♔ MD 41 - Back Together? ♔

174 17 6
                                    

Copyright © jeanariamontes, 2015

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Natapos na ang libing ni Tito Lucas. It's a good thing na napapunta ko si Kendrick, he kept on crying pero tumigil na rin siya. Right now, nandito pa rin kami sa cemetery. Nakaakbay si Ken sa akin. I'm not used to seeing him sad and down. It's so not like him.

Ang naiwan na lang na kasama namin dito ay sila Ollie, V at si Tito Eric. Naglalakad na rin kami patungo sa sasakyan. Hindi masyadong close si Tito Eric at Ken, bihira lang naman sila magkita. Ken mentioned to me before na tuwing may special holiday lang niya nakikita si Tito Eric. He doesn't sense a good vibe with him daw. Pero mukha namang mabait si Tito Eric.

"So, Kendrick. If you need anything, don't hesitate to call." Biglang nagsalita si Tito Eric nang makarating na kami sa tapat ng sasakyan niya. I looked at Kendrick at nakatitig lang naman siya kay Tito Eric.

"Sige Tito. Ingat ka." Matipid niyang wika rito. We watched him get in his car and drive away.

"So, you two back together?" sabay kaming napatingin sa kay V. Then I looked at him again. Nagkatinginan kami at napangiti ng kaunti. I don't even know if we're back together, pero masaya ako kasi nasabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin. And he told me he loves me.

It was the greatest feeling.

"Huy! Tsk ayan na naman kayong dalawa eh." Iritang sad ni Veronica. Pinigilan kong matawa sa kanya kasi nakapout at nakahalukipkip siya.

"Why don't we just eat? I'm hungry." Sabi naman ni Ken.

Ollie snorted. "Tsk, tara na nga."

♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚

Pasado alas-dose na ng tanghali. We just decided to order room service at Kendrick's penthouse. Gusto rin kasi naming magpahinga, puyat din kami dahil kay Ken. Pero okay lang naman. At least he's fine now, or at least that's what I think.

Pagkatapos naman naming kumain, nag-stay lang kaming apat dito. Ayoko rin kasing umalis. What if Kendrick leaves? Mamaya biglang magbago ang isip niya. Nandito kaming dalawa sa kwarto ni Ken. Si Ollie at Veronica naman ang nasa living room.

Nakahiga lang kaming dalawa dito sa kama niya. I'm resting my head on his chest, siya naman nakayakap sa akin. Tahimik lang kaming dalawa.

"Ken, gising ka ba?" mahinang tanong ko. I felt him move a little bit.

"Hmmm?" he purred. Hinigpitan niya rin ang yakap niya sa akin.

"How are you feeling?" tanong ko naman. He sighed.

"Right now, I feel good." Mahinang sagot niya. Matipid siyang napangiti. Is it because of her? 'Di na rin siya nagsalita muli at dinamdam lang ang pagkakahiga ko sa dibdib ni Ken.

Gusto ko sanang tanungin kung ano na 'kami' ngayon. I was about to speak but someone knocked at the door.

"Ken, your dad's lawyer is here." Saad ni Oliver sa kabilang pinto. Pareho kaming napatayo at nagkatinginan sa isa't isa. Kumunot pa ang noo ni Ken.

Sabay na rin kaming tumayo at lumabas. Nakaupo sila sa living room.

"Mr. Torres... What brought you here?" bungad na tanong ni Ken. Naupo rin ako sa tabi niya. Katapat namin si Mr. Torres habang yung dalawa naman sa may billiards table nakaupo.

"I came to give this to you." Isang puting envelope ang iniabot niya kay Ken. Kinuha niya naman yun at agad binuksan. "That's from your father, he gave that to me and told me to give it you once he's dead."

My Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon