Twenty-nine
"Yahoooooooo!!!"
Parang mga bata na nag-unahan sa pagbukas ng balcony ng hotel room namin sina Everett at Calix. Nasa thirty-fifth floor kami at kita mula rito ang city at ang dagat na asul na asul.
"Remember guys, bawal gamitin ang abilities ha," paalala ko nanaman sa kanila.
"Whatever Piper. Para kang sirang plaka," ani Griffin saka ako inismiran. Nakaupo lang siya sa couch ngayon at nagtatanggal ng sapatos.
Agad naman akong namaywang sa harapan n'ya. "Alam mo nakakainis ka na ha. One week ka nang ganyan."
"So?" tinaasan lang ako ng kilay ng walangya.
Aba't!
"Ano ba talaga ang problema mo sakin?"
"None," he stood up and he towered over me. Napaatras naman ako dahil sa lapit naming dalawa. Naamoy ko nga siya. Ang bango lang.
"So bakit ka ganyan?"
"Doesn't matter," aniya saka sumunod na kina Calix sa balcony. Nandoon na silang apat na lalaki.
"Baka may ginawa ka na nagpainis sa kanya," ani Riley na nakadapa sa kama. May dalawang double beds dito sa kwarto. Dito na kami lahat matutulog.
"I can't recall any," sagot ko naman saka dumapa na rin sa tabi n'ya.
"Eh ikaw lang ginaganyan n'ya eh. Or baka naman may hindi ka ginawa para sa kanya."
Nag-isip ako. Ano naman?
I looked at him. Nakasandal siya sa hand rail ng balcony at nakangisi sa sinasabi ni Calix.
Bahala na nga siya sa buhay n'ya. Ang arte. Di bagay.
Pumasok na silang apat at hinarap kami. Naupo pa si Everett sa kama kung saan kami nakadapa ni Riley at yung tatlo naman ay sa kabilang kama.
"Labas tayo," ani Calix.
"Saan naman tayo unang pupunta?" tanong ni Colton.
"Bahala na silang tatlo," nguso ni Calix sa amin. "Sila naman ang taga-rito eh."
"Gusto n'yo amusement park? Wala naman n'on sa inyo," ani Riley.
"Cool!" ani Calix saka mabilis na tumayo at nagsuot na ng sapatos.
Nagsipaghanda na rin kami. Buti na lang may dalawang shower room itong kwarto na inukopa namin. Isa-isa kaming naligo. Sa banyo na rin ako nagpalit ng damit. I wore a blue high-waisted jean shorts, white sleeveless crop top and calf-length black combat boots. Inilugay ko lang ang tuwid kong buhok. Medyo basa pa kasi.
"Wow. Sexy mo Piper," ani Calix nang makalabas ako ng banyo. Naka-poloshirt siya ng red, white city shorts at puti ring sneakers.
"Ikaw nga d'yan eh," sabi ko naman and he chuckled.
Magkapareho lang sina Colton at Everett sa suot ni Calix. Yellow nga lang ang poloshirt ni Colton at grey ang kanyang shorts. Si Everett naman ay naka-poloshirt ng white at pula namang shorts.
At si Griffin? Ayun gwapung-gwapo sa kanyang black slim fit cotton v neck long sleeve casual t shirt, dark blue jeans at black and white tennis shoes. Kung pwede nga lang sumipol ay ginawa ko na.
"Let's go?" ani Riley na kakalabas lang din ng banyo. Naka-black long sleeves midriff siya at naka- black ding skinny jeans. Ankle- length naman ang boots niyang flat na itim din.
"Saan ang lamay?" pang-iinis ni Calix.
"Sa bahay n'yo pagbalik natin d'on," sagot naman ni Riley.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...