Chapter 47

265 21 36
                                    

Bea's POV

Tinatawagan ko si Ate Ly kung pwede magpasundo sa driver nila kasi kilala ko si Jia—kung ano'ng sinabi niya, gagawin niya talaga. Nakakainis, ayaw sumagot ni Ate Ly pati ni Ate Den. 

"Come on, guys, pick up your phone," bulong ko habang palakad-lakad dito sa harap ng bahay nila Jho. 

"The subscriber cannot be reached. Please try again later."

Napabuntong-hininga ako nang malalim at umupo sa gilid. Hay, bakit ba kasi hindi ako nagdala ng kotse? 

"Ehem, excuse me." 

Nagulat ako at agad na tumingin sa likod ko. Si Jho. Tumayo ako kaagad. 

"Can I talk to you?" tanong niya, pero halata sa boses niya na nanginginig ito. 

"Sure. What is it? Sakto, I have so many questions." I need to do it

"Sunod ka sakin," sabi niya at pumasok sa loob ng bahay. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Habang papasok kami, napansin ko si Jia at 'yung lalaki na tinatawag ni Bennie na Tito Astig, nakatingin lang sila samin. Pumasok si Jho sa isang kwarto at sumunod ako. 

"Take a seat," sabi niya, itinuro ang couch. Naupo ako, pero nanatili siyang nakatayo, parang nag-iipon ng lakas ng loob. 

"Care to explain why you disappeared?" 

"There’s something you need to know," sabay naming sinabi. Tumahimik kami sandali, nagtama ang mga mata namin, pero ako na ang unang nagsalita. 

"So? Why did you disappear?" 

Huminga siya nang malalim bago nagsimula. "I was scared." 

"Of what? Me?" tanong ko, nanikip ang dibdib ko sa naririnig ko. 

"No. I was scared of my mother," sagot niya. "Nung nalaman nila, lalo na si Mama, na buntis ako... sinabi niya na hindi ko pwedeng ipaalam sa'yo. Na hindi mo ko paninindigan dahil mahirap ako, at ikaw—ikaw ang anak ng mga amo namin. She said na hindi tayo bagay. And I… I believed her." 

I stared at her, stunned. "You believed her? Why didn’t you tell me? Why did you keep it all to yourself? Jho, I don’t care kung mahirap ka! Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba! Hindi ba dapat ako ang magdesisyon kung ano'ng gagawin ko?" 

Tumulo ang luha niya at sinubukan niyang magsalita, pero walang lumabas na salita. 

"Jhoana, I loved you! Mahal kita noon," Napahinto ako. "I trusted you. Ang ayos ayos ng usapan natin aantayin mo ko isang taon lang yon Jho! Isang taon. Pero hindi mo sinabi mas malala nawala kang parang bula, I deserved to know that Jho." Sabi ko hindi kona din na pigilan ang luha ko

Humagulgol na siya, pilit pinupunasan ang luha niya habang umiiling. "I’m sorry. I thought it was the right thing to do at the time. I didn’t want to ruin your life." 

"Ruin my life?" Halos hindi ako makapaniwala. "Do you have any idea what you did to me when you disappeared? You broke me, Jhoana. And now you’re here, saying sorry like it’s enough." 

"I know. I know I hurt you, Bea. And I’m so sorry. But I have to tell you something—something more important." 

Tumayo ako, nakapamewang at nagkukunwaring kalmado kahit sa loob, gusto ko nang sumabog. "What? What’s this ‘something’ that’s so important?" 

"Bennie," she said, her voice barely a whisper. 

"What about Bennie?" tanong ko, pero may kutob na ako sa kung ano'ng sasabihin niya. 

"Bennie is my son…" 

"Yes And?" 

"And you’re his father." 

Parang tumigil ang mundo ko. Tumayo ako nang diretso, hindi makapagsalita. "What did you say?" 

"You’re Bennie’s father, Bea." 

Halos hindi ko na naririnig ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa galit na nararamdaman ko. Kaya magaan ang loob ko sa bata at tama si Jia "You kept this from me? For five years?! You let me live my life not knowing I have a son?" 

"Bea, I was scared. I didn’t know what to do! I thought I was doing the right thing for you and for Bennie," sagot niya habang patuloy na umiiyak. 

"Right thing? Paano naging tama 'yon, Jhoana? Five years, Jho! Limang taon na hindi ko kilala ang sarili kong anak!" Halos sumigaw na ako. 

She covered her face with her hands, sobbing uncontrollably. "I’m sorry, Bea. I really am. I didn’t know how to face you. I didn’t know if you’d even want to be a part of his life." 

"You didn’t know? You didn’t even give me a chance!" Nanginginig ang boses ko, pero hindi ko na pinigilan. "You made that choice for me. You decided for the both of us." 

She didn’t answer, just stood there crying. At that moment, hindi ko alam kung gusto ko siyang yakapin o iwan.

"Lets talk about Bennie, but not now. My attorney will contact you," I said, then iniwan ko siya at lumabas ng bahay nila. Hinanap ko ng tingin ang anak ko. He was running with his classmates. Nakita naman ako ni Jia at nung boyfriend ni Jho. *Tangina, mas pogi pa ko jan e.* Lumapit ako sa kanila; halatang nagaalala si Jia. 

"Bei," sabi ni Jia, habang nakatingin lang sakin tong mokong na katabi niya.

"Can I borrow your keys?" I said. Binigay niya naman agad. Kinuha ko yon at lumabas. 

Jia's POV

Nakatingin kaming dalawa ni Thirdy kay Bea. Nagpakilala siya sakin kaya alam ko na ang pangalan niya. Mabait naman pala. 

"Thirdy, check her," sabi ko nang mawala sa paningin ko si Bea. 

"Tara, sumama ka. You know the truth na din naman. Besides, kaibigan mo 'yon," sabi niya, referring to Bea. 

"I hope okay ang pag-uusap nila," dugtong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi sa mukha ni Bea parang hindi maganda ang kinalabasan. Baka mamaya sinabi niya na kukunin niya si Bennie agad-agad pa dalos dalos pa naman yon. 

Pagpasok namin ay nakita namin bukas ang pinto ng isang kwarto kaya takbo si Thirdy. 

Si Jho, nakaupo at umiiyak pa rin. Anong gagawin ko? Pumantay si Thirdy sa kanya at niyakap si Jho. He rubbed Jhoana's back. 

"Thirdy, sabi ko sayo, hindi magandang idea na sabihin sa kanya," sabi ni Jho habang umiiyak. Nanginginig pa ang boses niya. 

"She wants to talk about Bennie but with an attorney. Thirdy, wala akong laban kapag gusto niyang kunin si Bennie. Mayaman si Bea. Kayang-kaya niya ang batas,"

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Ps. Ngayon lang yung double update. Enjoy your Christmas guys!🎄😉

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now