Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚"Skye, we're here."
I woke up hearing his voice. I know it is him, may iba pa bang tumatawag sa akin non? Bakit siya ang gumising sa akin? Unti-unti kong iminulat ang aking mata at inikot ito sa paligid. Nakatigil na pala ang sasakyan, wala na si V at Ollie sa harap. I realized that I was leaning on Ken's shoulder so I immediately sat up. Napatingin naman ako sa kaliwa ko at wala na rin si Steven.
"If you are looking for Steven, nasa labas siya." Napatingin ako kay Ken sa sinabi niya at nakasandal pa rin ang ulo niya sa headrest niya. Napalunok naman ako at tumingin naman sa labas ng bintana. We're at a parking lot.
"Kanina pa ba tayo andito?" tanong ko. Tumingin ako ulit kay Ken at nakasandal pa rin ang ulo niya.
"Yes, about 30 minutes na siguro." He casually answered. My eyes widened. 30 minutes?!
"WHAT?!" halos pasigaw na saad ko. "Bakit hindi mo ako ginising?!"
He snorted. "You were sleeping so soundly, Steven told me to just let you sleep. Kaso tumutulo laway mo kaya ginising na kita."
Napakunot ang noo ko at napahawak sa gilid ng labi ko.
"Hoy, excuse me I don't drool while sleeping." Mataray kong saad rito. Itinaas niya naman ang shades niya at tumingin sa akin. He smirked and went closer to my face. Agad naman akong lumayo.
"Yes you are."
"No I don't!" iritang saad ko. He chuckled and pinched my nose.
"Alam mo ang cute mo pag napipikon ka." Wika niya, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Shut up Kendrick. Alam ko kung ano ginagawa mo." I said in gritted teeth. He smirked and shook his head in disbelief.
"Wala naman ako ginagawa ah." Depensa niya.
"Tsk, bahala ka nga dyan, I'll be going out." I was about to open the car door pero bigla niya akong hinawakan sa kanang kamay ko. Mabilis kong tinabig ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay.
"What the hell?! I'm with Steven now Ken!" singhal ko sa kanya. Ngumisi na naman siya at tinitigan ako pero iniwasan ko ang titig niya at yumuko.
"Fool, tatanungin lang sana kita kung alam mo ba kung saan ka pupunta." Walang emosyong wika niya. Napakagat ako sa labi ko, he's got a point. Hindi ko rin naman alam kung nasaan sila. Nakapark lang kami dito sa tapat ng isang simbahan.
Tumingin ako ulit sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa labi ko. Then I realized I was biting my lower lip!
"Perv!" sigaw ko sa kanya. He snorted and moved a little bit closer to my face, almost fanning my face with his breath. Bumibilis ang tibok ng puso ko, bakit hindi ko siya maitulak? Alam ko kung ano ang ginagawa niya talaga, and he is enjoying it.
"Perv agad Bianca? I just looked at your li—" hindi niya na natuloy ang kanyang sinasabi dahil itinutop ko ang kamay ko sa bibig niya.
"Shut up. Alam mo ba kung nasaan sila?" tanong ko at tinanggal na ang kamay ko sa bibig niya kasabay ang pagtulak ko sa kanya palayo sa akin.
"Yes, I know. So be nice to me." Saad niya tapos ngumiti ng nakakaloko! Damn it, he's getting on my nerves. Kumindat pa siya at bumaba na ng sasakyan. Naiwan naman ako sa loob na asar na asar.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
"Gahd Ken! Malayo pa ba?" hinihingal na tanong ko sa kanya. We've been walking for like twenty minutes and it's torture. Tirik kasi ang araw at wala kaming payong dahil dinala na pala nila V yung gamit namin doon. I can't believe mainit sa Baguio ngayong araw na to! Gahd. Nakakapagod kasi may inakyat kaming hagdan at ang layo na ng nalakad namin.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...