Jhoana’s POV
Pagkatapos ng New Year, umuwi na kami sa Bulacan tulad ng gusto ni Bea. Sa bahay niya kami nakatira, nandoon na rin ang mga gamit namin.
Sa tabi ni Bennie ako natutulog, at tuwing tinatanong niya kung bakit hindi ako natutulog sa kwarto ng dada niya, ang palagi kong sagot ay, “Sanay kasi ako na ikaw ang katabi ko, anak. Hindi ako makakatulog kapag wala ka.”
Ngiting-ngiti si Bennie tuwing naririnig iyon. Nagpapasalamat na lang din ako na sabik siya makilala ang dada niya, pero mommy's boy talaga siya. Sa totoo lang, mas gusto ko ring katabi ang anak ko kasi parang hindi ko din kaya tumabi kay Bea sa iisang kwarto, lalo na ngayon may girlfriend siya. Mahalaga na lang sa akin ay masaya si Bennie na nakikita niya ang dada niya. Para sa kanya, gagawin ko ang lahat.
"Bea, iiwan ko muna si Bennie. Natutulog pa kasi siya. May kukunin lang ako sa school na files—need ko kasi i-review, pero babalik ako agad, kung puwede lang," sabi ko pagbaba ko. Naabutan ko siyang nasa living room at nagce-cellphone. Siguro kausap niya si Kianna.
Nakalimutan ko kasi 'yon last time, at kailangan ko nang i-review dahil bukas na ang balik ng mga bata—January 6, at Sunday ngayon kaya nandito si Bea.
"Oh, sure. You know how to drive? You can use my car," sabi niya.
"Ah, no na. Magko-commute na lang ako. Nandiyan naman na rin si Mang Dante," sagot ko. Nag-nod naman siya.
"Balik din ako agad. Thank you," sabi ko at lumabas. Huminga ako ng malalim at sumakay sa tricycle ni Mang Dante.
"Ganda ng bahay niyo ngayon, Jho. Happy New Year," sabi ni Mang Dante.
"Ah, hehe, hindi po sa akin 'yan, Mang Dante. Nakikitira lang ako. Happy New Year din po," sagot ko. May regalo nga pala ako kay Mang Dante. Siya yung service namin ni Bennie simula pa dati. Mabait siya at lagi niyang kabiruan si Bennie at Thirdy.
"Ay, akala ko sa 'yo kasi bigla ka lumipat ng bahay," sagot niya habang nagda-drive. Tinawanan ko na lang. Makalipas ang 10 minutes, nasa school na kami.
"Mang Dante, sandali lang po ha. Antayin niyo na ko, kukunin ko lang po yung files na kailangan ko bukas."
"Okay, dito na lang ako," sagot niya kaya dali-dali akong pumasok sa loob at kinuha yung files para makabalik din agad. Baka kasi hanapin ako ni Bennie. May yaya naman siya na kinuha ni Bea, kaso hindi ko nasabi sa yaya na aalis ako.
"Tara po, Mang Dante," sabi ko at saka sumakay. Agad naman nag-drive si Mang Dante pabalik.
Malayo pa lang, may nakita akong pick-up sa tapat ng bahay ni Bea.
"Manong Dante, pakibilisan po," sabi ko dahil nakita kong nagsusuntukan si Bea at Thirdy. Wala pa akong isang oras na nawala, may suntukan na agad.
"Mang Dante, puwede po ba tulungan niyo akong awatin sila?" sabi ko at nagmamadaling bumaba.
Bea’s POV
May nag-doorbell. Kakaalis lang ni Jho—may kukunin daw siya sa school. Lumabas ako at nakita ko si Thirdy.
"Kung si Jho ang hinahanap mo, wala dito," sabi ko. Hindi ko pa ino-open yung gate pero naglakad ako papunta roon at lumabas.
"Actually, hindi si Jho yung pinunta ko dito. Ikaw. Alam ko na wala siya," sabi niya.
"Bakit? Para saan?" tanong ko.
"Gusto ko lang sabihin nang personal na napaka-gago mo!"
"Oh wow, ang tapang mo pala, e," sagot ko.
"Oo naman. Matapang ako kumpara sa 'yo," sagot niya.
"Ano bang problema mo at nanggugulo ka dito?"
"Tatanungin mo kung sino ang problema ko? Ikaw! Ikaw yung problema dito! Ang lakas ng loob mo na kunin si Jho at Bennie at magpakilala ng bagong girlfriend sa harap ni Jho at ng anak niyo. Literal na gago ka pala, e!" Sagot niya sa akin habang tumataas ang boses. Hindi na rin ako nakapagpigil. Nag-init na rin ang ulo ko kaya nasuntok ko siya. Napaupo siya at napahawak sa panga niya.
"Gago! Wala kang alam! Saka anong pakialam mo? Pinakialaman ko ba kayo ni Jho? Kayo nga itong harap-harapan naglalandi sa harap ng anak ko! Mind your own business!" sabi ko. Agad siyang tumayo at sinuntok din ako.
"Mas gago ka! Mas lalong wala kang alam! Hindi ka kasi marunong makinig sa paliwanag ni Jho," sagot niya. Hindi ko siya sinagot. Lumaban ako ng suntukan sa kanya.
"Tumigil nga kayo!" tumatakbo si Jho papunta sa amin kasama ang driver ng tricycle na sinakyan niya. Pumagitna siya sa amin ni Thirdy at niyakap si Thirdy. Napapailing na lang ako. Tangina talaga. Inaawat ako nung driver.
"Tangina ka! Lumayas ka dito! Nasa harap ka ng bahay ko!" sigaw ko.
"Tumigil ka na, Bea!" sigaw ni Jho habang nakayakap kay Thirdy. Tangina, bakit parang kasalanan ko pa?
Third Person POV
"Thirds, umalis ka na. Mag-usap tayo mamaya. Tatawagan ko si Ate Din para gamutin mo 'yan," kalmadong sabi ni Jho. Narinig ito ni Bea. Hinawakan ni Jho ang mukha ni Thirdy para i-check. Napa-tango na lang si Thirdy kay Jho.
"Wow, sa harap ko pa talaga," bulong ni Bea sa sarili habang masama ang tingin kay Jho at Thirdy.
"Sabihan mo ako, Jho, kapag sinaktan ka niyang gago na 'yan. Kukunin ko kayo dito ni Bennie," sabi ni Thirdy sabay duro kay Bea.
"Lumayas ka dito, hayop ka! Baka mapatay kita," sabi ni Bea.
"Bea! Tumigil ka na sabi! Thirds, please, alis ka na, tawagan kita mamaya" sabi ni Jho habang tinutulak si Thirdy papunta sa pick-up. Ayaw man ni Thirdy, sumunod siya sa gusto ni Jho.
Winaglit ni Bea ang kamay ni Mang Dante at galit itong pumasok sa loob ng bahay.
"Mang Dante, pasensya na po. Ito po yung bayad, at kunin niyo po ito, regalo ko para sa inyo," sabi ni Jho habang iniabot ang bayad at sobreng pula kay Mang Dante.
"Nako, nag-abala ka pa, Jho. Maraming salamat. Ayos ka lang ba dito?"
"Maliit na bagay lang po 'yan. Opo, ayos lang po, Mang Dante. Salamat po."
"O sige, tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Mauna na ako, mukha yatang mainit ang ulo ng kasama mo," sabi ni Mang Dante. Tumango si Jho at umalis na si Mang Dante.
Huminga ng malalim si Jho bago pumasok ng bahay ni Bea. Nakita agad siya ni Bea na mainit pa rin ang ulo.
"Wag na wag mong papabalikin dito yung boyfriend mo. Baka kung ano magawa ko sa 'don!" galit na sabi ni Bea.
"Hindi ko boyfriend si Thirdy! Para lang alam mo!," galit din na sabi ni Jho at umakyat buti nalang ay tulog pa din si Bennie at hindi madidinig ng katulong nila.
"LOL! Dineny pa sakin" bulong ni Bea pag akyat ni Jho
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Happy New Year, Everyone! Asar na ba kayo sa character ni Bea?😊
Hindi ko alam kung kelan next update may pasok na ko e hahaha. Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
