Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚[Bianca's POV]
It's already 7:30 in the evening at nandito ako sa lobby ng R&R, hinihintay ko ang pagsundo ni Kendrick sa akin. We will talk about us over dinner at his place. Habang naghihintay ako dito, napansin ko naman ang TV na naka-on dito.
It was on the news channel at doon natuon ang atensyon ko.
"Patuloy pa rin ang pagbaba ng R&R sa business industry. Simula nang maaksidente ang CEO na si Billie Razon, napabayaan nito ang kumpanya na siyang nagtungo sa unti-unting pagbagsak nito. Balita'y maraming shareholders ang nag-pull out ng shares nila sa nakalipas na linggo. Naging malaki ang epekto nito sa kumpanya. In-appoint niya ang kanyang nag-iisang anak na si Bianca Skye Razon ngunit sabi ng iba ay hindi raw kaya ng dalaga na mai-ahon ang R&R. Ngayon na nga ba ang huling taon ng R&---"
Hindi ko na iyon narinig dahil may dalawang kamay na biglang humarang sa tenga ko.
Nilingon ko 'yon at nakita ko si Ken. Napayakap naman ako sa kanya.
"Everyone thinks I'll fail..." mahinang saad ko habang nakasubsob sa dibdib niya. Yumakap lang siya pabalik at hinaplos ang ulo ko.
"No you won't. Halika na, mabuti pa umalis na tayo dito." Pag-aya ni Ken. Sumunod naman ako sa kanya at umalis na kami sa R&R.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
After the quiet ride with Ken, nakarating na kami sa penthouse niya. Dumiretso na kami agad sa dining area niya.
May isang table na naka-set doon, it's a candlelit dinner. May petals din ng roses sa floor. Wala sa sariling napapangiti lang ako. Pinaupo niya naman na ako sa isang upuan. Pagkatapos niya akong paupuin, kumuha siya ng isang bote ng red wine at nilagyan ang mga wine glass namin.
Tinulak niya naman ang isang tray papalapit sa table.
Mas lalo akong napangiti nang ilagay niya ang plato sa harapan ko. It was a take-out food from our favorite Japanese restaurant. May tonkatsu at sushi para sa akin, ganoon din sa kanya.
"Sorry, take-out lang. Gusto ko sana magluto pero alam ko nang kukulangin sa oras." Saad niya pagkaupo niya. He even smiled apologetically which made my heart flutter. Paano, ang gwapo.
"Okay lang Ken. This is perfect." Sabi ko naman. We both fell silent which made me feel weird. Hindi naman kasi kami ganito noon. Nagsimula na kaming kumain pero ako pasulyap-sulyap sa kanya. I have to admit, na-miss ko siya.
Inilapag ko ang hawak kong kubyertos. "Ken." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" saad niya habang nakataas ang dalawang kilay at nakasubo pa ang kutsara.
"I really am sorry for ignoring you these past few days. Sobrang hindi ko kasi matanggap ang nangyari." Mahinang wika ko. Mataman naman niya akong tinitigan at hindi na siya nagsalita. "I've been using R&R as a distraction but it's worse in there. Wala yata silang bilib sa akin."
Bumuntong-hininga si Kendrick. "Hindi ka pa kasi nila kilala. Just give it time too. I'm having the same problem in Frost as well." Saad niya. Takhang tinignan ko siya.
"They want me out. Narinig ko sa sabi-sabi na mag-focus na lang ako sa bar pero gusto ko ipamukha sa kanila na mali sila." Seryosong saad niya. Inabot niya naman ang kamay ko at pinisil iyon.
"Bianca..." he called. "We'll do this together. Tulungan natin ang isa't isa. We're Kendrick and Bianca, right?" nakangiting wika niya. I smiled back because he's right.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...