Chapter 25

663 21 13
                                        

Jhoana's POV

Pinagbuksan ako ni Bea ng kotse. Medyo naawa naman ako kay Ara; wala naman siyang ginagawa, tungkol lang naman sa group project yung pinag-uusapan namin. Hindi ko rin kasi alam na nasa labas ng building si Bea, sabi niya sa main entrance niya ako aantayin.

Sumakay si Jema at Ate Ella sa likod, tahimik lang ako kasi hindi ko talaga gusto yung ginawa ni Bea.

"By the way, hindi pa pala kami nagpapakilala sa'yo, Bea. Jorella Marie de Jesus—Ella na lang," sabi ni Ate Ella at inabot niya ang kamay niya, tinanggap naman ni Bea.

"Jessica Margarett Galanze—Jema na lang," sabi ni Jema at ganun din ang ginawa ni Bea.

"Isabel Beatriz de Leon—"

"De Leon ka???" sabi ni Ate Ella, halatang nagulat.

"Kakasabi nga lang, Ells, diba?" sabi ni Jema, natawa.

"Kamag-anak niyo yung isa sa mga investor sa Ateneo?" tanong ni Ate Ella, kaya napatingin na rin ako kay Bea, nagaantay ng sagot. Tumango siya.

"Wow, grabe! Anak ka ng isa sa pinakamayaman dito sa Pilipinas tapos taga-sundo ka lang ni Jhoana? Grabe ka, Jho!" sabi ni Jema. Nagulat naman ako kasi alam ko naman na mayaman sila, pero hindi ko alam na isa sila sa mga investor sa Ateneo, tapos isa pa sa pinaka-mayayaman sa Pilipinas.

"That's the point—anak lang ako, that means hindi sakin yung yaman. I'm just a student like you guys, but graduating na ako kasi magkaiba yung states namin."

"Ang humble! Hahaha. Baka pwede ka na din namin maging kaibigan, diba Jema?" sabi ni Ate Ella.

"Haha, of course! Kaibigan kayo ni Jho e, saka basta ba babantayan niyo si Jho e," sabi ni Bea, kaya napatingin ako sa kanya ulit; seryosong nakatingin siya sa daan.

"Ay—" pinutol ni Jema yung sasabihin ni Ate Ella.

"Oo naman, kami bahala kay Jho. Malakas yan sa amin."

"Hindi naman ako kailangan bantayan," sabi ko. Natahimik silang tatlo at after 20 minutes, huminto kami.

"Hotpot?" tanong ni Ate Ella. Tumango si Bea.

"Yeah, ayaw niyo ba? Kung ayaw niyo, pwede naman tayo lumipat ng iba."

"Hindi! Hahaha, sakto nga e! Kahapon ko pa gusto mag-hotpot, hehe, pero tamang hotpot session pa. Medyo masakit din sa bulsa, hahaha."

"It's okay, it's on me naman."

"Huy, talaga ba? Nagbibiro lang naman kami," sabi ni Ate Ella.

"Haha, don’t be shy. Diba kaibigan ko na kayo? Masanay na kayo. Ops, wait lang, mauna na kayo sa loob. Sabihin niyo na lang table for four, at sabihin niyo lang name ko."

"Jho, wait, iwan ka?" tanong ko, bababa na sana ako para sumama sa kanila.

"Ah okay, intayin na lang namin kayo sa loob. Tara, Jema," sabi ni Ate Ella, kaya lumabas na sila.

"Bakit?" tanong ko.

"I'm sorry, she's making a move kasi sa'yo," sabi ni Bea at hinawakan niya kamay ko.

"Hindi naman, Beatriz. Siya kasi partner ko sa isang subject. Hinihingi niya yung number ko para mapag-usapan namin yung gagawin. Saka kahit na wala ka, hindi ko naman ibibigay yung number ko."

"No, Jho, I know she's making a move sa'yo. Kabisado ko na ang mga ganun galawan," I sighed.

"Napag-usapan na natin about that, diba? You don’t have any reason to get jealous. Pero ano yon, bakit mo ginawa sa harap nila?" Tumahimik siya.

"I'm sorry, ayoko lang talaga na umaaligid siya sa'yo. Lalo na I'm leaving soon, lagi na siyang makakalapit sa'yo," napailing na lang ako.

"Tara na, nasa loob na sila Jema, inaantay tayo." Bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry. Wag ka na magalit. Wala pa nga akong isang araw nanliligaw, nagagalit ka na agad. Mahal kita, Jho, always remember that."

"Oo, tara. But please, control yourself. May usapan na tayo, diba? Hindi ka basta-bastang tao, Bei, masyado kang mataas. Ito lang ako," kumunot noo niya.

"Don't think that way, Jho. Just think that I love you," she said and kissed my forehead. Bumaba siya ng mabilis sa kotse at pinagbuksan ako, ngiting-ngiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Your hand really fits in mine."

Jema's POV

Kala Bea pala yung hotpot session na 'to nagulat kami nung sinabi nung staff VIP room daw kaya mas lalo kami ginanahan ni Ells

Nang pumasok kami sa VIP room ng hotpot restaurant, nagkatitigan kami ni Ella, lalo na't nakitang magkahawak pa ng kamay sina Bea at Jho. Lumingon ako kay Ella.

"Girlfriend ni Jho si Bea?" tanong ko.

"Ewan, pero base sa mga actions ni Bea, mukhang gusto niya si Jho. Lagi pa silang magkasama, so possible. Act like we don’t see anything na lang tayo. Magkwekwento naman siguro yan si Jho kapag gusto niya," sabi ni Ella.

"Sa bagay, pero bagay naman sila kung meron man namamagitan sa kanila," sagot ko.

"For real! Ang mahalaga, libre tayong dalawa hahaha," pabirong sabi ni Ella, kaya natawa ako.

"Sira ka talaga! Ayan na sila," sabi ko nang makita kong binitawan na ni Bea yung kamay ni Jho.

"Oh, Ate Ella, bakit hindi pa kayo nagsisimula?" tanong ni Bea habang papalapit.

"E, inantay na namin kayo," sabi ni Ella habang tinutulungan ni Bea si Jho sa upuan.

"Haha, sorry, may sinabi lang ako kay Jho. Pinapasabi ni Mom," sabi ni Bea.

Habang kumakain, halatang asikaso ni Bea si Jho. Siya ang nagluluto para kay Jho at nilalagyan pa ang bowl niya. Talagang gentlewoman siya. After 2 hours, natapos na kami.

"Thank you, Ms. Bea," sabi ko, at tumango lang si Bea habang papalabas na kami.

"Thank you, Bea, haha! Sa uulitin sana," sabi ni Ella.

"Totoo, thank you, Bea," dagdag ko.

"Haha, no problem! Sana nabusog kayo. Sure, ulitin natin bago ako umalis," sagot ni Bea.

"Aalis ka? Ang bilis naman," sabi ni Ella, hindi alam na aalis na si Bea kasi si Jho lang ang nasabihan last time.

"Yeah, ayaw ko nga sana umalis. Hahaha, almost 6 months na ako dito sa Pinas," sabi niya, tumingin kay Jho. "Pero kailangan ko bumalik e. 1 year lang naman, babalik din agad ako."

"Sa bagay, kung dito ka nag-aral, 2nd year college ka pa lang tulad namin," sabi ni Ella.

"Wag ka makinig sa mga yan, Beatriz, lalo na kay Ate Ella. Matakaw yan siya," biro ni Jho.

"Hoy, Jho, grabe ka! Pati ikaw!" sagot ni Ella, kunwaring nagtatampo.

"Totoo, mas matakaw si Jho sa amin! Pero ayaw niyang kainin yung mga binibigay ni Ara sa kanya na pagkain, kaya kami ni Ella lagi ang kumakain. Thankful naman kami—malaking tipid, hahaha," dagdag ko, pero napansin kong parang nagbago ang mood ni Bea.

"Anong ako? E inaaya niyo nga lang ako lagi," sabi ni Jho

"Really? Binibigyan ni Ara si Jho ng pagkain? Ayos pala, galante pala yon," sabi niya, medyo seryoso ang tono.

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Bound by SecretsWhere stories live. Discover now