♔ MD 31 - I miss her ♔

201 15 9
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Manghang-mangha ako sa coffee shop ni Steven. Based from my observations, bagong bukas lamang ito at kita mo na ang success dahil marami ng customers. New York ang theme ng kanyang shop, and what impressed me the most is mayroong maliit na art gallery dito. Napangiti naman ako dahil biglang nagflashback sa akin ang mga pinagsamahan namin sa New York. It was just a short amount of time but it was great.

Maganda ang ambiance dito, mararamdaman mo ngang nasa New York ka. Modern ang dating niya kasi halos lahat ng upuan ay gawa sa leather at ang coffee tables ay puro glass naman. Naupo kami sa isang leather seat na pangdalawahan.

"How do you like your coffee?" nakangiting tanong ni Steven sa akin.

"I prefer a cappuccino." Sagot ko naman.

"Sige." Tumayo naman siya. Nagtaka ako kaya sinundan ko siya ng tingin. He went behind the coffee counter. I saw him get two mugs. Siya ang gagawa? Marunong siya gamitin yung machine na yun? Lumapit naman ang barista sa kanya. From the looks of it, the barista is like offering Steven na siya na ang gagawa. Umiling lang naman si Steven at tinuloy ang ginagawa niya.

Napangiti naman ako. He is different from the other people I know na mayaman, yung mga may business na katulad niya. Karamihan sa kanila hindi gagawin yung ganyan, and add me to that list. Kahit si Ken hindi rin gagawin yan. Oops, bakit nasingit ko na naman si Ken? That Frost-ard.

Tumayo naman muna ako at lumakad sa mini art gallery niya. There are six paintings in there, but only one got my attention.

It's the painting that got us meet each other. The Starry Night by Vincent Van Gogh. Napatitig ako doon at nagflash muli sa utak ko kung paano kami eksatong nagkita. Now I find myself smiling, fate is really playful huh?

Napapitlag naman ako sa biglang pagsalita ni Steven sa likuran ko. Inaabot niya na sa akin ang putting mug. I can already smell the cappuccino.

"Thanks." Nakangiting saad ko nang inabot ko ang mug.

"Ito ba ang dahilan kung bakit ka nasa New York nun?" tanong ko naman habang nakatingin pa rin sa painting.

"Yes. Isang New-Yorker ang co-owner ko dito." Sagot niya. Tumango-tango naman ako at naglakad na ulit pabalik sa upuan namin. Sumunod naman siya. I took a sip of the cappuccino he made and it's so damn good. Inilapag ko na yun sa lamesa.

"I just opened this shop last night, it was great. Maraming nagpunta. Gusto sana kitang tawagan para pumunta pero nagbago ang isip ko." Tuloy niya pa.

"Why?" takhang tanong ko.

"Naisip ko kasi baka nakalimutan mo na ako." There is a hint of sadness in his tone. I tried my best to ignore it by drinking my cappuccino.

"Nakalimutan agad? Grabe naman 'to mag-isip." Pabirong saad ko sakanya. Mahina siyang tumawa at nagkwento pa.

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Three days later, kasalukuyang narito ako sa head office ng R&R. Ngayon kasi ang meeting para sa paghahandle ko ng isang branch ng R&R. Pinapakilala ako ni Papa sa mga iba't ibang heads ng department. Binabati ko lang naman sila at nakikinig sa mga sinasabi nila about sa R&R.

Nang matapos ang meeting, naiwan pa rin kami ni Papa dito sa conference room kasama ang advisor ko. Nagkaroon kami ng agreement ni Papa na once na maayos ang maging takbo ng hahawakan kong branch, magkakaroon ako ng position dito sa head office.

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon