♔ MD 67 - The Unexpected Wedding ♔

162 5 0
                                    


Copyright © jeanariamontes, 2016
♚✧✦✧✦✧♚

THIRD PERSON'S POV

2 YEARS LATER

"Cheers to the newly appointed CEO of R&R, Miss Bianca Skye Razon!!" masiglang anunsiyo ng emcee sa mikropono. Kasalukuyang ipinagdiriwang nila anfika-30th year anniversary ng R&R at mayroong party na ginaganap sa rooftop ng R&R Building. Kasabay din nito ang promotion ng dalaga.

Malapad naman ang ngiti ni Bianca habang hawak sa kanang kamay ang champagne. Nagpalakpakan ang mga tao sa kanyang paligid. She's happy because she finally achieved what she wanted.

Pure Success.

Ngunit sa likod ng malapad niyang ngiti ay may bahid pa rin ng kalungkutan. And it's because of one person, the only person she wants to share her success with.

Kendrick Van Frost.

The only man she loves. Hindi pa rin ito nakabalik mula sa Tokyo ngunit ayon sa balita, he changed his company from Frost GoC to Frost Empire at ito na ang nangungunang kumpanya pagdating sa mga hotels and bars. Masaya rin siya para sa binata dahil natatamo na rin nito ang success niyang matagal na ring gustong makuha.

But she had a thought about it. Naisip niya na siguro nga ay hindi sila para sa isa't isa. She thought of it as they can only achieve their success without the presence of one another in each of their lives.

"Oh my gosh B!" V squealed in front of her. Inakap din siya nito. "Congrats!!"

"Thank you." Nakangiting wika niya sa kaibigan. Nang makawala sila sa isa't isa sa yakap, uminom naman siya ng kaunti sa kanyang champagne.

Like her, Veronica's successful too. She's now a famous fashion designer. Nakapaglaunch na ito ng ilang fashion line.

"Kamusta ka na B?" wika niya dito. Ngayon lang din kasi sila nagkita after ng ilang linggo. Bianca focused on R&R simula nang iwanan siya ni Kendrick. Doon niya itinuon ang atensyon kaya bihira na rin silang magkita ni Veronica.

"I'm doing great." Sagot nito sa kanya. "Ikaw? I heard your line's spreading across the globe."

Bumungisngis naman si Veronica. "OA mo naman B. Ine-expand ko lang naman ang linya ko 'no."

"Ganun na rin 'yon." Kumento naman ni Bianca at saka uminom muli sa kanyang champagne. Nang maubos niya iyon, inilagay niya ang baso sa tray ng dumaang waiter at naupo silang dalawa ni Veronica sa kalapit na upuan.

"Che! Anyway, I'm designing a new line this June. I want you to be one of my models." Masayang sabi naman ni Veronica sa kanya.

"H-huh? Ano ba V! Why me?!" takhang tanong niya sa kaibigan. She must be kidding. She thought.

V smiled sweetly. "Well, for starters, I've been offered to cover one of my designs in a magazine. And gusto ko ikaw ang model." Sabi nito sa kanya. "Please B? I mean, ngayon CEO ka na and everyone's talking about you. It'll sell me and the magazine. Please?" nagpapacute na wika ni Veronica sa kanya.

"Alright, fine." Pagpayag naman ni Bianca. Natawa siya sa pagpapacute ng kaibigan and it's the least she can do after giving her a hard time when Kendrick left. Veronica never left her side. Sa kanya niya inilabas lahat ng sama ng loob niya noon. And she helped her rise up again.

"Yey!" V squealed again. "I'll call you kung na-schedule na ang shoot okay?"

"Sige." Tugon naman ni Bianca.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon