♔ MD 23 - Bakit Biglang Ganun? ♔

215 26 15
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
Dedicated to @IamBreathless. Thank you sa patuloy na pagbabasa mo, sobrang nappreciate ko talaga. :) Anyway, guys try niyo rin basahin ang story niya na Loving, Blake Sheer. Ongoing din yun and it's a great read! 
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Alas-singko pa ng hapon ang flight namin ni Kendrick kaya naman nandito kami ni V sa mall. Since it is Fall in New York, naghahanap ako ng mga outfits suited for the season. Medyo marami na kaming nabili and we're on the last store already.

"So, what are your plans V?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Huh? Wala naman. Maybe I'll just go shopping and find myself a boyfriend." Saad niya. I gave her a bored look at nagkibit balikat naman siya.

"Eh how about Ollie?" tanong ko sa kanya. Kunot-noo niya akong tinignan. Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti.

"Feeling ko may something sa inyo." Dagdag ko pa. Tinulak niya ako ng mahina.

"Gaga, wala. Assumera ka B." deny niya. Tinitigan ko lang siya at tinulak niya ako ulit. "Stop looking at me like that! Geez, B. Wala nga."

"Wala ha. Do you remember the time that Ollie kissed you on the forehead when you we're drunk?" nanlaki ang mata niya. Pinigil ko naman matawa dahil gulat na gulat talaga siya.

"Why are you bringing that up again?!" di makapaniwalang tanong niya.

"Oh, clueless ka no." wika ko sa kanya. Hinawakan niya naman ako sa wrist ko. "Di ko na nga maalala nangyari nun!"

"Okay, kalma lang Veronica! I just saw him okay? Tatawagin ko dapat kayo for breakfast kaso naudlot nga kasi nakita ko na kinikiss ka niya sa forehead." Kwento ko sa kanya. Her expression is priceless. Shocked and from what I see, may kaunting kilig. Matagal din siyang natahimik. I snapped my fingers to get her attention.

"S-sorry, I kinda spaced out."

"Sus. Kilig ka lang yata e." asar ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. "Shut up B."

"Anyway, may gusto ka bang ipabili sa NY?" pag-iiba ko ng usapan. Pumunta naman na kami sa cashier para bayaran ang mga nabili namin.

"I think you already know what I want." Nakangiting sagot niya.

Pagkatapos namin magshopping ni V, dumiretso na kami sa isang restaurant para maglunch.

"V, I need to ask you something." Seryosong tanong ko. Bigla ko kasi naisip si Kendrick.

"Okay, shoot."

"Do you think this is weird? I haven't heard Kendrick say I love you to me." I confessed to her. Lately talaga, nabobother ako kasi hindi niya pa sinasabi. I mean, mahal niya ba ako?

"What do you mean, B?" sumeryoso ang mukha ni V.

"Kasi every time na sinasabi kong I love you, he's not saying it back. Instead, he'll just kiss me or even smile." Wika ko. Kinwento ko rin ang mga iba pang time na ganon ang nangyayari.

"B, I know Kendrick loves you. I can see the way he looks and care for you. Kilala naman natin siya, hindi siya yung tipo ng lalaki na may serious relationships in the past. Maybe he's not used to saying it." Ani V. Napabuntong hininga ako, may point naman si V. I just wish it is true din.

"Anyway B, don't fret. Malay mo marinig mo na yun sa New York, just don't worry too much okay? He loves you." Nakangiting saad niya. Tumango na lamang ako at tinuloy ang pagkain. Bigla naman nag-ring ang phone ko.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon