Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧✦✧✦✧♚Nagising ako na kadiliman ang nakikita ko. May nakatali kasing blindfold sa akin, gusto ko sanang tanggalin iyon pero hindi ko magawa dahil ramdam ko na nakatali ang kamay ko sa likuran ko.
Nararamdaman ko na nasa sasakyan ako at nakaupo ako. Naiiyak ako. Gusto kong magsalita pero natatakot ako. Who are these people? Bakit nila ako kinidnap? Alam ba ito ni Papa? I can't believe that Kuya Rod cannot be trusted. I sniffled, ramdam ko ang pag-baba ng luha ko sa pisngi ko.
Nanatili akong tahimik hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Dalawang pinto ang bumukas at sumara. So dalawang tao sila? Shit, sobrang kinakabahan ako.
Someone please save me. I whispered. Nanggaling naman sa kaliwa ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko naman ang isang kamay na humawak sa kaliwang braso ko. Medyo maliit naman ang kamay nito at parang babae siya. But it feels familiar?
She pulled me out of the car. Malamig na simoy ang hangin ang humampas sa mukha ko. I can also hear some waves splashing. Mukhang sand din ang inaapakan ko. Nasa beach siguro kami.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Itatapon ba nila ako sa dagat!? Oh my gosh, what did I do so bad that they have to do this to me? Muling tumulo ang mga luha ko.
"S-sino b-ba kayo?" I said in a small voice. Naghihintay ako na may sumagot pero wala. Instead, I got pulled again. Naglalakad kami at palakas ng palakas ang tunog ng mga alon.
Gahd, is this the end for me?
Tumigil na kami sa paglalakad. Binitawan na ako at narinig ko ang footsteps niya na papalayo sa akin.
Iiwan niya na lang ako dito? Akmang lalakad sana ako pero naramdaman ko ang isang kamay na pumigil sa akin.
"If you move, you die." Saad ng isang malalim na boses ng lalaki. His voice sent shivers all over my body. Hindi na ako gumalaw. Napayuko lang ako. I just listened to the sound of the ocean waves coming from behind me. My tears kept falling, Kendrick I need you. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin?
My head rose when I heard a guitar strumming.
♫ Thinking Out Loud – Ed Sheeran ♫
♫ When your legs don't work like they used to before ♫
♫ And I can't sweep you off of your feet ♫
It's that one familiar voice who can make my heart flutter. Naramdaman ko naman na may nagtatanggal ng tali ng sa kamay ko. Doon din nanggagaling ang kanyang boses.
♫ Will your mouth still remember the taste of my love? ♫
♫ Will your eyes still smile from your cheeks? ♫
I smiled weakly while listening to his voice. Lahat ng takot ko kanina, nawala na. Nang mawala ang pagkatali sa kamay ko, sunod niya namang tinanggal ang blindfold sa mata ko.
♫ And, darling, I will be loving you 'til we're 70 ♫
♫ And, baby, my heart could still fall as hard at 23 ♫
Nang matanggal ang blindfold sa mata ko, agad kong nakita sila Veronica at Oliver na nakatayo sa harap ko. Si Ollie ang nag-gigitara. They are both smiling widely. Humawak naman si Kendrick sa kanang kamay ko at lumakad siya patungo sa harap ko. Nakangiti siya habang kumakanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/34764632-288-k840465.jpg)
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...