One
"Lapit pa," bulong ni Riley sa akin habang ekspertong nakatingin sa papel ko.
Pinandilatan ko s'ya. Aba kulang na lang isaksak ko sa bunganga n'ya ang papel ko eh. Kanina pa s'ya nangongopya at ang tagal grabe.
"Last na. Number 3," pahabol pa niya.
Mas nilapit ko pa sa kanya ang papel.
"Ay sa number 3 pala yung sulfuric acid? Akala ko number 4 yun."
Ay tanga. Natampal ko ang noo ko sabay pikit ng mga mata.
"Ms. Falcov, what are you doing?" tanong ng teacher namin. Hindi na kasi bulong ang ginawa n'ya. As in nagsalita na talaga ng malakas at malinaw.
Napailing na lang ako. Sa aming dalawa, ako ang matalino pagdating sa academics. Sa social events lang talaga magaling itong si Riley. Since kindergarten, hindi pa ako nakakuha ng isang mistake sa tests ko. Mula pagkabata, lage akong nakakakuha ng perfect scores. Wala naman akong magagawa dahil kahit anong gawin ko ay alam ko ang sagot. Once kasi nabasa or narinig ko ang isang bagay, hindi ko na yun nakakalimutan. Forever na yung nakatatak sa utak ko. It scared me to bits pero ito ang takbo ng utak ko. I had to deal with it hanggang sa nakasanayan ko na.
At itong si Riley Falcov ay ang aking dakilang parasite. Kung pwede nga lang kopyahin n'ya lahat ng answers ko ay ginawa na nya. She even copied my name several times before. Nagtaka tuloy ang teachers namin kung bakit dalawa ang ipinasa kong papel. Ako takot na, pero s'ya nagpi-peace sign lang sa teacher sabay ngiti ng sobrang tamis na kahit ako nagkaka-goosebumps na.
Riley had been my bestfriend since God knows when. She used to be good in class like me. We were always in the first spot. The teachers couldn't decide who's gonna be the first or the second coz we were both good. But everything changed when we reached high school. She started flunking her grades. Her reason?
Enjoy enjoy muna beshy habang bata pa.
Those were her exact words.
And now na nasa first year college na kami, mas lumala pa s'ya.
Tsk. Pahamak na babae.
Magpapasa na nga lang ako ng papel. Hindi nanaman siguro maze-zero itong bestfriend kong pinakopya na nga, mali pa rin.
Nauna na akong lumabas ng classroom. Doon ko na lang hihintayin si Riley. For sure, mamaya tatalakan ako n'on kung bakit ako nauna.
Tumayo lang ako sa mismong harap ng pinto ng classroom namin when I suddenly felt something strange.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o totoo, pero one week ko nang nararamdaman na may lageng sumusunod o nakatingin sa akin.
Matalas ang pakiramdam ko. I had this gift since I was a toddler. I couldn't be wrong.
Hindi ako paranoid na tao pero malakas ang kutob ko na may kakaiba talaga.
I looked around.
And there, isang lalaking may messy brown na buhok at nakasandal sa wall ng isang classroom habang nakapamulsa ang nakatingin sa akin.
Seriously? Ako? Tinitingnan n'ya?
But what really bothered me was his penetrating gaze na kakaiba sa lahat. Kakaiba yata ang kulay ng mga mata n'ya. Were they blue? And his features, shit, he looked so handsome as if he was some kind of a male model ng kung anu-anong mamahaling products. Damn! Why was I admiring his perfect physique? Was it because he had this out-of-this-world handsomeness?
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...