Chapter 54

584 22 37
                                        

Jhoana's POV

Nagkausap na kami ni Thirdy. Syempre, naiinis siya dahil kay Bea, kasi usapan na nga ay sa Bulacan siya mag-Christmas kaso biglang sa Manila kami. 

Pauwi na kami from the mall. Ang dami nilang binili for Bennie, at si Tita Det insists na bumili din ako para sa sarili ko. Kaso hindi ko naman talaga need, so ayon, for Bennie lang talaga 'yung mga binili. Humiwalay kami saglit ni Bennie kanina. Pumayag naman sila, kaya ayun, nakabili kami ng mga regalo para sa kanila. Ubos ang isang buwan kong sahod, pero may ipon naman ako kaya nakakaya. Nakakahiya naman kasi—ang dami nilang ginagastos sa anak ko, kaya kahit papaano, gusto ko silang pasalamatan. 

Si Bennie pa ang pumili ng mga kulay ng polo shirt na binili namin para sa kanila. Napili niya ang mga simpleng design ng Ralph Lauren polo shirts. Alam kong masaya si Bennie habang tinutulungan ako—akala mo ang tagal na niyang kasama ang mga lolo at lola niya. 

Christmas Eve 

Nakaayos na ang lahat para sa Noche Buena. Masaya ang bahay, punong-puno ng tawanan at kwentuhan. Si Bennie naman, tila excited na excited habang nag-aabot ng mga regalo sa kanila. 

"MommyLa, this is for you!" masiglang sabi ni Bennie habang iniaabot ang paper bag kay Tita Det.  Natutuwa naman si tito Elmer

"Wow! Thank you, Apo! Ikaw pumili nito?" sagot ni Tita habang tinatanggap ang regalo. Tumatango naman ang anak ko. 

Isa-isa niyang inabot ang mga regalo, pati kay Bea. 

"For you, Dada! Pareho tayo ng color para pogi!" masiglang sabi ni Bennie habang iniabot ang kahon kay Bea. Ngumiti si Bea at hinawakan ang ulo ni Bennie. 

"Thank you, baby. You’re so sweet! Don’t worry, pogi ka kahit hindi magkamukha ang damit natin, haha," sagot ni Bea. 

Matapos maibigay ang lahat ng regalo, bumalik si Bennie sa akin at mahigpit akong niyakap. 

"Thank you, Mommy," sabi niya. Halos matunaw ang puso ko sa tuwa. 

Fast Forward

Third Person POV

Matapos ang masayang selebrasyon ng Pasko, napilitang mag-stay sina Jho sa bahay nila Bea. Gusto rin kasi ni Det na makasama pa si Bennie sa mga natitirang araw ng bakasyon. 

The day of New Year’s Eve, naging abala ang lahat sa paghahanda. Meanwhile, sinundo ni Bea si Kianna mula sa airport papunta sa bahay ng mga De Leon. Sinagot na kasi siya ni Kianna after Christmas, kaya ipapakilala niya ito sa mom and dad niya. Nagdala rin si Kianna ng gift para sa parents ni Bea, at may regalo rin siya kay Bennie. Si Jho naman ay umakyat sa guest room nung dumating si Bea—ayaw niya kasing masaksihan ang mga mangyayari. Hindi nagtagal, hinatid din ni Bea si Kianna dahil kailangan niyang umuwi to celebrate with her family. Kilala na rin siya ng pamilya ni Kianna. 

Pagbalik ni Bea, nakaabang ang dad niya para kausapin siya. 

"Isabel, can we talk?" Elmer said. 

"Oh, yes, Dad. What is it?" sagot ni Bea. 

"Are you out of your mind?" Det interjected. Sasagot sana si Bea. 

"Nandito 'yung anak mo, kasama ang ina niya, tapos magpapakilala ka sa amin na girlfriend mo? You’re so insensitive, Isabel. We didn’t raise you to be like that," galit na dugtong ni Det. 

"What? Me, insensitive? Come on, Mom. Jho and I are not together anymore. Saka why are you guys mad at me? I just want to be happy too. Wala namang masama na mag-girlfriend ako. Tanggap din niya si Bennie. Jho has a boyfriend too, so bakit bawal ako?" sagot ni Bea. Nakatanggap naman siya ng suntok mula kay Elmer at napaupo si Bea dahil doon. Pinigil naman agad ni Det. 

"Bastos ka! Did you hear Jhoana's full explanation?" galit na tanong ni Elmer. Tahimik si Bea dahil nasaktan din siya. 

"I think no? Hindi mo na rin siguro deserve marinig," iniwan siya ni Elmer at umakyat. Tumingin si Bea sa mom niya pero umiling lang ito. 

New Year’s Eve 

Habang nag-uusap sina Bea at Kianna sa harap ng bahay bago ihatid ni Bea si Kianna pauwi para makasama ang pamilya nito, hindi sinasadyang nakita ni Bennie na hinalikan ni Bea si Kianna sa labi. 

Pagbalik sa loob ng bahay, tahimik si Bennie. Nagkukuwentuhan sila after eating during New Year’s Eve. 

"Dada, why don’t you kiss Mom like you did to Tita Kianna?" inosenteng tanong ni Bennie. Ipinakilala kasi ni Bea si Kianna sa bata kanina. Halos manigas si Bea sa tanong. Hindi niya alam ang isasagot. 

"You don’t love my Mommy?" sunod na tanong ni Bennie habang nanggigigilid na ang luha sa mga mata niya. 

Nadinig iyon ni Jho, pati na rin nila Det,  Elmer, at Loel na nasa malapit. Nagkatinginan silang lahat, halatang nagulat sa narinig. 

Si Bea naman, hindi makatingin nang diretso kay Bennie o kay Jho. Ramdam niya ang bigat ng tanong ng anak niya, at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. Napapailing na lang ang buong pamilya ni Bea sa kanya. 

"Ah, baby, time to sleep na. Tara na," sabi ni Jho. Tumayo naman agad si Bennie. Akmang bubuhatin siya ni Bea pero yumakap ito agad kay Jho. 

Naiwan ang buong pamilya ni Bea kasama siya sa dining. Samantala, si Bennie at Jho umakyat. Sakto namang nag-ring ang cellphone ni Jho—si Thirdy tumatawag. 

"Oh, your Tito Astig is calling," masiglang sabi ni Jho at sinagot ang tawag ni Thirdy. Pero si Bennie halatang malungkot. 

"Hello, Happy New Year, Jho," sabi ni Thirdy dahil kay Jho pa nakatapat ang camera. Itinapat ni Jho ang camera kay Bennie. 

"To my favorite kiddo—oh, why do you look sad?" 

"Happy New Year, Tito Astig. I miss you," matamlay na sabi ni Bennie. Tumingin si Thirdy kay Jho at tumango si Jho. 

"Kiddo, let’s play later, okay? May gift ako sayo," sabi ni Thirdy kay Bennie. 

"Okay, Tito Astig. See you later." 

"Okay, okay. Sleep ka na. I’m excited. Ikaw din dapat! Good night, kiddo," sabi ni Thirdy. Tumango naman si Bennie. 

"Jho," tumango naman si Jho. Gets niya si Thirdy—ibig sabihin tatawag ulit siya pagkatulog ni Bennie. Hindi nagtagal, nakatulog nga si Bennie dahil past 12 na rin. Tumawag ulit si Thirdy at kinuwento ni Jho 'yung nangyari. 

"Sarap sapakin niyan ex mo," galit na sabi ni Thirdy. 

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Happy New Year, Everyone. 🥳🫶

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now