Ten
Nagtatawanan naman ngayon sina Calix at Maddox habang pinag-uusapan ang kanilang teacher na hot mama. Parang mga bata talaga. Kanina lang ay nag-aaway ngayon naman ay biglang naging buddies.
Nakasunod lang naman ako kay Griffin na siyang nauunang naglakad habang bitbit ang bag ko. Nasa pinakahuli naman sina Fallon at Colton.
"Welcome to the Degray Manor," biglang bulong ni Maddox malapit sa tenga ko.
Napatingin ako sa isang napakalaking bahay sa unahan. It wasn't a castle but it sure was a mansion. Meron iyung dalawang palapag. Hindi ko masyadong maaninag ang kabuuang kulay dahil gabi but the bright lights from the mansion itself was giving me a hint that it was white.
"Kina Griffin yan?" tanong ko kay Maddox.
"Yes!"
Wow. Ang yaman pala nila. Well, they're the second strongest family of the city. What would I expect?
Naglakad na kami papunta doon. Ang bawat gilid ng pathway ay may trimmed bushes. Sa harap naman ng mismong mansion ay may fountain na may ilaw din at may dalawang kupidong source ng tubig, galing sa kanilang mga pana.
"Master Griffin," yumuko ang isang may katandaan nang lalaki na nakasuot ng itim na coat and bowtie. "Welcome to the Degray Manor," baling niya sa amin saka bahagya ding yumuko.
"This is Piper Caverly," ani Maddox sa lalaki.
Nakita kong nanlaki ang mga mata nito saka muling yumuko.
"Ipagpaumanhin po ninyo at hindi ko kayo nakilala. Ikinagagalak ko po kayong makilala Ms. Piper."
"Hehehe. Okay lang po." Hindi ko din po kayo kilala. Gusto ko sanang idagdag. Pero wag na lang. Tauhan pala ito ni monster.
Sumunod kami uli kay Griffin nang humakbang na siya papasok. Mukhang nagkakasiyahan na sa loob dahil sa mabining musika at tawanan.
"Griffin!" isang matangkad at payat na ginang ang sumalubong kay monster at niyakap s'ya.
"Ma," tanging sambit ni Griffin.
So ito ang Mama n'ya?
"Your friends are with you," baling nito sa amin ngunit natigilan siya nang makita ako. "Oh my...is she..."
"She's Piper Caverly Mejia," walang ganang sabi ni Griffin na humikab pa. Bastos talaga. Nakaka-bore ba 'yung pangalan ko?
"Oh my," bahagya siyang yumuko sa akin. "Welcome Ms. Piper. It is our pleasure to have you here tonight."
"Salamat po Mrs. Degray," nakangiti kong sagot. Ang bait naman nito. Saan kaya nagmana ang anak nito?
"She'll sleep here tonight," anang bastos na anak nito sabay pakita ng dala niyang bag.
"Oh, then I'll tell the maid to have one room ready."
"Tita Margaux," biglang nagpapansin si Fallon sa Mama ni Griffin. Yumakap pa siya bigla dito.
"Oh Fallon. How have you been?" pero pansin kong hindi naman gumanti ng yakap ang ginang.
Ngumiti ng pagkatamis-tamis ni Fallon. Hindi ko alam na kaya n'ya palang ngumiti ng gan'on. "I've been well, Tita. Where's Tito Finnigan?" aniyang patuyang sumulyap sa akin.
Anong ibig sabihin ng ginawa n'ya? Gusto n'ya bang ipamukha sa akin na mas kilala s'ya ng pamilya ni Griffin? The hell I care?
"He's just here somewhere. Pumasok na kayo. Oh Calix, Colton..." yumakap ito ang dalawang lalaki. "Pasok na. Kumain na kayo."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...