♔ MD 27 - The Return ♔

193 20 9
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

[Third Person's POV]

PHILIPPINES

7:30 na ng gabi at kasalukuyang kasama ni Veronica si Ollie sa penthouse ni Ken.

"Hoy Ollie, dalian mo magse-set up pa tayo sa place ni B!" sigaw ni Veronica habang nakaupo sa sofa. Nagplano kasi si Veronica ng isang surprise para kay Bianca sa pagdating nito. Kasama nila ang mga minions ni Bianca.

Nagulat naman si Veronica sa biglang pagdating ni Kendrick doon. Tumayo siya at humalukipkip. Napansin niya naman na may isang bouquet ng peonies at roses na hawak ito.

"Oh, Ken. Saan ka galing?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"I just bought these." Tugon ng binata at mahinang inalog ang bouquet.

"Para kanino naman yan? At bakit naka-suit and tie ka pa?!" puna pa ni Veronica kay Kendrick.

"I just have to go to this meeting." Matipid niyang sagot.

"Sus, meeting? With a bouquet? Let me guess, pupunta ka ng airport para salubungin si Bianca no?" lumapit naman si Veronica kay Kendrick. Huminga naman ng malalim si Ken at iniwas ang tingin kay Veronica.

"Nope. I didn't know that she's coming home tonight." Pagdedeny nito. Veronica scoffed and went closer to Kendrick.

"Di ako naniniwala. Kanina pa ako nandito and I'm sure you heard my conversation with Ollie about B's flight. And I only know one person who loves peonies." Saad nito kay Kendrick. Umiling lang naman ang binata at kinuha ang susi ng sasakyan niya.

"I'll be going," paalam ni Kendrick. Tinalikuran niya naman si Veronica at nagsimula nang lumakad.

"You listen to me Kendrick," seryosong wika ni Veronica. Tumigil naman sa paglalakad si Kendrick.

"Hindi ka mapapatawad ni Bianca sa ginawa mo sa kanya."

Napaisip naman si Kendrick pero hindi na siya nagsalita muli at lumakad na palabas ng kanyang penthouse. Napabuntong hininga na lamang si Veronica.

"Tara na Veronica! Tapos na ako." Sigaw ni Ollie sa likuran niya. Tinignan niya ito at saglit siyang natulala. Isang pulang polo shirt at maong pants ang suot. Ang hot ni Ollie, gosh. Bulong ng kanyang isipan. Nagulat naman si Ollie nang nakitang nakatitig lang sa kanya si Veronica.

"Gwapo ko 'no?" kinindatan niya ito at medyo namula ang pisngi nito. Mabilis siyang tinalikuran ni Veronica.

"Tssk, wag kang feeling. Tara na!" iritang wika nito. Humagalpak naman ng tawa si Ollie.

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

[Bianca's POV]

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

The moment I stepped out of the airplane, isa lang ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. I'm back to reality. Makikita ko na naman ang taong dahilan kung bakit parang weak ako. Ang dahilan kung bakit may kumukurot sa puso ko.

Tumingin ako sa aking relo at 8:30 na pala. Gusto ko na mauwi agad at jetlagged talaga ako. I'm sure nandyan naman na rin ang driver na susundo sa akin dito. Kinuha ko na ang luggage ko at tumuloy ng lumakad palabas. Sana hindi ko makita si Kendrick. I don't know what I'd do. Ayokong ipakita sa kanya that he ruined my New York trip kahit na nakasama ko pa yung si Steven.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon