Thirteen
"Degray, tell us the details," iyun ang una kong narinig nang nagising ang diwa ko. Kung hindi ako pagkakamali ay boses iyun ni Hugo.
"Yun nga leader, I saw na may biglang sumulpot na apoy sa likuran n'ya. I tried to warn her pero hindi n'ya ako narinig. Then Griffin helped too pero hindi namin mabuksan ang pinto. We saw how the fire wall enveloped here. Hindi namin siya makita sa loob. Then suddenly, there was a light from inside the fire wall. If I'm not mistaken, galing iyun sa kanya," sigurado akong boses ni Maddox iyun. "Pagkatapos n'on, biglang nawala ang apoy. Parang biglang nilamon ng kung ano. Nawala na lang na parang bula. Then nakita namin si Piper na wala nang malay. Pinuntahan pa namin ang taga-pamahala ng training area para kunin sa kanya ang susi ng training room."
"At ito na ang kondisyon n'ya nang nadatnan n'yo?"
"Opo, Leader."
Gusto kong sumali sa usapan nila. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong sabihin. But I couldn't move. Ni hindi ko mabuksan ang mga mata ko. Tanging ang mga tenga ko lang ang active sa panahong ito. Hindi ko maigalaw ang katawan ko o maibuka ang bibig ko.
Pero naririnig ko sila.
"Nag-malfunction ba ang training room?" si Hugo uli.
"I don't think so Leader. Kahit na walang gumagamit sa training room na yun ay lage pa rin naming tsine-check ang kondisyon nito." hindi ko kilala ang boses ng lalaking nagsalita.
"And it's only triggered by a Full-blood, right?" si Calix iyun. "Saka lang yun nagfa-function pag na-detect ang ability ng user ng room."
Wala na akong narinig uli dahil dahan-dahan nanaman akong hinihila ng antok.
Nang muli akong nagising ay wala akong narinig na kung ano. Tahimik ang paligid.
I tried to open my eyes. I succeeded for a couple of seconds pero napapikit ako uli dahil sa tindi ng liwanag. Para akong nabulag dahil d'on. I tried again. This time, dinahan-dahan ko ang pagmulat. Una kong nakita ay ang puting kisame. Sinubukan kong tingnan ang paligid. Puti rin ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko, puti rin ang kurtina sa malaking bintana. May isang pulang sofa sa isang tabi.
Bakit mas malinaw ang paningin ko? I could almost see the intricate details of everything, like the complex design of the curtain.
Weird.
Bigla akong naiihi kaya dahan-dahan akong tumayo at bumaba ng kama. Nagtungo ako sa isang pintuan na hula ko ay CR. Nang makapasok ako ay agad na akong umihi. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay sa sink. Naghilamos na rin ako.
Nang mapatingin ako sa salamin ay bigla na lang akong natigilan.
A-Anong nangyayari sa akin?
"Ahhhhhh!!! Ahhhhhhhhhhhhh!!! Oh my god!!! Ahhhh.. Noooo!!!!!" malakas akong napasigaw.
Pumikit ako. Baka mali ang nakikita ko. But when I opened my eyes, iyun pa rin ang nakikita ko sa repleksyon ko.
"Ahhhhhhhhhh!!!!"
"Piper," biglang pumasok si Calix. "Ahhhhhhh!!!!" napasigaw din siya nang makita ang repleksyon ko. Humarap ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
"Anong nangyayari?" si Maddox naman ang dumating. "Ahhhhhhh!!!" napasigaw din siya nang makita ako.
Pangatlong dumating si Griffin. Nakakunut-noo lang siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko para hindi ako makagalaw at sinuring mabuti ang mukha ko.
I mean ang mga mata ko.
Sa isang iglap lang ay binuhat n'ya ako at pinaupo sa kama. Sumilip naman mula sa likuran n'ya sina Calix at Maddox na natitigilan pa rin.

BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...