Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚Isang linggo na ang nakalipas simula nung nakasama ko si Kendrick sa lunch out namin ni Steven. And in that amount of time, lagi ko na rin kasama si Steven. Panay ang hatid at sundo niya sa akin sa office. Veronica hated the idea of me using Steven just to make Ken jealous. But it's not like that, being with Steven makes me forget Ken for a while.
Hindi kami natuloy pumunta sa Tagaytay last week. There was a storm so we had no choice but to just stay in the city. Ngayon naman hindi ako pumunta sa R&R office dahil next week pa ang ibang meetings ko para sa R&R Fleetwood Branch na hahawakan ko.
Veronica and I haven't spent time lately, busy rin kasi siya sa mall na iha-handle niya kaya madalas ko talagang kasama si Steven. Okay namang lalaki si Steven pero hindi ko siya talaga magustuhan. I just like him because of his attitude. He's nice and fun to be with.
Naputol naman ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Bukas yan, Darcy!" sigaw ko. I'm too lazy to get up from my bed at saka kami lang naman dalawa ang nandito kaya siguradong siya yan.
"Eeengk! Wrong person!" sabi ng isang pamilyar na boses. Napaupo naman ako nang makita ko si Mama na nakangiti sa may doorway.
"Omg! Mama!" tumayo na ako at tumakbo patungo sa kanya. I hugged her tightly. Dalawang linggo na rin kaming hindi nagkita dahil nagpunta siya ng Milan, for MFW [Milan Fashion Week] at inasikaso niya rin ang bago niyang boutique doon.
"How was Milan?" tanong ko dito. Naupo naman kami sa edge ng kama ko.
"It was great, I met a lot of new designers." Nakangiting sagot niya. Inakap ko siya ulit.
"Namiss kita Mama." Saad ko dito.
"Aww, honey I've missed you too." Hinalikan niya naman ang tuktok ng ulo ko. "Anyway, I've bought you a lot of great stuff. Nandun sa sala."
"Thank you Mama." Kumawala naman na ako sa yakap. "Have you eaten, Mama?"
"Not yet, gusto kasi kitang i-surprise kaya dumiretso ako dito. I bought us some lunch." She said sweetly.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
"So how is R&R for you so far?" tanong ni Mama habang kumakain kami.
"Okay naman, Papa hired an advisor to guide me."
"That's good to hear. Pero anak, how are you?" tanong niya. Mataman lang siyang nakatitig sa akin pero mabilis kong iniwas ang tingin ko at ifinocus sa pagkain ko.
"I'm fine Mama." Tugon ko dito.
"Are you sure?" tanong niya muli at napatingin ako agad sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay niya akong sumagot. I sighed.
"Bianca, I know what happened between you and Kendrick." Seryosong wika niya. I bit my lower lip and sighed again. "Anak, alam mo naman pwede mong sabihin sa akin lahat."
"I still love him mama. Pero siya mukhang hindi." Malungkot kong sabi sa kanya. "I was convincing myself in New York that he would be there pero wala. Now I'm trying to move on but he's still there every time I want to move on."
"Anak, sometimes there are people who aren't meant to be. Napapabilang kayo doon." Saad niya. Agad naman nun kinurot ang puso ko. Tama siya, napapabilang kami doon.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...