It's too early pero hindi na ako makatulog. I guess I'm excited ata pumunta sa rancho. Jho said na we will visit na sa mga horse ni dad. I want to ride again. I have experience naman na pero iba naman 'to kasi amin na yung kabayo. Bumaba ako and naabutan ko si Manang.
"Bakit parang ang saya-saya mo anak? Ang aga pa din, bakit hindi ka magpahinga mabuti?"
"Hindi na ko makatulog, Manang e. Saka Jho told me yesterday we will go sa rancho. We might have horseback riding. Yesterday kasi sa taniman ng mga prutas kami and sumaglit sa planta. May mga bata pala dito, sinama namin sila ni Jho kahapon. Maybe isama na din namin sila ngayon," masayang sabi ko.
"Mukhang magkasundo na kayo ni Jhoana ah. Ah, oo dalawa lang naman 'yon, kambal, anak ni Mona. Gustong-gusto sumama non kay Jho, mahilig kasi yon sa bata. Kapag may pasok si Jho, siya ang nagtuturo sa kanila ng mga assignment," tumango ako.
"Actually napansin ko nga din po kahapon na super caring niya don sa dalawa kasi she used her personal hankie pamunas don sa dalawang bata. She’s so kind, Manang Beth."
"Ganyan talaga 'yan si Jho, masasanay ka din. Alam mo, ang swerte ng magiging asawa niyan, napakabait kasing bata. Kumikita 'yan dito sa mansyon minsan kapag kulang ang tagasilbi, kagaya nung dumating ka. Ang kita niya, binibigay niya sa mama niya at papa niya."
"So that means yung extra money na binigay ko sa kanya, binigay niya din sa parents niya?" tumango si Manang.
"Wala, maaari. Hindi kasi maluho 'yang si Jhoana. Ay naku, mas makikilala mo pa siya. Gusto mo ba ng kape? Igagawa kita sanda—"
"I hope so, haha. But she's nahihiya nga sakin. No, Manang, haha. Lumabas lang ako kasi di na ako makatulog, and gabi sa US ngayon so wala mga friend ko. They're sleeping. Sakto naman na you're here."
"You said na maswerte ang magiging asawa niya, so may boyfriend na siya?" Umiling si Manang.
"Wala, pero may mga manliligaw 'yan. Nakarating ka na sa kanila, di ba? Si Ysay, anak ng driver ng papa mo, nanliligaw yon kay Jho. Gustong-gusto nila si Jho para kay Ysay. Tapos si Nico, na sobrang sakit sa ulo nila Divina at Boyet—yung tagapitas ng mga prutas dito sa farm, ang magulang—nanliligaw din kay Jho."
"Pogi po ba 'yung mga 'yon? Haha. Asan po yung mga 'yon?"
"Ay naku, mas pogi ka don sa mga 'yon. Ah, yung mga 'yon, nasa rancho. May kanya-kanyang alaga na kabayo. Yung kinikita nila don ay para naman yon sa kanilang pag-aaral. Kaso si Nico, hindi sa paaralan pumupunta, sa bilyaran." Tumawa naman ako. So makikita ko sila mamaya.
"Bakit mo naman naitanong? Baka type mo din si Jhoana, anak? Boto agad ako, hindi ko na kailangan kilalanin dahil kilalang-kilala ko na." Biro ni Manang.
"Wala po, na-curious lang po ako. Manang Beth talaga. Pero bagay po ba kami? Baka lalo mahiya si Jho sakin 'nyan. I agree naman po, maganda talaga siya and attractive. And base po sa mga kwento niyo, I think she’s girlfriend material. But we're too young—1st year pa lang siya, then ako 3rd year—kaya baka malabo po 'yan."
"Wag ka magsalita ng tapos, anak. Sandali lang at ako ay magluluto pa. Ayaw mo naman magkape, iiwan muna kita," nakangiting sabi niya at iniwan ako.
I admit naman, maganda talaga si Jhoana. She's masayahin din. But I’m not that breezy naman to make a move. Baka mailang yung tao. Araw-araw ko siya makakasama kapag may lakad ako, and I'll just stay here for 6 months. Babalik din ako sa States to continue my studies.
Lumabas ako sa pool area. Hindi ako magswi-swimming, it’s too early, hahaha. Hours passed by, sumisikat na ang araw, and nakapagbreakfast na din ako. Hindi ko na inantay sila dad kasi late na sila nakauwi kagabi. As usual, may meeting si dad. Si Jho pinasundo ko kay Manong Bert para sabay kami papunta sa rancho.
I just wore a white fitted shirt and comfortable jogging pants para comfy sa horseback riding later. Pagkatapos ko ay bumaba ako. Sakto naman, nasa living room na pala si Jho.
"Sorry, Jho, nag-antay ka pa."
"Oh, wala yon. Kakadating lang din naman namin ni Manong Bert. Pwede naman mauna ka na sa rancho, you don’t need na pasundo mo pa ko. Nakakahiya."
"Come on, Jho. Sabi ko sayo kahapon sabay tayo e. Don’t be shy, let’s go na. Tulog pa sila mom e." Hinawakan ko yung kamay niya at hinila palabas.
"Manang, pasabi nalang kay mom sa rancho lang kami," I shouted.
"Dahan-dahan, Beh. Ang excited mo naman masyado. Baka madapa tayo," Jho said, kaya napahinto ako.
"Wait, what did you say? Can you repeat it?" Ngiting sabi ko sa kanya.
"Dahan-dahan, baka madapa tayo?"
"No, the whole sentence. You called me something e," naka-ngiti pa din ako. She called me *Beh* e.
"Dahan-dahan, Beh. Baka madapa tayo. Excited ka masyado?"
"Hahaha okay, *Beh.* Dahan-dahan na lang tayo." She took a deep breath, haha.
"Lalim naman non, hahaha. Muntik na ko nalunod, *Beh*," biro ko. Inirapan niya ako.
"Ewan ko sayo, Beatriz." Inirapan niya ako at iniwan sa pwesto namin.
"Hey, you're so cute, hahaha. I'm just messing around. Wait for me, *Beh*," I ran kasi ang bilis niya maglakad.
"Bilisan mo kaya. Baka naka-ready na yung dalawang bata na inaya mo," sabi niya.
"Haha, ito na po, master! Oh, naglalakad na nga ng mabilis, Jho." Huminto siya at tumingin sakin.
"Bagay sayo yung suot mo. You're so pretty, kaso ang sungit mo," I said as I chuckled. Sinamaan niya ako ng tingin. She’s wearing a sleeveless top with leggings, partnered with boots, and may long sleeves na nakatali sa waist niya.
"Thank you ha! Alam mo, okay na sana. Pinuri mo na ko ng maayos, kaso dinagdagan mo pa," she said at umirap nanaman.
"Hahaha, alam mo, isang irap mo pa sakin, hahalikan na kita."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆