Eleven: Papaya Smoothie

16.8K 722 123
                                    

Eleven

Napakagat-labi ako nang biglang bumukas ang pintuan. Agad naman akong maingat na binitawan ni Griffin. Lahat sila ay nanlalaki ang mga mata. Nandoon din nakaabang ang mga matatanda. Alam kong nagkulay kamatis na ako dahil sa pamumula habang isa-isa nila kaming tinitingnan.

"Di ba ang sabi halik lang? Walang yakap?" painosenteng tanong ni Colton.

Nagtawanan sila kaya naramdaman ko nanaman ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha. Nag-smirk lang naman si Griffin.

Biglang pumasok si Maisie at hinila ako palabas. Bahagya pa nga niyang itinulak si Griffin na agad sumimangot.

"How many kisses kaya?" ani Maisie habang ini-examine ang leeg, balikat at tiyan ko.

Pati si Mrs. Margaux ay nakibilang na rin. Siya ang nasa mukha ko. Napapikit na lang ako dahil sa nakakalokong ngiti niya.

"Thirty-two!" sigaw ni Maisie.

"Seventeen naman sa mukha n'ya," ani Mrs. Margaux.

"But that's only forty-nine," ani Nathaniel.

"M-Meron pa sa...nape ko," sabi ko saka hinawi ang buhok ko at nakita nila ang batok ko.

"Oh ayan! Fifty pala! Whew! Na-kompleto mo dude," ani Thomas na nakipag-high five kay Griffin na lumabas na pala.

"It's fifty-one," ani Griffin saka kami tinalikuran at nagtungo sa malaking pintuan. Pinulot n'ya ang bag ko na naiwan doon at tuluyan nang pumasok sa kabahayan.

"Nasaan ang isa?" ani Maisie saka akmang bibilangin uli ang lipstick marks sa katawan ko pero umatras na ako.

"Fifty lang talaga," ani ko saka awkward na ngumiti.

"Madaya talaga yun," ani Maddox.

"Uyyy...bagay kayo ni pinsan ha," panunukso ni Bernadette.

Umiling ako. Kami? Bagay? Nakakatakot kaya yun. Walang bagay d'on. Kahit si Fiona na asawa ni Shrek matatakot sa monster na yun.

"Hayaan n'yo na nga si Piper," ani Maddox saka inakbayan ako. "Akin lang to."

Nagtawanan ang mga matatanda ngunit umapila naman si Calix. "Anong sa'yo? Sa akin."

"Mga dude, walang sa inyo," sabad ni Toby sabay nguso sa bandang itaas ng likuran ko.

Sabay kaming napatingin doon at nakita namin si Griffin na nakadungaw sa amin sa terrace ngunit agad din namang umalis.

"Hahaha. Sabi ko nga," ani Calix saka bumitaw sa akin. "Wag ka ngang lumalapit sa akin Piper."

We laughed at his craziness.

"S'ya. We need to go home now. Malalim na ang gabi," biglang singit ng isang ginang kaya nakahinga ako ng maluwang. At last nawala sa akin ang atensyon.

Isa-isa na silang nagpaalam. Pati sina Calix ay uuwi na rin sa kanila. Hindi naman daw malayo ang sa kanila mula dito. Niyakap pa ako ng mga babaeng pinsan ni Griffin bago sila umalis.

"Are you tired, Ms. Piper?" tanong ni Mrs. Margaux habang paakyat na kami patungong second floor ng bahay.

"Ah hindi naman po Mrs. Degray. Nag-enjoy nga ako eh," nakangiti kong sagot.

Nag-enjoy sa mga halik ni Griffin? Tss. 

"Tita na lang ang itawag mo sa akin."

"Salamat po. Piper na lang din po ako. Nakakahiya kasi yung Ms. Piper," sabi kong napayuko.

Tumawa s'ya. "Alright then."

Tumigil kami sa isang malaking pinto. Binuksan n'ya iyun at tumambad sa harapan ko ang isang malaking kwarto. May malaking puting kama ito sa gitna kung saan nakapatong ang bag ko. The interior was white and dark blue.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon