Copyright © jeanariamontes, 2015
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚Nagkatinginan kami agad ni Ken. Bakas sa mukha niya na medyo nagulat siya sa sinabi ni Papa. Eh kasi naman! Ano pa bang pag-uusapan nila tungkol sa akin?! Tumingin din ako kay Mama at nagkibit-balikat lang siya. Bumalik muli ang tingin ko kay Kendrick.
He's just smiling nervously, which doesn't make him any less handsome.
"So, I heard that you bailed on her in New York..." simula ni Papa. Napainom ako agad ng tubig at tinitigan si Papa. He's not meeting my gaze, kay Kendrick lang siya nakatingin. "What's the reason for that?" he followed up.
Dahan-dahan lang akong lumingon kay Ken. "Si Dad po kasi, may mga sinabi siya na napaisip ako. The message is like going on a trip with someone is same as settling things down. Hindi pa po kasi ako handa noon. If you knew my image, back then serious relationships are not my thing."
"So if it's not your thing, dapat na ba akong kabahan para sa anak ko?"
The situation is intense. Gusto ko na lang biglang mahimatay dito. You know, para lang hindi na sila mag-usap.
"No, Tito. Your daughter turned my world upside down. She's the light in my darkness, she made me realize a lot of things." Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sa akin. "Mahal ko siya. She showed me what love is."
Napangiti ako. Maniniwala ka bang dati siyang playboy?
"Siguraduhin mo yan, Kendrick. Ayoko lang siyang masaktan ulit." Seryosong saad ni Papa. "Because I'll take you down. Not just in business pero sa lahat ng bagay na pwede."
"Noted Tito. I won't hurt her again." Ken replied. Tinignan ko naman si Papa na nakangiti na. I exhaled and smiled as well.
"Good. Anyway, ano ba nagustuhan mo sa anak ko? She's very manipulative and bossy." Sabi naman ni Papa. Kunot-noong tumingin ako kay Papa.
"Papa!" suway ko rito.
"What? Totoo naman 'di ba?" Papa retorted. Napanganga nalang ako at tumingin ulit kay Ken.
"Well, she is really manipulative. But she was more to that. Kahit ang sungit niya, she has a soft side. Softer than what she shows. Sobrang maalaga at malambing siya." Sagot naman ni Ken. I feel my cheeks getting hot. Napakagat na lang ako sa labi ko.
"Talaga?" amused pa niyang tanong. Ito talagang si Papa. I shook my head unbelievably and massaged my temples. "Alright, hindi na nga ako magtatanong. Pagkatapos niyo na lang kumain, i-tour mo siya dito sa bahay. Show him your room." Sabi naman ni Papa. Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkain.
♚✧ ✦ ✧ ✦ ✧ ♚
Pagkatapos naming kumain, I followed Papa's order to tour Ken around.
Umakyat kami sa second floor. Tumungo kami sa kwarto ko.
When we got in, bigla kong na-miss 'to. It's been a while since I last slept and stayed here. Mabilis kong inikot ang tingin sa buong kwarto ko. The walls are in light pink, tapos white naman ang carpet. I have a queen-sized bed and I have a mini-sofa on the side. Beside that sofa is my own bathroom.
Nakapamulsa lang naman si Ken habang iniikot ang tingin sa kwarto ko.
"So girly." Kumento niya. Mahina akong tumawa at inirapan siya. Naupo naman ako sa edge ng kama ko. Nakatingin naman siya sa vanity mirror ko. May mga pictures kasing nakadikit doon, kami-kami nila V and my minions way back in high school.
BINABASA MO ANG
My Destiny [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] "If two people are meant to be together, eventually they'll find their way back to each other." --- Bianca Skye Razon "I never deserved your love but you were always there for me. Your love kept me alive." --- Kendrick Van Frost There i...