Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
[Bianca's POV]
Ngayon na ang libing ni Mama at kasalukuyan kaming nandito sa sementeryo where we will bury her remains. Immediate family and friends lamang ang nandito dahil ayaw namin nila Papa ng crowded. Halos limang araw na ang lumipas simula nang mawala siya pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. I've never been so sad like this, parang gusto ko lang magmukmok sa isang sulok.
Naglaglag kami ng tig-iisang puting rosas. Panay rin ang paghagulgol ni Papa. Hindi niya matanggap ang nangyari kay Mama and so am I, ganoon rin naman ang nararamdaman ko but I'm forcing myself to be strong. Kailangan kong maging matatag sa mga ganitong sitwasyon.
Watching them throw back the dirt to cover up Mama's coffin hurts me. Kasi 'yun na talaga ang patunay na hindi ko na siya muli masisilayan, mayayakap pati makakausap.
Nang matapos lang ng libing ni Mama. I immediately went home to my unit. Napagpasyahan kong lumipat na muli sa bahay namin kaya naman maglilipat na ako ng gamit. Mag-isa na lang kasi si Papa sa bahay namin and he's really having a tough time and I want to take care of him. Sobrang apektado pa rin siya at panay pa rin ang pagsisi niya sa kanyang sarili patungkol sa pagkamatay ni Mama.
Kasama ko ngayon sila Oliver, V and Ken. I feel so blessed to have them as my friends, mula noong namatay si Mama hindi sila umalis sa tabi ko. Hindi nila ako hinayaan mag-isa. We rented out a big van, para magkasya ang ilan kong gamit na i-uuwi. Dadalhin ko lang naman ang mga damit at sapatos ko, maging ang iba ko pang personal na furniture.
Tumigil naman na ang sasakyan sa harapan ng building ko kaya bumaba na kaming apat at tumungo na sa unit ko.
Pagkarating namin sa unit ko, agad na inayos nila Ken ang mga kahon na paglalagyan namin ng mga gamit. I brought the two empty boxes to my room.
Inuna kong ilagay ang mga picture frames na nandito sa kwarto ko. Natigilan lang ako sa isang picture.
Picture namin ito ni Mama. Naaalala ko pa kung kailan ito kinuha, it was her birthday. She looks very happy in this photo, her smile is perfect. Hindi ko naman namalayan ang pagtulo ng luha ko. I miss her so bad that it hurts. Inakap ko na lang ang litrato namin at pinatuloy lang ang pag-iyak.
Bakit ba kasi kailangan pa nilang maaksidente ni Papa? If I ever find out who did this to them, I'll give them hell. Ang hirap tanggapin. Mama was always the one who can understand me, lagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng bagay.
Napapitlag naman ako nang maramdaman ko ang pag-akbay ni Kendrick sa akin. Tinignan ko siya.
"K-kanina ka pa ba dyan?" tanong ko habang humihikbi. He pressed his lips and nodded. Inalis niya naman ang pagkakaakbay niya sa akin at kinuha niya ang panyo niya. Ipinunas niya iyon sa pisngi ko.
"Everything will be fine, Skye." He said softly. I sniffled and hugged him.
"It hurts, Ken." Mahinang saad ko habang nakayakap sa kanya. Hinahagod niya naman ang likuran ko. "How do you do it Ken?" kumawala naman ako sa yakap at tinitigan siya. "Nung namatay si Tito Lucas, it seems you've move on so fast." Tanong ko sa kanya.
Yumuko naman siya. "I didn't move on that fast, akala mo lang yun." He sighed. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Compared to your mother, Dad is different. Oo, tatay ko siya pero hindi ko naramdaman na tatay ko siya. Which is why I focused on myself, ayoko maging tulad niya." Sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...