Five
Hindi ko na-message sina Riley at Everett. Wala kasing signal dito. I wonder kung ano ang iniisip nila ngayon sa biglaan kong pagkawala.
Nagpunta ako sa terrace dito sa kwarto ko. Malalim na ang gabi at tahimik na ang paligid. Nakikita ko sa di kalayuan ang bayan. Maliwanag doon. I closed my eyes and felt the soft air on my face.
Naalala ko bigla ang dinner kanina. Wala naman masyadong nangyari n'ong dumating ang Team 2.
Pinakilala lang sila sa akin and then umalis lang naman sila agad. Nalaman ko pa nga na dito din silang apat nakatira sa castle.
Nakakatakot talaga iyung si Griffin. Hindi ko alam kung saan galing ang galit niya sa akin. Actually hindi lang naman siya ang nagpapakita ng hostility sa akin. Sina Fallon at Camila ay mabigat din ang loob sa akin.
Sana naman hindi ako magtatagal sa lugar na ito. Sana matapos na ang problema ni Papa para makabalik na ako sa amin.
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Lola Vernice. May ipinasuot siya sa akin na school uniform. Ang top ay puting blouse na pinaibabawan ng maroon na long-sleeves, may mahabang necktie na may stripes na white and maroon. Ang pleated skirt naman na two inches above the knee ay kulay maroon din. She also made me wear black knee high boots na may two inches na takong.
I grabbed my small backpack na kulay white saka bumaba na. Nadatnan ko sa baba ng hagdanan ang buong Team 2. Nandoon din sina Declan at Hugo na seryosong nakikipag-usap kay Griffin.
"Ready ka na?" nakangiting tanong ni Calix sa akin.
Tumango ako. Wala naman akong choice.
Napatingin ako sa school uniform nila. Same kami ng style ni Fallon pero bakit black ang kulay ng sa kanila?
"Sa Superior Senior High kami nag-aaral. Pero magkatabi lang ang schools natin," parang nabasa naman ni Calix ang tanong sa isip ko.
"Let's go," bigla na lang sabi ni Griffin.
They bowed to Hugo na ginaya ko rin bago kami lumabas. Deretso sila sa batong stairs na inakyat namin kahapon.
Uh oh.
Wala nga pala silang kotse dito.
"Halika na," ani Calix. S'ya lang talaga ang nakikipag-usap sa akin.
Nauna nang bumaba sina Griffin, Fallon at Colton. Ang bilis nila. Hindi kasingbilis noong ginawa ni Griffin kahapon pero mabilis pa rin. Halos nasa gitna na sila in just a couple of minutes. Ang hirap ding bumaba lalo na at may takong itong boots ko.
"Okay lang yan. Masasanay ka rin," sabi ni Calix.
"Pagod na ako."
Tumawa lang siya pero nagulat na lang ako nang bigla n'ya akong binuhat nang parang pang-bride at tumakbo na siya pababa. Ang bilis ng takbo niya. Nilipad ng hangin ang buhok ko at halos blurry na ang nadaanan namin. Ilang minuto lang at nasa dock na kami. Ibinaba naman niya ako agad.
"Whoah!" medyo nahilo ako d'on ah.
"Mali-late na tayo," narinig kong sabi ni Colton. Nasa speedboat na pala sila at si Griffin ang driver ngayon.
Inalalayan ako ni Calix.
Tahimik lang kaming lima habang bumibyahe. Sigurado akong merong hindi normal sa kanila. 100% sure na ako sa bagay na yan. Kung bakit hindi pa nila sinasabi sa akin ay hindi ko alam. Pero sinisiguro kong malalaman ko iyun. Deep inside nagfi-freak out ako sa totoo lang but I kept my cool.
Napansin ko na may mga footbridges kaming nadaanan at may mga taong naglalakad doon. Iyun ang kumokonekta sa business center at residential area. Sa ilalim ng footbridges kami dumadaan.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...