Twenty-eight
Two days. Two days had passed mula n'ong paghaharap namin ni Harlow. Two days na rin siyang missing in action pati na rin si Fallon. And sabi naman ni Calix, nagpapalamig lang daw ng ulo at nasa bahay lang sila ng mga Devereaux.
Two days na rin mula n'ong huli kong makita si Griffin. Bumalik na siya sa kanila. He left without even talking to me. Pero naiintindihan ko s'ya. Umiiwas s'ya sa gulo ngayon. Knowing Harlow and her gang, siguradong reresbak ang mga yun. Wala talagang respeto sa future queen nila.
Napangiti ako sa naisip. Feeler na rin yata ako ah. But speaking of future queen, ibibigay kaya nila sa akin ang trono? I've proven to them that I had abilities.
And tanong, kaya ko bang maging reyna? Wala akong alam sa mga bagay na political. Lalung-lalo na ang mamuno sa isang buong komunidad. Kahit nga class president n'ong elementary hindi ako na-nominate dati eh. Top one nga ako sa academics pero pagdating sa leadership, kulelat ako.
Siguro naman may lessons ako para sa governance di ba?
Anyways, nandito kami ngayon sa bleachers ng gym dito sa school. Kasama ko sina Riley, Everett, Calix, Maddox at Colton. May school program daw about sa ranking ng mga estudyante. Since may tatlong level dito sa Superior Senior High, tatlo rin ang estudyanteng paparangalan.
Hula ko, sa aming nasa Grade 11, si Griffin ang nangunguna. Eh kasi naman, malakas kaya s'ya, magaling, matalino...oo na crush ko kasi s'ya konti kaya s'ya ang bet ko. Pero malakas ang intuition ko na s'ya nga.
"Good morning students of Superior Senior High," bati ni Chancellor Ivanov. He was standing behind a glass podium na may logo ng school. "Today marks..."
Hindi na ako nakinig sa kanya. Naglaro na lang ako sa cellphone kong walang signal. Matagal ko ring hindi napagtuunan ng pansin itong phone ko ah. I miss texting, or using the internet.
Hindi pa man ako halos natatapos sa iniisip ko ay may naramdaman akong umupo sa may kaliwa ko. Hindi ko pa man siya tinitingnan ay nag-react na ang katawan ko. Parang sa dibdib ko ngayon naisipang maghabulan nina Tom at Jerry.
"Dude, buti naman naisipan mo nang magpakita. Na-miss kita," sabi ni Calix in a loud voice. Napatingin pa sa kanya ang ibang estudyante na malapit sa amin.
"Tsk. Shut up, Devereaux," masungit na sagot ni Griffin kaya napatingin ako sa kanya.
"Ba't ang sungit mo ngayon? May dalaw ka?" pang-iinis ko pa.
"Isa ka pa," aniya giving me a glare.
O ano naman ginawa ko?
"Wag mo akong kausapin," aniya saka inirapan ako.
Muntik pa akong matawa nang malakas dahil sa hitsura n'ya. Gwapo s'ya pero hindi bagay sa kanya ang umirap.
Gosh! Nababakla na yata ang crush ko.
"Don't smile," he said frowning.
"Pati ba naman ngiti bawal? OA mo ha," ako naman ngayon ang umirap.
May narinig akong bulungan sa likuran ko so I opened my super hearing ability para makinig.
"Why is she talking to Finn like that?"
"What's with them?"
"Aagawin n'ya si Griffin from Harlow? Oh please."
Huminga ako ng malalim. Akala ko talaga bawal ang tsismosa dito eh. Pero daig pa yung mga tsismosa sa mga kanto d'on sa amin.
Biglang hinablot ni Griffin ang hawak kong cellphone kaya napatingin ako sa kanya. He typed something and showed it to me.
Wanna go out?
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...