Copyright © jeanariamontes, 2016
♚✧✦✧✦✧♚Thank you shengneon23 for supporting MD.. Madalas ko makita name mo sa notif ko. :)
♚✧✦✧✦✧♚
[Third Person's POV]
"Zip me up, will you?" utos ni Veronica kay Oliver. She's currently in his room dressing up for Bianca's wedding. She's wearing a gray silk tube a-line dress. Nakakulot naman ang kanyang buhok.
Lumapit si Oliver sa kanya at naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang dress. Naramdaman niya ang unti-unting paghigpit ng damit sa kanyang katawan nang itaas na ni Ollie ang zipper. Inilock naman din ni Ollie ang zipper at naramdaman niya pa ang mabilis na pagdampi ng labi nito sa kanyang likuran.
Her cheeks flushed. Humarap siya sa binata at inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat nito.
"You're such a sneaky guy, Oliver Gutierrez." She grinned. Hinapit naman ni Oliver si Veronica sa baywang.
"Only when I want to." He replied in a soft voice which made her chuckle and blush. Matagal sila sa ganong posisyon. V cleared her throat and released herself from Oliver.
"Tara na?" V asked. Tumango naman si Oliver at saka sila lumabas ng kanyang kwarto.
Pagkalabas nila ng kwarto, tumambad sa kanila si Kendrick na nakatayo sa harapan ng billiards table. Naka-suit and tie ito at nagkatinginan si Veronica at Oliver.
"Ken." Tawag ni Oliver. Humarap naman si Kendrick at matipid na ngumiti.
"Yo. Alis na kayo?" tanong nito agad. V just observed him, she feels weird with Ken. Pakiramdam niya ay may binabalak ito.
"Oo bro. Akala ko may meeting ka ngayon?" sagot ni Ollie. Tumango naman si Kendrick.
"Meron, pero na-move ang oras." He replied. Umakbay naman si Oliver kay Veronica. "Aalis na ba kayo? Go ahead, baka ma-late pa kayo."
Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Ollie sa kanya. Mukhang nagets naman ito ni Kendrick. He sighed.
"Whatever the two of you are thinking, I'm not crashing the wedding." Wika niya sa kanilang dalawa habang inaayos ang kanyang necktie. Nanatili lang naman nakatingin ang dalawa sa kanya. He felt the urge to explain because of how they look at him. He sighed again for the second time. "If this is what you want to hear, then I still love Bianca. That's why I'm doing this."
"We're really sorry, bro." ang tanging nasabi ni Oliver habang nakatingin sa kaibigan. Kita niya ang hinanakit sa mata ni Kendrick kahit pilit itong nakangiti. Matapos no'n ay umalis na sila Veronica at Oliver.
♚✧✦✧✦✧♚
"You look stunning, the dress is exquisite." Wika ng stylist ni Bianca nang matapos nitong ikabit ang puting veil sa kanyang buhok. Simple pero elegante ang dating ng kanyang mermaid style na wedding dress. Ang tube nito ay may burda na lace. Floor length ito at mayroon din lace sa edge ng damit.
Nakalugay din ang kanyang buhok, nakakulot ang mga dulo nito at mayroong maliliit na Swarovski gems na nakaipit dito.
Tipid lang ngumiti si Bianca habang tinitignan ang kanyang reflection sa salamin. Sa isip niya, hindi maikakaila na talagang maganda siya. Everything looks perfect. Everything is in place except her mind. Gulong-gulo ang kanyang isip. Hindi niya akalain na umabot na siya sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...