Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
[Bianca's POV]
Umaga na ng last day namin dito sa Baguio. After last night's crazy events, mas gumaan na ang loob ko. I realized a lot of things and I could say that it's a good thing.
Right now, kakatapos lang namin magbihis ni V dahil naisip namin na mamasyal. Buti na lang maganda ang weather ngayon. May kumatok naman sa kwarto. "Girls tara na!" it was Ollie's voice. Kinuha ko na ang purse ko at sabay na kami lumabas ni V.
Paglabas namin nakaupo si Steven at nakatayo naman si Ollie sa living room.
"Wala na kayo naiwan?" tanong pa ni Ollie.
"Wala naman na." sagot ni V, ako naman umiling lang.
"Well, then let's go." Aya niya at lumakad na patungo sa pinto. Sumunod na rin si Steven pero natigilan ako. Nasaan si Ken?
Nauna na silang lumabas pero lumingon ako sa kwarto na tinutulugan ni Ken. Hindi siya sasama? Akmang lalakad sana ako papunta dun pero tinawag ako bigla ni Oliver.
"Huy Bianca, tara na!"
"H-huh? Ah oo sige." Kumaripas na ako ng lakad palabas ng hut. Nilock naman ni Ollie ang pinto. Hinintay ko muna siyang matapos maglock bago ako nagtanong. Wala ba si Kendrick? Tumingin naman siya sa akin na parang nagtatanong.
"Oh, ba't di ka pa sumabay kila Steven?" tanong niya. Nagsimula naman na kami lumakad. He's looking at me while we're walking.
"Uhm nasaan si Ken?"
He smiled playfully and looked at me meaningfully. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nagets ko na ang ibig niyang sabihin. "I'm just looking for him kasi nilock mo na yung hut." Saad ko bago pa siya makasalita at iniwasan siya ng tingin.
Mahina siyang tumawa. "Why are you defensive? He left this morning. May emergency yata sa business niya or something."
Emergency daw? Tsk, as if. I know him, nagamit niya na rin yang palusot na yan with me before. I know it's just an excuse to avoid me and Steven.
"Oh, di ka na nakasalita dyan?" tutya ni Ollie. Siniko ko naman siya. He just laughed teasingly kaya binilisan ko ang lakad. Bwisit na Ollie 'to. A few minutes after walking nakarating na kami sa parking lot. Naabutan lang namin na nag-uusap lang si Steven at Veronica.
Binuksan na ni Oliver ang sasakyan niya at naupo si V sa harap. Kami naman ni Steven magkatabi sa likod ulit. Pakiramdam ko kulang kami, bakit kasi umalis si Ken?
Gahd, why am I even thinking about him!? I shook my head and sighed. Erase Ken.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
We decided to have brunch at this place called Sage. Nagkekwentuhan lang din kami at the same time habang kumakain. Pero hindi ako masyadong nagsasalita at itinuon ko lang ang atensyon ko sa pagkain. Pakiramdam ko kasi parang wala ako sa mood. Napabuntong hininga naman ako.
Kinalabit naman ako bigla ni Veronica dahil katabi ko siya. Tinaas ko ang dalawang kilay ko at nilingon siya.
"Okay ka lang?" bulong niya. Bakas sa tono niya ang pag-alala. Nahalata niya siguro na parang wala ako sa mood pero pilit lang akong ngumiti at tumango.
Bigla naman nagring ang phone ko.
Dad is calling.
Bigla naman akong kinabahan. Sigurado about sa R&R lang 'to. Inexcuse ko naman ang sarili ko sa table at tumayo sa part ng restaurant na tahimik.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...