Bea's POV
Hahaha, nanlaki yung mata ni Jho nung sinabi ko na magdedate kami.
"Jho, if nakita mo reaction mo, hahaha."
"Ouch! Hahaha," pinalo niya 'yung braso ko.
"Nagtatanong ako ng maayos dito tapos pinagtitripan mo ko, oh, kumain ka na diyan," sabi niya, sabay talikod sa akin.
"Huii, saan ka pupunta? Sabay tayo kumain, hahaha," sabi ko, pero hindi niya ako pinansin. Binitawan ko 'yung camping tent—tapos na rin naman.
"Heyy," sinundan ko siya.
"Ano, Beatriz?" sabi niya.
"I'm just kidding. Tara na, kain na tayo. Sabay tayo," I said, smiling. Tinitingnan niya ako sa mata.
"Magbebehave na ako. Pupunta tayo sa Manila, sasamahan mo lang ako, 'yun lang," I said.
"E bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?"
"Pwede naman ikaw na lang."
"Gusto kita—I mean, gusto ko kasama ka e. Kasama kita, no buts," I said. **The fuck, Bea, anong nangyayari sa'yo?** Then hinila ko siya pabalik sa tent.
"Sandali, baka madapa naman ako," she said. Huminto ako.
"Haha, hindi ka madadapa, hawak kita." Inirapan niya ako. Hahaha, ang hilig niya talaga umirap. Napailing na lang ako.
Kumain kami nang sabay. Pagkatapos ay tinulungan ko siya ayusin 'yung tent niya. Ayaw niya daw tumabi sa akin.
"Sure ka, Jho?" Pinipilit ko kasi siya, tabi na lang kami, kaso ayaw niya. She nodded.
"Kaya ko, saka hindi ako sanay na may katabi bukod kay Jaja."
"Sige. Gisingin mo ako pag may need ka, ha," I said, at pumasok ako sa sarili kong tent.
Jhoana's POV
Pagkatapos ayusin ang lahat, sinubukan kong magpahinga, pero hindi ko magawang mapakali. Nakahiga ako, nakatingin sa kisame ng tent, pero parang may kakaibang kilig na naiwan sa akin. Bea's words echoed in my mind—"Gusto kita." Binalewala ko lang, pero ramdam ko ‘yung kaba na parang may iba siyang ibig sabihin.
Napatingin ako sa tent ni Bea, and I could hear her quietly shifting inside. Naisip ko kung ano kaya iniisip niya ngayon. Kinagat ko ‘yung labi ko, trying to shake off the thoughts. Wala namang dapat ipag-alala, diba? Magkaibigan lang kami, nothing more.
Pero bakit parang iba na 'yung nararamdaman ko?
Bea's POV
Nasa loob ako ng tent, at hindi ko mapigilan 'yung sarili kong mag-isip ng kung anu-ano. Sinabi ko ba talaga 'yun kanina? "Gusto kita." Shit, what was I thinking? Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Pinikit ko 'yung mga mata ko, pilit na inaayos ang isip ko. Magkaibigan kami ni Jho, at wala namang mali doon. Pero every time na kasama ko siya, parang may ibang spark.
This is getting confusing. Should I make iwas to her? Pero hindi inaya ko siya pumunta sa Manila pagkababa namin. Hay nako, Bea.
I was about to fall asleep nang madinig ko na parang may tumili, kaya lumabas ako ng tent at nakita ko si Jho, nasa labas din ng tent niya. Nakita niya ako, bigla siyang tumakbo at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya kasi I have no shirt, I’m just wearing a sports bra.
"What happened?" I said.
"Ma—may ahas pumasok sa tent ko."
"What?! Wait," agad-agad ko siyang chineck.
"Hindi ako natuklaw. Galing ako sa CR, and papasok na sana ako, nakita ko 'yung ahas sa may floor ng tent kaya napasigaw ako."
"Jho, why didn't you close your tent? Kasi what if hindi mo napansin at natuklaw ka?" I said. Hindi siya kumikibo. Lumapit naman ang tour guide namin.
"Pasensya na po, ngayon lang po kasi may nakapasok na ahas sa tent ng hiker dito. Kami na po bahala, sandali lang po, huhulihin po namin ang ahas at papakawalan sa malayo. Bawal po kasi kami pumatay ng ahas," sabi ng bantay na tour guide.
"Salamat, sir. Pero sa tent ko na po matutulog yung kasama ko, tabi na lang kami," nakatingin si Jho sakin, halatang magpoprotesta siya na ayaw niya.
"Sa tent ko na ikaw matulog, no buts. Baba na din tayo agad bukas ng maaga," inunahan ko siya magsalita at hinila ko siya papunta sa tent.
Jhoana's POV
"Lagay mo gamit mo bag mo sa gitna natin," sabi ko kasi ayaw niya pumayag na sa tent ko ako matulog. Nakakahiya din ginawa ko kanina, hindi naman ako takot sa ahas, pero tumakbo ako at yumakap sa kanya. Buti na lang hindi niya binabanggit.
"Oh ayan, pwede na matulog?" Inirapan ko siya, tinawanan niya lang ako at humiga siya. Kakairita talaga 'to minsan.
Kinabukasan...
Nagising si Bea para sana gumamit ng CR, pero ramdam niya na may nakayakap sa kanya. Umaga na din, at pasikat na ang araw.
Dinilat niya ang mata niya, nakita niya si Jhoana na nakayakap sa kanya. She stared at Jhoana, who was still sleeping.
"If bumalik ako dito and you are still single, I’m going to pursue you, but for now I can't. Masyadong mabilis, ayaw ko masaktan ka," Bea whispered while she traced Jhoana's face. Niyakap niya pabalik si Jhoana at nakatulog ulit si Bea.
After almost an hour... "Ja, mainit, tanggalin mo yakap mo." Jhoana forgot that she was with Bea, but Bea was asleep kaya hindi niya nadidinig ang sinasabi ni Jho.
Jhoana slowly opened her eyes and unti-unti niyang narealize na she’s with Bea.
"Ahhhhhhh," Jhoana shouted kaya nagulat si Bea at bigla tumayo.
"Bakit ka nakayakap sakin? Nilagay mo yung gamit mo sa gitna natin ah," Jhoana said, while punching Bea.
"Aww, Jho, ikaw nangyayakap, hindi ako," reklamo ni Bea.
"Jho, stop. Ano ba?" Bea said, but still, Jho didn’t stop. Binigla ni Bea si Jho at napahiga siya sa tent. Nagtitigan sila ni Bea.
"Mga miss, ayos lang kayo?" Akmang hahalikan ni Bea si Jho nang biglang may nagsalita, kaya napaalis si Bea sa taas ni Jho at binuksan yung tent.
"We're okay, magprepare lang kami then we can go down," Bea said. Si Jho naman natulala.
"Iwan muna kita, I'll just use the CR. Ready yourself," Bea said, at mabilis na umalis sa loob ng tent.
Fuck, Bea, what are you doing? Almost 5 months ka pa mag-i-stay dito. Bea whispered to herself when she entered the comfort room.
When she went out, hinila niya 'yung door, hindi niya alam na andon na pala si Jhoana kaya napahiga silang dalawa. Jhoana was on top of Bea, and their lips met.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Sorry guys busy lang pinilit ko lang talaga magupdate before matulog so
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆