Jhoana's POV
"Anong meron? Bakit ang tahimik? Bago 'to ah," sabi ni Kuya Loel, seryosong nakatingin kina Madam at Sir.
"Oh, I think I'm not informed sa nangyari," dagdag niya, saka kumain na rin dahil tiningnan lang siya nina Madam at Sir.
"Alis na kami ng mom niyo," sabi ni Sir Elmer. Medyo naiilang pa rin talaga akong tawagin sila sa gusto nilang 'Tito' at 'Tita.'
"Mom, I'll go to your office later. I have something to discuss with you," sabi ni Bea, habang ako ay kunwaring walang pakialam at walang nadidinig.
"Mauna na kami, Jhoana. Ikaw na bahala kay Isabel."
"Yes po, makakaasa po kayo."
"Isabel, you know what is right and what is wrong," sabi ni Madam.
"Mom, I'm not a kid anymore. I can give you a kid na nga kung makapagbilin ka kay Jho, para akong 18 years old."
"Whatever, Isabel," sagot ni Madam, bago siya tumayo. Tumayo rin sina Bea at Kuya Loel para magbeso sa kanilang dad at mom.
"Bakit ang tahimik niyong dalawa? Bago yan sa inyong magkaibigan, hindi nagbabangayan. Wala ka sa mood, Jho?" sabi ni Kuya Loel. Tumingin ako at ngumiti.
"I guess pinikon ka na ni Isabel kanina. Hay nako, lil sis, mauna na din ako sa inyo. Bei, later let’s talk about your favor," sabi ni Kuya niya at tinapik ang balikat ni Bea.
"Bakit tahimik ka?" tanong ni Bea. Umiling ako.
"Kain ka na, dalawa na lang tayo naiwan here. Don’t mind what happened earlier; they don’t care about it. Nagulat lang sila," sabi niya, huminga ako ng malalim.
"Akala ko kasi magagalit dad mo," sabi ko, at ngumiti siya.
"Akala mo lang 'yon."
Bea smiled, reaching across the table to hold my hand.
"Jho, don’t worry so much about what they think. They know we’re close. Besides, it's not like we did anything wrong," she reassured me, giving my hand a gentle squeeze.
"Yeah, I guess," I replied, glancing down at our hands. Somehow, her reassurance did make me feel a little better, even though I was still feeling awkward about Madam and Sir seeing us like that.
Bea gave me a soft smile. "Alam mo, minsan kasi masyado kang overthinker," she teased, letting go of my hand to take a bite of her breakfast.
"Hindi ako overthinker, practical lang ako," I defended, pouting.
"Oh, really? You’re practically worried about everything," she replied with a chuckle.
"Beatriz," I said, giving her a playfully stern look.
"Okay, okay, let’s change the topic. Saan mo gustong pumunta mamaya?—"
"Anong 'saan mo gustong pumunta?' Ikaw na lang umalis. Uuwi ako after breakfast noh. Nagpalusot ka na nga kay Papa na pinapatawag ako ni Madam," napakamot siya ng ulo.
"E wala naman akong gagawin. Saka pumayag naman kaya Papa mo, sagot ka naman nun sa Mama mo eh."
"Oo, wala kang gagawin, pero ako madami. Magaayos pa ako ng mga gamit, Beatriz. Next week na pasok ko, baka nakakalimutan mo?"
"Okay, okay, ihahatid na," sabi niya at tinaas pa ang parehong kamay niya kaya natawa ako.
Bea's POV
Hinatid ko si Jho sa kanila, pero hindi na rin ako nagtagal kasi may inutos si Dad. Pinapameet niya ako sa mga supplier dito sa farm. Kakatapos ko lang icheck lahat, at masasabi ko lang, ang dami.
"Mang Wilfredo, mauna na po ako. Kapag may kailangan po, patawagan na lang po ako sa mansyon," sabi ko, kasi dito sa rancho nagbaba ng last na supply para sa mga kabayo ni Dad.
"Sige, Bea, salamat. Manang-mana ka kay Sir Elmer," nakangiti niyang sabi. Siya 'yung tatay ni Ysay, sa pagkakaalam ko. Ngumiti na lang ako at tumango.
Uuwi na ako dahil nagchat si Kuya na malapit na siya. Padilim na rin naman. Si Mom at Dad hindi makakauwi, pero si Kuya umuwi para pag-usapan namin ang pabor na hinihingi ko. Sana lang ay napapayag niya si Mom.
"Magandang gabi, Ma'am Bea. Maghahain na po ba kami ng hapunan niyo?" tanong ni Ate Janine nang paakyat na sana ako ng stairs.
"Siguro, Ate, kapag dumating na si Kuya. Aakyat muna ako, pakitawag na lang ako pag nandito na siya," sabi ko, at tumango siya.
Agad akong nag-shower at nag-check ng mga school emails. Hindi nagtagal, may kumatok na sa pinto ng kwarto ko.
"Isabel, andyan na kuya mo," si Manang Beth.
"Sige po, Manang. Sunod na po ako," sagot ko at iniwan ko na 'yung laptop ko bago agad na bumaba. Siyempre, gusto ko nang malaman kung napapayag ba ni Kuya si Mom o hindi.
"Hi, Kuys," bati ko nang makita ko siyang nakaupo na at ready na siyang kumain.
"Hello, lil sis. Balita ko ikaw 'yung nautusan ni Dad about sa supplies. Haha, how was it? Nag-enjoy ka ba?" sabi niya. Umupo muna ako bago ko siya sinagot.
"Well, okay naman, Kuya. Pero grabe, ang dami palang kailangan bilangin at icheck. Bakit hindi na lang mag-hire si Dad ng tao para doon?" sagot ko.
"Actually, hahaha, meron namang tao na gumagawa niyan. He just wants you to experience it, saka parusa mo daw. Mukhang sa kwarto mo itinulog si Jho, hindi na sa guest room—lumevel up na ba?" sabi ni Kuya habang tawa nang tawa.
"My goodness, Kuya! Huwag mo nang isali si Jho sa usapan na 'to. Katulong ko si Mang Wilfredo, hindi naman niya sinabi. Tinanong ko pa siya kanina kung paano mapapabilis kasi ang dami ng supply sa rancho para sa mga kabayo ni Dad," sabi ko.
"Hahaha, okay lang 'yan, worth it naman 'yan." Nagsimula kaming kumain ni Kuya. Hays, si Dad talaga, kung ano-ano ang naisip. Hanggang sa napag-usapan na rin namin ang tungkol sa pag-stay ko sa Manila.
"Pumayag naman si Mom, but sabi niya once na dumating yung mga friends mo from the States, uuwi ka na dito. Basically, ayaw talaga niya sa mga friends mo from the States. Hahaha, ano ba kasi pinagagagawa mo kapag kasama mga friends mo doon at mainit ang ulo ni Mom?" Napa-iling na lang ako.
"So two weeks before ako bumalik ng States sila dadating, alam ko. Ano, babalik pa ako here? No way, Kuys."
"Ay, ikaw bahala. Two weeks or no Jho for almost three months. Take it or leave it, Isabel."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
![](https://img.wattpad.com/cover/376754692-288-k406452.jpg)