Four
Pagkatapos kong ayusin ang nga gamit ko sa loob ng walk-in closet, which by the way was full of clothes, shoes, bags, sets of jewelry and other stuff, ay lumabas na muna ako ng kwarto.
Pinalitan ko ang passcode ko nang sa gan'on ay wala nang makapasok dito liban na lang kung gagamitan iyun ng susi dahil may doorknob pa rin naman ang pinto.
Naglakad-lakad ako sa pasilyo. Ang daming pinto dito. Sino kaya ang mga kapit-bahay ko? Tumingin-tingin din ako sa portraits na nakasabit sa dingding.
"Maximus Caverly," basa ko sa caption na nasa baba ng malaking portrait. May year of birth at year of death ding nakalagay sa ibaba ng pangalan nito.
He died almost five hundred years ago. Talaga? At ang background niya sa painting ay ang hedge maze. Ibig sabihin five hundred years old na rin itong kastilyo nila? I suddenly felt the creeps. Baka may mga gumagalang multo ng mga ninuno nila dito. Mukha pa namang haunted itong hallway.
Humakbang na lang ako papuntang hagdanan. Nagugutom ako dahil hindi pa ako nakakain mula n'ong kunin nila ako sa bahay kahapon ng hapon. Ngayon alam kong tanghali na. Nag-aalburuto na ang mga alaga kong Godzilla sa tyan.
Nang makita ko ang hagdanan, muli ko nanamang napansin ang portrait ng magandang babae na may korona. Bakit kaya dito s'ya ipinuwesto sa gitna at kita ng lahat na papasok ng bulwagan? Mas special siguro siya kaysa sa doon kay Maximus Caverly. Hindi pa sana ako aalis sa harap ng portrait kung hindi ko narinig ang pagtunog ng tyan ko.
Nagpatuloy ako sa pagbaba. Kailangan kong mahanap ang kusina. Hindi pa ako nagutom ng ganito ever. Una kong napasok ay ang isang museum-like na kwarto na kay laki. Marami ring portraits doon, may mga antique na swords, shields, spears, armors, guns at kung anu-ano pang sinaunang gamit sa warfare. There were diaries too each placed carefully inside small glass boxes. Babalik ako dito next time. Kailangan ko munang unahin ang gutom ko. Ayoko pang mamatay dahil lang dito.
Lumabas ako ng museum na yun. Sunod kong napasukan ay isang napakalawak na library. Abot hanggang ceiling ang bookshelves. I loved the smell of old leather book covers.
"Good afternoon, Ms. Piper," gulat na napalingon ako sa nagsalita sa right side ko. Isa siyang may katandaan nang babae na nakasuot ng dark blue na business suit at meron siyang reading glasses pero hindi naitago doon ang kanyang pulang mga mata. Mas pale nga lang iyun compared kina Hugo at Declan. Nakapusod ang kanyang buhok.
"Ah good afternoon po," hindi siguro ako dapat naparito.
"May gusto ka bang hiramin?"
"Po? W-Wala po. I'm looking for the...kitchen actually, " nahihiya kong amin.
Bahagya siyang natawa. Binigyan n'ya ako ng direction na detailed na detailed kaya naman nagpasalamat na ako sa kanya at lumabas ng library na yun. Babalik din ako doon one of these days.
I followed her instructions kaya madali kong narating ang kitchen. Nag-panic pa ang mga staff nang makarating ako doon at nanghingi ng pagkain. Sandwich lang sana at juice ang gusto ko para hindi naman nakakahiya pero iginiya ako ng isang maid papuntang dining hall na kay laki and they served me a delicious steak.
Wow.
Magana akong kumain. Paborito ko ang steak noon pa. Ganito kaya kainin ko araw-araw dito? Pwede kaya yun?
"Meron pa po ba kayong gustong kainin Ms. Piper?" tanong ng maid na umasiste sa akin.
"Ah...meron ba kayong blueberry cheesecake?" nagtatanong lang naman ako. Hindi naman siguro nila iisiping demanding ako no.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...