Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧✦✧✦✧♚THREE MONTHS LATER
Limang araw na lamang ang natitira bago ang engrandeng kasal ni Bianca at Steven. Sa ngayon ay kasalukuyang abala si Bianca sa pag-aasiksaso ng kanilang kasal. Sa sobrang abala niya nga ay madalas wala na siyang oras para sa mga kaibigan niya. She's been distracting herself with the preparations kahit pwede naman na hindi siya.
Steven hired a wedding planner but Bianca fired her. Gusto niya na siya ang gumawa ng lahat, katulong niya ang assistant niya na si Lennie. Dahil doon nagtatampo ang kanyang best friend na si Veronica because Bianca became very distant. Nagsimula ang lahat noong Pasko last year when she had decided to marry Steven.
Kakauwi niya lang sa bahay nila ngayon. Galing siya sa restaurant kung saan gaganapin ang reception ng kanilang kasal.
"Good evening Papa," bati ng niya sa kanyang Papa na kasalukuyang nakaupo sa salas at nanunuod ng TV. Nilingon siya agad nito pagkalapit niya. Bumeso naman siya sa kanyang Papa.
"Maaga ka yatang nauwi ngayon, hija." Kumento niya pagkabeso ni Bianca. Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ng dalaga at matipid na ngumiti.
"Medyo pagod lang kasi ako Papa. Gusto ko magpahinga ng maaga." She mumbled. Bumuntong-hininga naman ang kanyang Papa.
"Bianca naman kasi. Why did you fire the wedding planner? Kaya nga nag-hire si Steven para—" hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin. Bianca exhaled sharply and spoke.
"Look Papa, ayoko nang pag-usapan pa. Besides it's my wedding, so I can decide freely." Putol niya sa kanyang Papa na natigilan sa pagsalita. "I'll go upstairs. Good night Papa." Mahinang paalam nito.
Hindi na nakaimik si Billie Razon. Sinundan niya lang ng tingin ang anak na papaakyat sa second floor nila. Malaki ang pinagbago nito simula nang magdesisyon itong magpakasal kay Steven. He knows that there is more to her decision, hanggang ngayon ay nagtataka pa din siya sa napagpasyahan ng anak. Alam niyang mahal na mahal ng anak niya si Kendrick ngunit laking gulat niya nang biglang nag-announce si Sandro Lopez noong Christmas Party patungkol dito.
"Ladies and Gentlemen, may I have your attention please?" wika ni Sandro Lopez habang hawak ang isang glass ng champagne.
Nakuha niya naman ang atensyon ng lahat. All eyes are on him especially Billie Razon's. Nagtataka ito sa kaibigan.
"Billie, my friend, would you please join me here?" pakiusap nito. Lumapit naman siya at tumabi sa kaibigan.
"We have an important announcement." Saad ni Sandro. Takhang napatingin si Billie sa kanya pero hindi niya ito pinahalata. Wala siyang alam patungkol sa sinasabi nito. Tinignan din siya ni Sandro ngunit ngumiti lang ito at saka tinuloy na ang kanyang anunsyo.
"R&R and Lopez would be very close partners in business this coming 2016. To add to that, hindi lang iyon ang magiging partners. I am pleased to announce that my son Steven Louie Lopez would be marrying Billie Razon's one and only daughter, Bianca Skye Razon."
Nagkaroon ng bulungan at hiyawan sa lugar. Nagulat naman si Billie at saka bumulong kay Sandro.
"Is this true Sandro?" he asked.
"Yes, hindi mo ba alam?" parang gulat pang tanong ni Sandro. He cleared his throat and smiled at Billie. 'Di naman na ito nakasagot kaya muli siyang humarap sa mga tao. "Please, let's give out a round of applause for Steven and Bianca!!" masiglang anunsiyo nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/34764632-288-k840465.jpg)
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...