Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚I can see something going on with Steven and Ken. Nagtititigan sila pero ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Wala nang nagsasalita sa kanilang dalawa. I eyed Veronica to say or do something.
"Ahh—kami na lang pala ni B ang magluluto." Bigla niyang suhestyon. Tinaasan ko siya ng kilay, as if naman nagluluto tong babaeng to. Tinitigan ko lang siya at binibigyan niya ako ng makisama-ka-nalang-look. I faked a smile and stood up.
"Oo—ouch!" saka ko lang naalala na masakit pa pala ang ankle ko. Shizz, inalalayan naman ako agad ni Steven.
"I don't think Bianca can cook with that, Veronica ikaw na lang. Sasamahan ko na lang siya dito." Saad ni Steven. Bigla naman nagbago ang expression ni V, para siyang kinabahan. Pinipigilan ko naman matawa dahil hindi naman talaga siya marunong magluto.
"H-huh? A-ah si-sige." Tumayo naman siya at tumingin muli sa akin. She's like begging with her eyes. I just nodded my head na go lang siya. "Uhm, Ollie help me?" she turned her attention to Ollie. Nagulat naman si Ollie pero sumunod naman siya.
Naiwan naman kaming tatlo nila Kendrick dito sa living room. Inalalayan naman ako ni Steven na maupo. Bigla naman tumayo si Kendrick, sinundan ko naman siya ng tingin at lumabas siya ng hut.
"Are you okay?" Steven asked. Napatingin naman ako agad sa kanya.
"Y-yeah. Uhm Steven can you get my iPad? Nandun sa bag ko."
"Sige." Tumayo naman siya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kitchen kung saang nagpapanic ang parehong mukha ni Ollie at V. V doesn't really cook, kahit nga hotdog di niya kayang i-prito and Ollie's in the same boat. Akala ko pa naman tutulungan sila ni Ken pero lumabas lang siya.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
"Oh my god." Sambit ko nang maupo kami sa dining table. Almost isang oras nagluto sila Ollie and this is what we get? Hindi ko alam kung ano ang niluto nila pero I'm sure yung isa ay mixed vegetables.
"Ano yan?" tinuro ko yung isang bowl na mayroong pulang sauce na may itim-itim din.
"Uhm, it was a failed attempt of menudo." Mahinang saad ni V. Pinipigilan ko matawa dahil bakas sa mukha niya ang pagkahiya. I bit my lower lip and got myself a little scoop of the red sauce. Medyo maalat siya at may lasang sunog. Nakatingin lang siyang sa reaction ko. Magsasalita sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng front door ng hut.
Si Kendrick ang pumasok at may bitbit siyang itim na paper bag. Nakatingin lang kaming apat sa kanya habang papalapit siya dito. Nang makalapit siya, inilapag niya ang paper bag sa lamesa.
"I bought some take-out food." Walang emosyong saad nito. Inilabas niya naman ang limang Styrofoam na lalagyan. "I knew that Ollie and V's food won't be... edible."
"Ang yabang mo ah!" sabi naman ni V. Inilapag naman ni Kendrick ang mga styro isa-isa sa harap namin.
"Akala ko marunong ka magluto Veronica." Steven said to V. V chuckled nervously and shook her head. Sinimulan na rin namin ang pagkain. Napapansin ko naman ang madalas na pagtingin ni Kendrick sa akin dahil katapat ko siya sa upuan. Talk about another awkward lunch.
Nang matapos kaming kumain, nagstay na lang kami sa hut dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Weird ng weather dito ha, kanina mainit tapos ngayon uulan. Tsk, parang ang atmosphere ngayon. Weird talaga. Siguro bad idea na sinama ko si Steven. How could I be stupid?
![](https://img.wattpad.com/cover/34764632-288-k840465.jpg)
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...