♔ MD 45 - Two D's: Dinner and Dad ♔

160 13 3
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

"So, anong sinabi ni Steven sa'yo?" simula ni Veronica. Dumating naman ang waiter dala ang order namin. V smiled kasi nakita niya na na-order ko ang favorite niya.

"Nangamusta lang. Ang awkward nga eh. Akala niya si Ken hinihintay ko."

"Oh. It is awkward, indeed. Sorry talaga B." she said apologetically. Ngumiti lang ako.

"Anyway, na-miss kita B." malambing na saad niya. "Kamusta na kayo ni Ken? Mukhang okay na okay kayo ah."

"You could say that." Sagot ko naman. "He's changed a lot, alam mo yun. Sweeter than before."

"Awww. Inggit ako. I'm still single, at nakakainip. I miss that." Sabi niya naman. I chuckled.

"Si Ollie?"

"What about him?" mapait niyang saad. Tumaas ang dalawang kilay ko at tinignan niya ng makahulugan. "What!?" she snapped.

"Anong meron kay Ollie at bakit ganyan ang reaksyon mo?" curious kong tanong. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa gawing kanan niya.

"It is clear na magkaibigan lang kami." I can hear the sadness in her voice. "You know, last night, magkasama kami. We we're at the bar, sharing drinks and everything. Tapos alam mo, yung bibig ko. Hindi nakicooperate. I blurted out my feelings for him." Kwento niya. Humarap siya sa akin, her face softened and I can see that she's about to cry.

"I told him na nafo-fall na ako sa kanya, pero sabi niya dapat itigil ko na yun. He doesn't feel anything for me." Her voice broke. Tumingin siya akin at umiling. "B, ang sakit."

"Ssshhh, V. Ollie's a jerk for not feeling anything." I said to calm her down. Bwisit na Ollie 'yun. Pinapahirapan ang kaibigan ko.

"Bakit siya ganun 'di ba? Why would he do things that would make me fall for him? Hindi naman pala niya ako sasaluhin." Tapos mapait siyang ngumiti. "I think I should quit on love. Cupid doesn't want me playing it anymore, masyado na akong maraming napaglaruan."

"Gahd, V. Don't say that. Siguro, hindi lang talaga kayo para sa isa't isa. Kung kayo talaga, baka hindi lang ito ang tamang time para sa inyong dalawa. Anyway, I'm still here V. You know I love you right? So don't quit on love." Wika ko sa kanya. She sniffled and wiped her tears.

"Thank you B. You're the best."

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

After naming maglunch ni V, nagpaalam kami sa isa't isa dahil pareho kaming pupunta sa mall na iha-handle namin.

Pagkadating ko rito, sumalubong na agad sa akin si Rina.

"Good afternoon po, Miss B." she greeted. Nginitian ko lang siya at sinimulan ko na maglakad. While observing, I noticed the changes I wanted. Nagagawa na nila ito ng tama. Mukha namang okay ang lahat kaya tumungo na ako sa office ko dito.

"Everything is flowing smoothly Miss B. Pero may mga kailangan po kayong i-check sa second floor." Sabi niya naman. Kunot-noong napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Did something happen there?" I asked.

"Uhm.. Kayo na lang po mag-check Miss B." she replied. Agad naman akong tumayo at lumakad papunta sa second floor. Bigla naman akong kinabahan, ano kaya meron? Nagkamali na naman kaya sila? Sana naman hindi. Ilang araw na lang eh. We can't afford to make any mistakes. I don't want to fail this.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon