♔ MD 53 - 'Close Friends' ♔

128 10 1
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Kasusundo lang sa akin ni Ken from the office. Right now nandito lang kami sa gazebo sa garden ng bahay namin. Nakaupo lang kaming dalawa sa loveseat dito. Nakaakbay siya sa akin at ako naman nakapilig ang ulo ko sa balikat niya.

"How was your day?" tanong niya.

"Hmmmmm, it's on the verge of being bad but it turned out good." Sagot ko sakanya. "You?"

"Same." He replied in a low tone. Umangat naman ang ulo ko at tinignan siya. His tone is making me curious.

"Did something happen?" tanong ko naman sa kanya. Bumuntong hininga siya at saka iniwas ang tingin sa akin.

"Like what's happening to you, bumaba din ang income ng Frost Hotel. Wala masyadong nag-checheck-in. Last year, every December--fully booked ang hotel parati. Some of the employees there are blaming me. Wala daw kasing tiwala ang mga tao sa siyudad sa akin." Malungkot niyang wika.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at mahinang pinisil 'yun.

"Hey, Ken. Don't listen to them. You're better than that. 'Wag ka magpaapekto." I said softly. Tumingin siya sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya.

"I know... which is why I decided to have a party at the hotel on Sunday to attract more customers. Kaya naman magtatanong ako sa'yo kung anong magandang theme para sa party." Seryosong saad niya. Napaisip naman ako.

"How about a masquerade party?" suhestiyon ko. Inilapit niya naman ang kanyang mukha sa akin.

"Hmmm, sounds fun. I'll tell my publicist about that." Nakangiting wika niya at saka mabilis na humalik sa pisngi ko. I just grinned and looked at him.

"So now, may publicist ka na?" nanunutyang tanong ko. Tumango naman siya.

"Yes. Sabi nila I had to get one because being in the business world is like showbiz. Kailangan daw maging maingat ako sa mga actions and words na sasabihin ko." Tugon niya.

"Hmmm, maybe I should get one as well." Sabi ko naman.

"Ask your father about that. Especially now, you are an acting CEO." Sabi niya naman. "Anyway, dapat nandoon ka ha."

"I have the Remmingway launch on Sunday... Habol na lang ako. How's that?"

Ngumiti naman siya. "Of course. I understand. I love you Skye. How am I to live without your support and love?" malambing niyang tanong. Ngumiti lang ako at inakap siya. He hugged me back.

"I love you more Kendrick, lagi lang ako nandito para sa'yo."

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

SUNDAY EVENING

[Third Person's POV]

Hindi mapakali si Bianca dahil nagmukhang minadali ang set-up sa Remmingway Launch na ginaganap sa isang function room sa R&R building. May mini model ng Remmingway convenience stores na nakadisplay sa gitna at isang malaking projector ang nasa tabi nito. Then there's food concessions spreadout through the place where the guests will just get their food.

Despite that it looks so rushed, mukha naman itong successful dahil mayroong dumalo na galing pa sa ibang kumpanya na pwede nilang maging ka-partner, kung seswertehin pa siya, maaaring maraming mag-invest sa kanyang proyekto kaya naeexcite at kinakabahan siya. Pero mas lalo siyang kinabahan dahil dumalo ang kanyang Papa at nagkaroon sila ng argumento bago ito nag-umpisa. He's not impressed with her doing the Remmingway project.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon