost 11 PM na din.
"Ano ba 'yan, Beatriz? Bilisan mo na, anong oras natin matatapos yung movie?" sabi niya habang inaabot sakin yung towel.
"Sus, hindi naman kasi ikaw yung natapunan ng softdrinks. Ang lagkit kaya," sabi ko, sabay kuha ng towel sa kamay niya.
"Thanks, kiss na lang kita mamaya, hahaha."
"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo diyan," sabi niya.
Nagbihis na ako pagkatapos kong magpunas, suot ang white shirt at boxer shorts para diretsong tulog na. Lumabas ako galing bathroom, nagce-cellphone siya.
"Hey, that's my pillow," sabi ko habang nakayakap siya sa isang pillow ko habang naka-upo sa couch.
"Ang damot mo, ayan oh, sa'yo na," sabi niya at inirapan ako.
"Haha, I'm just kidding. Ako dapat kasi yayakapin mo," sabi ko, at kinindatan siya. Binato niya sakin yung pillow. Hahaha.
"Hahaha! Play it na," sabi niya, inirapan niya ako, then she started the movie.
Nanunuod kami, at si Jho, focus na focus, ayaw ako pansinin. Siya ang namili ng papanuorin namin — She's Dating the Gangster
"Psst."
"Beii, kanina ka pa. Manuod ka na lang."
"E, dito ka kasi sa bed."
"Thirty minutes na lang naman, matatapos na. Lilipat na ako sa guest room niyo, inaantok na din ako."
"Kaya nga dito ka na, thirty minutes lang e." Inirapan niya ako, tas tumayo naman siya. Kanina ko pa siya pinipilit. Parang di naman ako nanuod; kinukulit ko lang siya. Ngiting-ngiti ako nung lumapit siya sakin.
"Ngiting-ngiti ka para kang baliw, manuod ka diyan."
"Chansing ka talaga," sabi niya kasi pagkaupo niya sa bed ko, kiniss ko siya sa cheek hahaha.
"Hahaha, I'm not! I'm just happy."
"Sus," sabi niya, tapos sumandal siya sa headboard ng bed ko at nanuod ulit.
All the years of waiting, it was all worth it just to see you today. - Kenji
Too bad I'm gonna have to leave you once again. - Athena
Tumingin ako sa kanya; she's sobbing because of the characters' lines.
"Hey, why? That's just a movie." Umiling siya at pinunasan ang luha niya. Tumingin ako sa kanya, nakasandal pa din siya sa headboard.
"Na-imagine ko lang, what if ganyan din mangyari sakin."
Nag-side hug ako sa kanya at kiniss ang forehead niya habang minamasahe ang balikat niya.
"That's just a movie, Jho. I'm sure naman hindi ka papabayaan ng taong magmamahal sa'yo," sabi ko habang naka-ngiti sa kanya. Tinapos namin yung movie, at naka-lean siya sa shoulder ko. Pagtingin ko, tulog na siya. Inayos ko siya ng higa; naka-sleepwear naman na siya. May damit siya sa guest room kasi madalas siya ang gumagamit non. Kaya sinuggest ni mom na mag-iwan na lang siya ng damit para kung kailangan niya.
Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. But I can't just pursue her; I need to be sure about this.
I kissed her head, then umikot ako sa kabilang side para matulog na din. I respect her, so nilagyan ko ng pillow yung gitna namin. Nakaka-tempt kasi, she's so sexy, baka hindi ako makatiis. Tinalikuran ko siya.
Kinabukasan...
Nagising ako na parang may nakayakap sakin. I slowly opened my eyes, napangiti na lang ako habang tinitignan siya. She's sleeping peacefully.
How can I stop this feeling for you? Kapag umamin ba ako at pinursue kita ngayon, hindi ka ba mapapagod? Hindi ba ako mapapagod na malayo tayo sa isa't isa?
Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Hindi nagtagal, medyo gumalaw si Jho.
"Sarap ng tulog mo ah, nag-enjoy ka ba yakapin ako?" sabi ko nung alam ko na mamadinig na niya ang sasabihin ko. Tinignan niya ako, mukhang nagulat siya at bigla niya inalis ang pagkakayakap niya sakin. Siyempre, naalis din yung pagkakayakap ko.
"Sorry, nakatulog pala ako. Bakit hindi mo na lang ako ginising, tulad ng ginagawa mo dati," sabi niya habang nakatakip sa bibig ang isang kamay niya, kaya natatawa ako.
"Bakit ka tumatawa? Nagsosorry ako dito, tumatawa ka."
"Hahaha, you don't need to say sorry. Hindi na talaga kita ginising kasi pagod ka kahapon, 'di ba? Saka, bakit nakatakip kamay mo sa bibig mo?"
"E kasi kakagising ko lang. Mamaya laitin mo ako na mabaho hininga ko," kaya tumawa ako ng tumawa.
"Aray! Bakit ba, Jho?" sabi ko nang pinalo niya yung braso ko. Ang lakas ang aga-aga, babaeng 'to.
"E pinagtitripan mo na naman ako e."
"Hindi ah. Bakit, mas mabaho ba sa fart mo yung hininga mo?" sabi ko, tapos tumawa ako.
"Ewan ko sa'yo, bahala ka diyan, uuwi na ako."
"Hahaha, hindi ka mabiro. Hahatid kita; magbreakfast muna tayo. I'm sure gising na sila Manang niyan. Saka tingin ko wala na sila mom."
"Wait lang," sabi ko, pero tuloy-tuloy siya. Kaya hinabol ko siya kahit na naka-boxer shorts lang ako. Naabutan ko si Jho, kaya parang nakabackhug ako sa kanya.
Biglang bumukas yung pinto nila Dad sa room nila. Nakatulala si dad samin ni Jho,.
"Honey-" si Dad, hinila ng husto yung door para makalabas siya ng room nila, kaya nakita din niya kami ni Jho.
"It's not what you think po, Tito, Tita," sabi ni Jho, kaya lumayo ako ng konti sa kanya. Napayuko si Jho.
"Let's eat breakfast. Isabel, Jho, sumunod kayo," Dad said at iniwan kami ni Jho, kasama si Mom na nakatayo.
"It's okay, Jhoana. You better make a good explanation to your dad, Isabel, at bakit sa room mo natulog si Jhoana," sabi ni Mom. As if Dad cared why Jhoana slept in my room. Iniwan niya kami, mukhang hindi naman galit si Mom. She smiled pa nga kay Jho.
"What?" sabi ko kay Jho, kasi nakatitig siya sakin.
"Paano kapag nagalit si Tito kasi natulog ako sa room mo? Boss pa din kita. Hindi 'yun pwede. Ikaw kasi, bakit hindi mo ako ginising?"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆