♔ MD 61 - Unforgettable Christmas ♔

100 7 0
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧✦✧✦✧♚

[Third Person's POV]

Halos lahat ay nagkakatuwaan sa Christmas Party ng R&R. Simple lamang ang party na ginanap sa bahay ng mga Razon. Imbitado ang lahat ng board members sa R&R. Everyone seems to be enjoying the party except for one person, Bianca Skye Razon.

Tahimik lamang ito buong gabi. It's already eight o'clock in the evening and she wants to end the night early kung pwede lamang. Magdamag kasi siyang hindi nakatulog sa kakaisip. She's torn between two decisions. Kailangan niyang mag-decide ngayon kung R&R ba o si Kendrick ang kanyang pipiliin.

"B!!" tawag ng kanyang kaibigan. Humahangos ng takbo si Veronica papunta kay Bianca na nakaupo lamang sa tabi.

Nag-angat naman ng tingin si Bianca at nginitian ang kaibigan. "Hey, V" matamlay nitong bati sa kaibigan.

V's forehead creased. Nag-aalala siya para sa kaibigan. Naikwento nito kahapon ang sitwasyon niya.

"Still undecided, huh." She commented. Tumango naman si Bianca at bumuntong-hininga. Nakayuko lang ito at pinaglalaruan ang kanyang kamay. Hinawakan naman ni Veronica ang kanyang kamay at pinisil iyon.

"B, sundin mo kung ano talaga ang itinitibok ng puso mo." Saad niya sa kaibigan. Tinignan ni Bianca si Veronica at binigyan ito ng matipid na ngiti.

"Thank you, V." mahinang wika nito. Tumayo naman si Veronica.

"Maiwan muna kita B ha, I'll just go and talk to my parents." Paalam nito at saka iniwan na si Bianca.

Bianca sighed. Paulit-ulit na nag-rereplay sa kanya ang ibinilin ng kaibigan.

Sundin mo kung ano talaga ang itinitibok ng puso mo.

That was easy, her mind thought. Si Kendrick lang naman talaga ang gusto niya. Kahit bali-baliktarin ang mundo, sa kanya lang tumitibok ang puso niya. Pero nalilito siya, ayaw niya maging selfish. Iniisip niya pa rin ang kapakanan ng kumpanya maging ang Papa niya.

"A penny for your thoughts?" inangat ni Bianca ang kanyang ulo at nakita ang kanyang papa na nakapamulsa sa harapan niya. Naupo naman ito sa tabi niya.

"Anak, lahat nag-eenjoy sa party and you don't seem to be enjoying. Is it because of the offer of the Lopez'?" deretsong tanong niya sa anak. Bianca bit her lower lip and nodded.

Billie Razon sighed. Nakikita niya na nahihirapan ang anak. Gusto niya talagang tanggapin iyon ni Bianca ngunit ayaw niya namang saktan ang anak. Ayaw niya itong pilitin sa hindi nito gusto. He also heard that Kendrick proposed to her daughter but Bianca never mentioned it to her.

Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Sa isip ni Billie Razon, kulang pa rin kasi ang investment na ginawa ni Kendrick para sa kumpanya kaya naman malaking bagay talaga ang offer ng mga Lopez. Ngunit gusto niya rin maging masaya ang anak, minsan na siyang naging selfish dito. Alam niya rin na hirap ito lalo na pumalpak pa ito sa kanyang kumpanya.

"Bianca anak, I know that Kendrick proposed to you." Simula ng kanyang Papa. Tinitigan niya lamang ito, waiting for what he'll say. "Follow your heart anak, whatever you decide, I'll support you. Tandaan mo 'yan. Mahal kita anak, and I want you to be happy."

Inakbayan naman siya ng kanyang Papa. She leaned on his father's chest. Ngayon niya mas naramdaman ang pagmamahal ng kanyang Papa. She finally decided.

She will chase her happiness, who is Kendrick.

Kumawala siya sa kanyang Papa. "Papa, I have to go." Paalam niya. Tumango naman ito at ngumiti ng malapad.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon