Chapter 40

501 18 5
                                        

Jhoana's POV 

Nasa office ako, nag-aayos ng mga papers ng mga students. Mamaya, may meeting kami ng mga teachers. Pumasok na yung anak nila Ms. Den, classmate sila ni Bennie. Maya-maya, may kumakatok na sa door ko. Tiningnan ko ang oras, tapos na class nila Bennie, kaya sigurado akong siya na ‘yon. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tama nga ako, si Bennie nga. 

"Mommm, meet Dexter. Can he stay here? Wala pa po yung sundo niya," sabi ni Bennie. Yung anak ni Ms. Den, nagkita na kami kanina at kilala na niya ako. 

"Hi baby. Hi Dex. Yes, of course. Pasok na kayo, bilis!" Nginitian ko sila. 

"Oh, s-she is your mom, Bennie?" dinig kong sabi ni Dex. 

"Yeah, she is," sagot ng anak ko na nakangiti. Medyo namumula naman si Dex. 

"Dex, play here with Bennie. Don’t be shy. Behave, Bennie ha? I’ll get snacks lang for both of you," iniwan ko sila sandali at nag-prepare ng meryenda nila. 

"Bennie, Dex, eat this muna and continue to play," I said, sabay baba ng food. May mga laruan dito si Bennie kasi madalas, wala siyang kalaro. Bumalik ako sa table ko at nire-review ko yung papers ng ibang teachers. Monthly kasi may talk kami one by one. 

Hindi pa siguro umaabot ng 30 minutes, may kumakatok ulit. Kaya tumayo ako at binuksan ang pinto. Naglalaro pa rin yung dalawa. 

"Hi, good morning, Jho. Susunduin ko sana si Dex. Andito daw, sabi nung guard," nakangiting sabi niya sa akin. 

"Good morning, Ms. Den. Ah, oo, nandito siya kasama ng anak ko. Pasok ka." 

"Pasensya na, nadagdagan pa ang alaga mo. Na-traffic kasi kami ni Ly." 

"Okay lang, natutuwa naman din ang anak ko na may kalaro siya," sabi ko. "Dex, your mom is here," tawag ko. Tumayo naman si Dex at niyakap ang mommy niya. Nakatingin naman ang anak ko. 

"Jho, hindi na kami magtatagal. May meeting din kasi si Ly na hinahabol. Sorry ulit. Bawi kami sa inyo," sabi niya. Kumapit naman sa binti ko si Bennie. 

"Naku, wala ‘yon. Sige, ingat kayo," sagot ko. Bago pa makasagot si Den, nagsalita si Bennie. 

"Mom, can we invite Dex on my birthday?" tanong ni Bennie. Tiningnan ko siya, saka ko binalik ang tingin kay Den. 

"Oh, when is your birthday ba, Bennie?" tanong ni Den, nakangiti naman si Dex. 

"On Saturday po," sagot ng anak ko. 

"Sure, punta kami nila Dex. Paano, Jho, see you on Saturday. Pero una na talaga kami ha? Thank you ulit. Dex, say goodbye na to Bennie and Ms. Jho." 

"Bye, Bennie and Ms. Jho. See you tomorrow!" masiglang sabi ni Dex. Nginitian ko siya, at sinamahan namin sila ni Bennie palabas. Hanggang 3 PM pa kami dito, at malapit pa lang mag-lunch. Kumakaway si Dex sa window ng kotse nila; kumaway rin si Bennie sa kanila. 

"Mom, I’m so happy! I have a playmate na. Sabi ni Dex, playmate na kami," sabi ni Bennie. Kami ni Maddie at Thirdy lang kasi madalas niyang kalaro. 

"Be a good friend to him ha? Play ka na ulit. Magwo-work lang si Mommy," sabi ko. Ngumiti naman siya. Ginulo ko ang buhok niya, umupo na siya, at naglaro ulit. 

Alyssa's POV

"How was your school, Dex?" tanong ko while driving. May meeting pa ako pagdating sa bahay, kaya nagmamadali din kami. 

"Hmm, I have a friend. His name is Bennie. Her mom is pretty, Mama. But mas pretty si Mommy," sabi niya. Tumingin ako sa rearview mirror at namumula. 

"Si Jho? Yung guidance? Haha, manang-mana sa’yo yung anak mo," sabi ni Den. Tumawa na lang ako. Hindi na ganoon nagseselos si Den. May anak na kami at ‘tali’ na ako sa kanya. Ewan ko lang. 

"I think someone has a crush on the mother of his friend," sabi ko. 

"Oh, I’m not, Mama," sabi ni Dex. Kaya natawa kami ni Den. 

"Haha, I didn’t say any name. But how was Bennie as your new friend?" tanong ko. 

"Well, Mama, he said I’m his first friend sa school," sagot niya. 

"Oh, be good to him ha? Dapat tulungan kayo kung friends kayo," sabi ko. Nakikinig lang si Den. 

"Yeah, Mama. Oh, his birthday is coming na, ‘di ba, Mommy? He invited us. What should I gift to him?" tanong niya. 

"Yep, sa Saturday ‘yun, hon. Birthday ni Bennie. Kaso I forgot to ask kung saan ang venue." 

"Oh, okay. Let’s attend his birthday. Dex, you ask Bennie tomorrow," sabi ko. 

"Okay, Mama. But I don’t have a gift," sabi niya. 

"It’s okay. Monday pa lang naman. Maybe tomorrow, when I fetch you, dadaan tayo sa mall to buy a gift for him," sabi ko. Ngiting-ngiti naman siya. 

"Is Tata Bea still in our house?" 

"Yep. Why?" sagot ko. 

"I want to buy gifts na, Mama. Please?" sabi niya. Tumingin ulit ako sa rearview mirror. Malapit na kami sa bahay. 

"Ask her. But if she doesn’t want, Dex, don’t make pilit ha? Your Tata Bea is here to relax. Then she will go back to Manila na." 

"Okay, Mama," sabi niya, pero ngiting-ngiti pa rin. Napailing na lang ako. 

Pagdating na pagdating namin, bumaba na agad ng sasakyan si Dex at tumakbo papasok ng bahay. 

"Dex, careful," sabi ni Den. 

"Manang-mana sa’yo yang anak mo. Ang kulit," dagdag ni Den. 

"Oh, bakit ako? Behave na ‘ko ah," sabi ko. Iniirap niya ako pero natawa rin siya. Pumasok na siya sa loob, at sumunod ako. 

Bea's POV

Andito pa ako sa bahay nila Ate Ly, chill lang. Next week kasi babalik na ako sa Manila. Umalis na sila Jia kanina. Sila Ate Ly naman, may meeting at deretso na raw sila sumundo kay Dex. 

I was walking upstairs nang may batang sumigaw. Mukhang andyan na sila Ate Ly. 

"Tata Beaaaa!" kaya tumingin ako sa door. And ayun, si Dex. Bumaba ako at sinalubong ko na siya. 

"Yes, Dex?" 

"Can you come with me sa mall? Please, Tata Bea," sabi niya. Pumasok naman si Ate Den at Ate Ly. Tumingin ako sa kanila bago ko sinagot si Dex. 

"Why do you want to go sa mall? Di ba ang dami mo nang toys?" sagot ko. 

"Hmm, I will not make pabili ng toy for me. That’s for my new friend. His birthday is coming. So please, Tata Bea, come with me." 

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now