Two
It's time, Piper.
"Huh!" bigla akong napabangon nang marinig ang boses ni Papa. Ngunit nasapo ko na lang ang ulo ko nang maramdaman ang kirot niyun.
"Buti naman gising ka na. We're almost there."
Nilingon ko ang nagsalita at napakunot ang noo ko nang makita s'ya. Mukha siyang pagod habang nakaupo. His penetrating blue eyes were like reading me.
Teka. Nasaan ba ako?
I looked around and I realized na nasa loob kami ng isang lumilipad na private plane. Hindi ko makita ang babae at lalaking parehong may green eyes. Sumilip ako sa maliit na bintana sa tabi ko.
My jaw literally dropped when I saw the view outside. Kita ko ang asul na dagat. Napakalawak niyun at sa baba ay may nakita akong tatlong malalaking isla. Iyung gitna ang pinakamalaki. Puro puno lang ang mga naroon. There was no sign of human settlement.
"Get ready. Lalapag na tayo in a minute."
"Huh? Saan?"
Pero hindi n'ya ako sinagot. Ang suplado naman nito.
"Piper!"
Nabaling ang pansin namin sa lalaking kakapasok lang ng cabin. Ito iyung may green eyes. Nakangiti siya sa akin habang ang babaeng nakasunod sa kanya ay nakasimangot.
"D'yan kami nakatira. That'll be your new home," anang lalaking may green eyes na nakatingin sa labas ng bintana.Saan?
Don't tell me na d'yan sila sa isla nakatira? Wala naman akong nakikita kundi puno, puno at puno. Puro puno lang ang nandoon.
"What are you? Monkey people?" eh kasi naman di ba. Dapat may makita man lang ako kahit isang bahay-kubo.
Napansin kong masama ang tingin sa akin ng babae.
"What?" irita ko siyang tiningnan.
"Patahimikin mo yan, Calix. Naba-badtrip ako," sa wakas ay nagsalita na ang babae. At tulad ng mukha at asta n'ya, tunog maldita nga ang boses n'ya.
"Stop it, Fallon," saway ni smiley face kay maldita. Hindi ko sila kilala kaya ginawan ko na sila ng pangalan. Binalingan ako ni smiley. "By the way, I'm Calix."
Umirap ako. "Buti naman naalala mo pang magpakilala. "
Tumawa siya ng mahina. "Sorry. Medyo may inasikaso kasi kami kanina. Anyways, this is Fallon, my younger sister. That dude naman is Colton. Nice to meet you, Piper," inilahad n'ya ang kanang kamay. Tinanggap ko naman yun. Hindi naman kasi ako rude.
"So, saan nga kayo nakatira?"
"Sabing d'yan sa island di ba?" masungit na sagot ni Fallon. S'ya ba tinatanong ko? Hindi naman ah.
Tss.
"Wala akong bahay na nakikita."
"That's because we are not living on the island, Piper. We are living under the island," nakangiti nanamang sagot ni Calix.
Ah kaya naman pala.
Wait. Teka. Sandali.
Ano raw? Under?
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Calix.
"You'll find out later. Get ready," sabi ni Calix na nakangiti. Lumipat ito sa katapat na upuan ni Colton at tumabi naman dito si Fallon. Nagsuot sila ng seatbelt kaya naman ginaya ko na rin sila.
About a minute later, naramdaman ko ang pagbaba ng plane na sinasakyan namin. Nakatingin na ako ngayon sa labas ng maliit na bintana. Mas lumalapit na kami sa surface ng tubig kaya nakikita ko na rin ng mas maayos ang isla. Like what I said earlier, there was no sign of any human settlement on the island. So totoo nga kayang sa ilalim sila ng isla nakatira? So, ibig sabihin d'on din ako titira? Napapikit ako sa naisip. Hindi pwede. Claustrophobic ako. Hindi ako pwede sa kweba or underground.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...