♔ MD 48 - Anyare? ♔

156 12 2
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Pagkatapos namin magdinner nila V, nagbukas sila ng isang bote ng champagne. Nandito kami sa living room ko.

"Naiingit ako sa'yo B. Your mall is a success." Sabi ni V. I took a small sip from my glass.

"Ano ka ba. You'll do well soon." I said. Sumandal naman ako kay Ken dahil katabi ko siya. Napansin ko na medyo malayo si V kay Ollie. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa naubos na namin ang champagne bottle.

Tahimik naman si V buong gabi kaya naman may naisip ako.

"V, how about a sleepover?" sabi ko naman sa kanya. Her eyes lit up, tama nga she needs it.

"Ano kayo, high school?" kumento naman ni Ollie. Inirapan ko naman siya. "Shut up Ollie. I just miss her."

"Fine." Sabi naman ni Ollie. Hinarap ko naman si Ken.

"Girls' night huh?" nakangiting saad niya. Tumango ako. "Alright, I'll see you tomorrow then."

"Yes, I'm excited Ken. I love you." Sabi ko naman sa kanya.

"I love you more. Maybe we'll have a boys' night too." He said.

"Sige, behave ka Ken ha." Paalala ko sa kanya. He smirked and leaned closer.

"Yes, I will." Tapos binigyan niya lang ako ng mabilis na halik sa pisngi at saka tumayo. Nang makaalis sila, agad tumabi sakin si V.

"Talagang alam mong may problema ako ah." Sabi niya habang nakayuko. Nag-indian sit naman ako at sumandal sa headrest.

"Ang tahimik mo kasi. So spill it V, anong meron?" tanong ko agad. Bumuntong hininga naman siya.

"Si Ollie kasi. He's at it again." Malungkot niyang saad. Napatingin naman ako agad sa kanya. Nakasandal din siya sa headrest pero nakapikit. "Hindi ko alam kung ano bang trip niya sa buhay. Kasi kung ako ang trip niya, 'wag naman ganun. Nahihirapan ako."

"Bakit ano na namang ginawa niya?" tanong ko naman.

"He asked me for a date. He said he lied about what he felt for me. Gusto kong maniwala pero natatakot ako." Sagot niya. Nilingon niya naman ako. "B, anong gagawin ko?"

"Well, magkaibigan talaga sila ni Ken." Kumento ko. "Ganyan naman din si Ken noon, alam mo naman yun diba?"

Tumango naman siya. "But you two still end up together, bakit mukhang madali lang sa inyong dalawa?"

Bumuntong hininga siya at saka humiga. Nakapatong ang ulo niya sa lap ko.

"B, how do you do it?" mahinang tanong niya. Kita ko sa itsura niya na nahihirapan nga siya.

Napaisip naman ako. Halos pareho naman talaga kasi ang nangyari samin ni Ken. Ganyan din, umamin siya sa huli and of course, I gave him a chance.

"V, if it were me I would say take the chance. Pero nasa sa'yo yun, kung gusto mong subukan." I told her. She pressed her lips and sighed again.

"Nahihirapan kasi ako magdesisyon eh." Sabi niya naman. "Simula nung nangyari sa'min ni Dean, lagi na akong natatakot. Natatakot ako masaktan."

"But V, it isn't love if you don't feel hurt sometimes... Kasama naman talaga ang sakit sa package ng love, swerte ka na lang siguro kung hindi ka makakaranas nun." Sabi ko naman.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon