[Maddox]
Kanina pa ako naiirita sa ingay ng mga babae na nandito sa lobby ng hospital. Nakaupo lang ako sa bench samantalang sila naman ang nasa kabilang bench.
Ang alam ko ay isa sa kanila ay ang prinsesa ng Aether City. Itong may wavy ang buhok.
Maganda sana, maingay nga lang. Ayoko ng babaeng maingay. Nakakarindi katulad na lang ni Maisie.
Napapikit ako at isinandal ko sa wall ang ulo ko.
Two weeks na ang lumipas mula n'ong iniligtas kami nina Piper.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Reagan. Unfortunately, Piper's ability can't bring back the dead.
Marami sa mga kapamilya niya ang nasawi sa labanan kaya naman namatay din halos lahat ng mga halaman at puno dito sa isla.
Humalakhak ang mga babaeng nasa tapat ko kaya napamulat ako. Yun pala may dumaang batang male nurse na kinikindatan nila.
"What are you looking at?" tanong n'ong prinsesa nila. Perrie Eastoft yata ang pangalan.
Palikero ako pero bakit naiinis ako sa pagmumukha n'ya?
"I'm not looking at you," sabi ko saka pumikit uli.
"Deadma ka, Perrie," narinig ko pa.
"Baka naman bakla."
The hell? Kumunot ang noo ko but I didn't bother to open my eyes.
"Well, I guess you're right," boses uli iyun ni Perrie.
Naramdaman ko na lang na may biglang tumabi sa akin at hinalikan ako sa labi.
Gulat na napamulat ako at napatitig sa babaeng nire-rape ang lips ko.
What the hell?
Ngumisi s'ya pagkatapos n'ya akong nilapastangan.
"Wala ka pa ring kupas, Perrie," cheer pa ng mga kaibigan n'ya.
Sanay ako sa mga babae at ang isang 'to ay walang pinagkaiba sa mga babaeng naka-one night stand ko. Hanggang doon lang ang value nila para sa akin.
Tumayo na siya at humalakhak.
"Speechless Perrie. Woohoo. Ang galing mo."
"You're not that good in kissing. You're sloppy," naka-smirk kong sabi.
"What did you say?" kumunot ang noo niya.
Tumayo na ako saka ko hinapit ang beywang n'ya. Nanlaki naman ang mga mata n'ya. "This is how you kiss," sabi ko saka ko s'ya hinalikan ng torrid. Iyung tipo na pati kaluluwa niya ay nalasahan ko na.
Bahagya ko siyang itinulak palayo pagkatapos ko siyang halikan. Her lips were so red and she looked stunned.
"That is how you kiss, missy," sabi ko saka siya tinalikuran.
"Pagbabayaran mo 'to!" she sounded pissed off.
Weird.
"I just did."
Nagtuloy na ako sa paghakbang at nagtungo sa kwarto ni Piper.
[Everett]
"Uy Riley, okay ka lang?" untag ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatulala sa may coffee machine dito sa canteen ng hospital.
"I'm worried about, Pipay. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon?" she sighed for a hundredth time saka umupo sa tapat ko. Nasa gitna namin ang isang square na mesa.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...