Twenty-three
"Paano ninyo nalaman ang lugar na ito?" mahinahong tanong ni Calix sa lalaking nakaupo habang ang mga kamay ay nakatali sa likuran ng silya nito.
Hindi sumagot ang lalaki. Surprisingly, hindi s'ya duguan o puno ng pasa. Praestanus interrogate without using violence. Well, hindi ako sigurado kung tama ba ang salitang 'without'. They asked and asked the captured Nimrods for one hour without punching or kicking them. At kapag hindi pa rin nagsasalita, they just kill them. Gan'on lang kasimple.
Seven were already killed dahil hindi sila kumanta.
Nandito ako ngayon sa control room kasama sina Griffin at Everett habang nasa interrogation room sina Calix at Colton. We were watching the said interrogation through a one way mirror. I forced Team 2 to do this interrogation. I had to do something.
"You only have five minutes left mister. You better speak up now," Colton said in his dangerous voice.
The man spat on the floor. "Kung gusto kong sumagot, kanina pa sana."
"Alright! That's it!" akmang hahampasin na ni Calix ang metal door upang papasukin ang mga papatay sa lalaki. I held the mic para kausapin siya sa loob.
"Sandali, Calix. Pupunta ako d'yan," sabi ko kaya napatingin sa akin ang mga nandito sa control room samantalang napatingin naman sa salamin sina Calix at Colton.
"What are you gonna do?" tanong ni Griffin na nakakunut-noo.
"Something," sabi ko saka lumabas na upang magtungo sa pintuan ng interrogation room. Pinagbuksan naman ako agad ng gwardya na nasa labas.
"What are you doing here?" ani Calix.
"I'll continue this. Lumabas na muna kayo ni Colton."
Hindi nagsalita si Colton ngunit nakakunut-noo din siyang lumabas kasabay ni Calix.
I took a chair and sat on it in front of the Nimrod. I wanted to erase the smirk on his face using my fire.
"Kilala mo ba ako?"
"Let me guess. Another useless soldier," aniya saka nagngising-aso.
"Oh. That's insulting. Akala ko pa naman sikat ako," I smirked. "Let me introduce myself then. I'm Piper Mejia."
"Mejia?" aniyang kumunot ang noo ngunit nang makilala ang pangalan ko ay bigla naman siyang ngumisi. "I should have known. Your sister was a psychopath. Pareho kayong baliw."
Natigilan ako sa sinabi n'ya.
Sister?
Ngumisi siya. "Hindi mo alam na kapatid mo ang traydor na yun? Nakakatawa kayo."
Si Clarine Mejia ba ang tinutukoy n'ya?
"Sina Noah Mejia and Clarine Mejia ay parehong disgrace sa organisasyon. Parehong traydor."
No. Hindi ko naririnig ang mga to ngayon. Si Papa miyembro ng Nimrod? Si Clarine kapatid ko?
Hindi ko matanggap na ang taong nagpalaki sa akin at minahal ako ng walang kondisyon ay kasapi ng organisasyong gustong sumakop sa lahi ko.
Sinasabi n'ya lamang ang mga ito to distract me. To piss me off.
"I am really enjoying this."
Pinanlisikan ko ng mga mata ang lalaki. "Enjoy it while it lasts. Na-realize mo na siguro kung ano ang importansya ko sa organisasyon n'yo? Like I said, I'm Piper Mejia, Piper Caverly Mejia. Ako lang naman ang praestanus-sapiens that you want to capture for your research."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...