Nine
"Noooooooo," kumapit ako sa doorway ng kwarto na may portraits na napag-aralan kong family room pala ang tawag.
"Anong nangyayari sa'yo Piper?" nagtatakang tanong ni Calix saka itinulak ako para lumabas.
"Ayokong mag-training."
"Kanina pa naghihintay si Captain," inip na sabi ni Colton.
Yan ang dahilan kung bakit ayokong bumitaw dito sa doorway. Sinabi nila sa akin na si Griffin daw ang trainer ko tonight.
"Papatayin ako n'on. Galit yun sakin."
"Bakit mo naman nasabi yan? Hindi naman yun murderer," nasa mukha na ni Colton ang inis. Hindi kasi siya makadaan dahil nakaharang ako.
"He warned me not to get near him."
"Well, wala siyang choice. Inutusan s'ya ni Leader na turuan ka. Kaya nga dito kami nakatira sa castle," si Calix.
"Ano?"
"Dahil nga inutusan kaming turuan ka kaya kami nandito. May mga bahay kami doon sa bayan."
"Ahhhh."
Bigla na lang akong itinulak ni Colton ng medyo malakas kaya napabitaw ako.
"Aray! Ayoko ngang pumunta doon. Papatayin n'ya ako."
"Hindi n'ya gagawin yan. Makukulong s'ya or worse ipapabitay s'ya dahil pinatay n'ya ang next queen."
"Kayo na nga mag-usap d'yan," iiling-iling na humakbang palayo si Colton. Nainis nga yata sa kakulitan ko. Takot lang naman ako eh.
"Teka. Magandang idea pala na patayin ka n'ya tapos s'ya naman ang papatayin ni Leader Hugo. As a result, ako na ang next King dahil ako naman ang third in line to the throne. Hala sige Piper. Tayo na at maihatid ka sa iyong kamatayan," humahalakhak na hinila ako ni Calix.
"Baliw ka talaga," hinampas ko ang braso niya na humihila sa akin.
"Wag ka na kasing mag-alala. Mainitin ang ulo n'ong si Finn pero hindi naman yun kriminal."
Hinila na niya ako papunta sa isang pamilyar na pasilyo. Parang déjà vu lang dahil naririnig ko nanaman ang rock music na yun kaya nanginig nanaman ako sa takot.
"Relax. You'll be fine," ani Calix saka binuksan ang pinto at hinila ako papasok. "Finn! Oh tol ito na biktima mo."
Agad akong nagtago sa likod ni Calix.
"You can leave now Devereaux," matigas na sabi ni Griffin habang pinapatay ang music.
Sumaludo pa sa akin si Calix bago lumabas at isinara ang pinto.
Sinulyapan ko si Griffin. As usual, top less nanaman at tanging itim na jersey shorts lang ang suot. Ni walang pang-paa.
"Do your stretching," matigas uli ang boses n'ya.
Ako naman parang naghihintay ng bitay. Dapat kumain ako ng marami kanina. Pang last supper.
Ginawa ko yung stretching na itinuro sa akin ni Calix kagabi ngunit hindi ko siya tinantanan ng tingin. Baka kasi bigla n'ya na lang akong atakehin at patayin. I had to put my guards up always because of this man.
Then I suddenly felt danger. He threw a knife at me.
"Shit!" gulat akong napayuko at umiwas sa kutsilyong muntik nang tumama sa ulo ko. "What the hell is wrong with you?"
Hindi s'ya sumagot at muli akong tinira ng tatlong magkasunod na kutsilyo.
"Damn it!" tangi ko na lang sabi habang umiiwas. "Papatayin mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
New Species
FantasíaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...