♔ MD 49 - Paano Na Kami? ♔

134 11 2
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

[Third Person's POV]

Pagkarating ni Kendrick sa Ravenhurst Hospital, nagmadali siyang pumasok doon at hinanap si Bianca. Inikot niya agad ang tingin sa buong lobby. Hindi na siya nahirapan maghanap dahil nakita niya ito agad sa lobby ng hospital. Pero napako lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang lumapit pero ayaw gumalaw ng mga paa niya.

Nawala lahat ng pag-aalalang nararamdaman niya when he saw her. Napalitan ng inis ang pakiramdam ni Ken. Okay na okay ang itsura ni Bianca pero...

She's hugging a guy.

Naikuyom niya naman ang kanyang mga palad. Aksidente pala. Saad ng isipan niya. Mataman lang siyang nakatitig kay Bianca. The sight of her is giving him the pain and anger.

Kumawala naman si Bianca sa kayakap at napatingin sa gawi ni Ken.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at napakunot ang noo. She totally forgot about Ken, kaya naman nagulat din siya na nandito ito. Kaya naman nagmadali siyang lumapit kay Kendrick pero tumalikod ang binata at lumakad palabas ng hospital. Bianca ran to him and held his wrist.

This is not good. Bianca thought.

"Ken, wait!" tawag niya rito.

Lumingon agad si Kendrick sa kanya. Nagulat siya sa expression ng mukha ni Ken. He looks furious, 'yun bang mamamatay ka sa titig niya. Biglang nakaramdam ng matinding kaba si Bianca.

"S-sorry Ken kung—" simula niya ngunit hindi niya na ito nagawang ituloy nang magsalita si Ken.

"So much for an accident huh?" sarcastic na kumento ni Kendrick. Kumunot muli ang noo ni Bianca. Alam niya ang nangyayari? Eh bakit siya nagagalit? Takhang tanong ni Bianca sa sarili kaya tinignan niya lang si Ken. "So this is your plan? Ang gantihan ako sa ginawa ko?!" pagalit niyang saad.

"Ken, please just let me explain." Pakiusap ni Bianca. Pero pumiglas naman si Ken sa kanya.

"Explain what? That you decided to do what I did to you? Bianca naman! Sabi ko nga nagbago na ako di ba? Why do you have to do this?! I rushed here kasi akala ko naaksidente ka! Pero may kayakap ka palang iba!" singhal pa nito sa kanya. Napalakas ang boses ni Kendrick kaya naman nagtinginan ang mga tao sa kanila. Bianca sighed and held both of Ken's hands. Mas lalong nagtaka si Bianca, Ken clearly misunderstood the situation.

"Ken, please. Just listen to me." Pakiusap niya. Gusto nang umalis ni Kendrick pero naramdaman niya ang pag-squeeze ni Bianca sa kamay niya. Nakikiusap din ang mga nagmumugtong mga mata nito. Bumuntong-hininga lang siya at tinitigan lang si Bianca.

"Hindi ako naaksidente, Ken." Simula ni Bianca. Kumunot naman ang noo ni Ken.

"I guess that's obvious." Sarcastic naman na tugon ni Ken. Bianca sighed and stepped closer to him.

Kendrick's forehead creased. Napansin niya namang naluluha si Bianca. Bumitaw siya sa hawak ni Bianca at saka hinawakan ito sa magkabilang pisngi. His furious face softened, mas nag-alala naman siya ngayon.

"I'm so sorry Skye. I'm an idiot." Mahinang saad niya. Bianca sniffled and her tears fell. "Ssshhh, Skye. Sorry, please. Wag kang umiyak. Tell me what happened." He said to her. Pinunasan niya naman ang luha ni Bianca. Matagal bago sumagot si Bianca dahil patuloy ang pag-agos ng kanyang luha.

"Mama and Papa got into a car crash." She said. Tapos tuloy-tuloy na itong umiyak. "Papa is in the ICU and... and.. Mama didn't make it." She said in between her sobs. Inakap naman siya agad ni Kendrick. Humahagulgol naman si Bianca.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon