"Ano ba yan, kakauwi lang natin, Elmer, traffic agad ang bungad. Excited na akong makita ang apo ko bukas," sabi ni Det.
"Hindi ka na nasanay, Det. Manuel, tanong mo nga kung anong meron at bakit traffic."
"Sige po, sir," sagot ni Manuel habang binuksan ang bintana at inilabas ang kamay niya.
"Tol, anong meron, bakit traffic?"
"Naku, may aksidente. Nakainom daw yata 'yung driver. Isang lane lang 'yung pinapadaanan, bigayan lang. Mamaya pa siguro luluwag. Malala ata ang tama, bumangga sa truck. Babae pa yata ang driver," sagot ng naka-single na motor.
"Ay, sige. Naku, kawawa naman. Salamat, tol," sabi ni Manuel at umalis na ang naka-motor.
"Sir, may aksidente daw po sa harap," sabi ni Manuel. Tumango si Elmer. Hindi nagtagal ay pinadaan sila. Parang nagslow-mo ang lahat nang makita nila ang sitwasyon.
"E–Elmer," nauutal na sabi ni Det.
"Manuel! Itigil mo sandali!" Hininto naman ni Manuel ang sasakyan kahit na nagdulot ng kaunting traffic. Dali-daling bumaba si Elmer, kasunod si Det.
"Sir, bawal po kayo dito," pagbabawal ng isang pulis.
"Pakialis po yung sasakyan, andiyan na 'yung ambulance—"
"Anak ko 'yan! Nasaan na ba 'yung ambulance na 'yan! Napakabagal!" sabi ni Elmer habang napapahilamos ang kanyang kamay sa mukha. Kitang-kita niya si Isabel na nasa harap ng kotse. May malay pa si Isabel, pero halatang nawawala na ito dahil pumipikit na ang kanyang mga mata.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
A/N: Parang ganito and puro dugo imagine niyo nalang😭
"ISABEL! Si Dad at Mom mo 'to! Kumapit ka! Huwag na huwag mong ipipikit 'yang mga mata mo!"
"Sir, ma’am, huwag niyo pong hahawakan. Andiyan na po 'yung medic," sabi ng pulis. Dumating ang mga medic. Si Det ay umiiyak na sa takot.
Dinala si Isabel sa pinakamalapit na ospital. Sumakay rin ang mag-asawa sa ambulance, sinundan sila ni Manuel.
"Ma’am, sir, hanggang dito na lang po muna kayo," sabi ng staff.
Hindi alam ni Elmer ang gagawin. Si Det naman ay tulala habang nasa ospital. Lumapit si Elmer kay Det.
"I’ll call Jhoana. They need to know about this," sabi ni Elmer. Tumango lang si Det.