♔ MD 57 - V's Birthday ♔

115 8 0
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧✦✧✦✧♚

Sa High Oak bar ginanap ang birthday ni V. Nagsuot lang ako ng white na fitted long sleeves dress. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok. Halos paumpisa na ang party ni V. Kumuha naman ako ng champagne sa naglalakad na waiter. I took a small sip and walked around the party.

Hinahanap ng mata ko si V. Medyo marami kasing bisita at dahil nasa bar, the lights are flickering so it's really hard to see well. Habang naglalakad ako, napatigil ako nang mabunggo ako sa isang nakatalikod na lalaki. Mabuti na lang hindi natapon ang champagne na hawak ko.

"Oh my gosh, I'm so sorry." Wika ko sa kanya nang lingunin niya ako. Then I recognized him, it's Steven. Nakaramdam ako bigla ng awkwardness sa kanya. Humarap na siya ng tuluyan at ngumiti.

"Ayos lang, hindi naman ako nasaktan." He said. Natigilan naman ako, parang biglang naging double meaning ang sinabi niya. Hindi na ako nakaimik at nagkatitigan lang kaming dalawa. How I wish na makaalis ako sa ganitong sitwasyon. Please, anything.

He cleared his throat, napansin niya siguro na tumahimik ako. "K-kamusta ka? I heard what's going on with R&R." sabi niya naman.

"I'm fine. And R&R will be too." Sagot ko naman at saka pilit na ngumiti.

"Hey guys!!" narinig kong bati ni V sa likuran ko. Mabilis akong lumingon doon.

"V!!" I squealed and hugged her. "Happy birthday!" tapos nagbeso kaming dalawa.

"Thank you, B. Hey Louie." Nakangiting tawag niya kay Steven. Nakipagbeso naman siya kay V.

"Happy birthday, gorgeous. Thanks for inviting me." He said. Hindi ko na siya ulit tinignan at saka nilibot na lang ang tingin sa kabuuan ng party. My eyes are searching for someone.

"Of course. Anyway, pahiram muna kay B ha?" she said sweetly. Thank you V! Buti naman talaga. Tumango naman si Steven. V held me by the wrist. Pumunta kami sa medyo hindi mataong lugar sa bar.

"B. I heard what happened." Seryosong saad niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Pati si Ken, wala na pala kayo?" she added.

"Nag-deal lang naman kami V."

"Nakwento niya nga sa akin kahapon, I bumped into him at the coffee shop. B, bakit naman ganun naisip mo? Bakit hindi ka nagsabi sa akin, I might've helped you. Instead na gumawa ka ng ganung deal." Sabi niya naman. Matamlay akong ngumiti at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"V, I know busy ka rin naman lately. Lalo na birthday week mo 'di ba." Saad ko sa mahinang boses. Tumaas naman ang dalawang kilay niya.

"But you sort of forgot about it." She interrupted then smiled playfully.

Nagpout naman ako sa kanya. "Sorry talaga about doon. Masyado lang akong nakafocus sa R&R."

"Mukha nga. Pero paano yan, nag-walk out daw ang investors sa'yo? Ano ba kasi ginawa mo? Nagpaka-queen bee ka ba?" pabirong tanong niya na ikinatawa naming dalawa. Umiling naman ako.

"Someone sabotaged me V. Alam mo ba yung video namin ni Ken na nagki-kiss? It was in the last slide of my presentation." Kwento ko sa kanya. Kumunot naman ang noo ni V, nag-iisip siya.

"Sino naman? May nakaaway ka ba lately?" she asked.

"Wala and you know it V. Alam mong matagal akong naging tahimik at dahil kay Ken 'yun." Sabi ko naman.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon