Sixteen: Rescue Mission (2)

15K 610 22
                                    

Sixteen

Tumango ako. Hindi ako marunong lumangoy kaya ano pa nga ba ang magagawa ko.

May iniabot din siyang maliit na black belt bag sa akin. "There are daggers, knives and explosives there. Don't worry. The bag is water resistant. Our clothes will be left here. Hindi naman tayo magtatagal doon."

Agad ko namang ikinabit ang bag sa beywang ko.

Binuksan na ni Colton ang hatch at siya na ang unang bumaba doon. Sumunod si Fallon, then si Calix, si Griffin, at ako ang huli. Agad akong humawak kay Griffin nang nasa tubig na ako.

"Try not to breathe too much. Baka maubos mo agad ang hangin sa tank mo," sabi pa niya.

"Okay," kinakabahan kong sagot. Dahil claustrophobic ako, takot din ako sa ilalim ng tubig.

May isang lalaki, ang pilot siguro, na biglang sumulpot sa may hatch ng plane at may ibinaba itong equipments na parang tangke rin pero may propeller.

"Just four," ani Griffin sa kanya. 

Kinuha ng tatlo ang sa kanila at huli ang kay Griffin.

"This is a Diver propulsion vehicle,"sabi n'ya sa akin.

"O-Okay?" malay ko ba kung para saan yun.

"Piper, ready ka na?" tanong ni Calix.

"Uh...yeah," I'm ready. Not.

Inilagay na ni Griffin na bibig ko ang regulator mouthpiece, pati na rin ang diving mask tapos sinunod n'ya ang kanya. He held my hand using his right hand at ang kaliwa niya ay sinenyas sa tatlo. Pinaandar nila ang Diver propulsion vehicle at sumisid na sila. Nilingon muna ako ni Griffin na parang nagtatanong kung ready na ako. I nodded kaya ang kaliwang kamay ang pinanghawak n'ya sa equipment. Hinila kami nito sa ilalim kaya medyo nag-panic ko. I felt Griffin's grip tightened. I forced myself to relax. Hindi naman madilim dahil alas dos pa naman ng hapon. 

Tumingin ako sa paligid. Ang daming isda na may iba't ibang kulay, may mga coral reefs din. Ang ganda. 

Nakaramdam na ako ng pagka-relax nang nasanay na ako sa paligid at sa mga nakikita ko. Nauna ang tatlo at nakasunod lang kami ni Griffin sa kanila.

Mga fifteen minutes din kaming nasa ilalim. Panay ang sulyap sa akin ni Griffin kaya pinapakita ko namang hindi na ako natatakot.

Hanggang sa unti-unti nang bumabaw ang tubig. Kaya ko nang tumayo sa depth na to. Dahan-dahan na niya akong binitawan kaya agad kong binalanse ang sarili ko. Pinatay na rin nila ang kanilang mga underwater vehicles at tinulak na lamang ang mga iyun hanggang sa nakaahon kami.

Tahimik nilang itinago ang DPVs sa likod ng isang puno sa may dalampasigan. Lumapit na ako sa kanila habang naka- squat sila at kumukuha na ng weapons mula sa mga beltbags nila. Nag-squat na rin ako at kumuha ng dalawang maliliit na knife sa bag ko. Isinuksok ko iyun sa magkabilang boots ko.

"Let's go," ani Griffin saka tumayo na kami.

Pumasok kami sa kasukalan. First time kong pumasok sa ganitong lugar kaya natatakot ako. Baka may ahas o kaya ay wild animal. Nauna si Griffin, kasunod si Fallon, kasabay ko naman si Colton at nasa huli si Calix na siyang nagtsi-check kung ano ang nasa likuran namin.

Nilakad namin ang putikang daan, may may parts ng lupa na kumunoy pa nga na iniwasan lang namin. May mga hilly na bahagi din doon kaya ginapang namin ang mga iyun. Medyo marumi na rin kami. Alam kong maarte itong si Fallon, pero pinabilib n'ya ako sa kanyang determinasyon sa mission na to. Hindi ako nakarinig ng kahit na anong reklamo mula sa kanya. Sina Griffin at Colton naman ay tahimik din. Si Calix, tahimik din naman pero nabo-bore na yata sa paglalakad namin kaya sinusundot n'ya minsan ang tagiliran ko kaya pinapalo ko ang kamay n'ya. Kitang nagfo-focus ako eh.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon