Twenty-One: Force of Destruction

15.2K 602 13
                                    

Twenty-One

Nakatayo kami sa harapan ng mga miyembro ng Nimrod ngunit hindi pa rin nila kami nakikita dahil meron pa namang mga fifty meters ang distance namin mula sa isa't isa. Nasa itaas ng mga puno pa rin sina Colton at Calix. Napansin ko rin ang mga nabubuong water force sa mga palad ni Fallon.

Dinig ko na rin ang mga putok, pagsabog at sigawan mula sa ibang bahagi ng isla.

"Ready," mahinang sabi ni Griffin ngunit dinig naman namin.

Palapit nang palapit ang mga Nimrod sa amin. Kung titingnan sila ay para silang mga sundalo like Papa dahil sa suot nilang gear ngunit sila ang kabaliktaran.

"Wait for it," ani Griffin. Nakahanda na rin sa mga palad nina Everett at Riley ang kanilang mga kapangyarihan. Para iyung puting usok.

Twenty meters.

Ten.

Five.

"Go!" sigaw ni Griffin at sabay naming pinapatamaan ng mga kapangyarihan namin ang mga Nimrod. And in return ay pinaputukan naman nila kami. At dahil mabilis ang kilos namin ay nakikita namin ang mga bala.

Pero masyado silang marami. Maliliit na fireball ang ginagawa ko at pinapatama sa mga Nimrod na nakikita ko. At sa bawat galaw ko ay nasa tabi ko lang si Griffin. Nagtulungan kaming dalawa. Galing naman sa itaas ang atake nina Colton at Calix samantalang seryoso ring nakikipaglaban si Fallon. Mas lumapit siya sa mga Nimrod at nakipag-close range combat siya. Gan'on din ang ginagawa nina Riley at Everett. Ang bawat taong mahawakan ni Riley ay nalalagas ang mga balat nila na para silang natutunaw samantalang ang kay Everett ay bigla na lang bumabagsak na walang malay.

What the hell!?

Ginagamitan ni Riley ng force of destruction ang mga kalaban habang kinukuha naman ni Everett ang soul nila.

"Focus!" matigas na sabi ni Griffin nang bigla n'ya akong kinabig palapit sa kanya. Muntik na pala akong tamaan ng bala dahil kina Riley ako nakatingin.

"Sorry," sabi ko saka lumayo ng konti sa kanya at bumalik sa pakikipaglaban. I tried to listen to my body. Ano ba ang gusto nitong gawin ngayon?

Nag-concentrate ako. Ang sabi ni Declan, I can make weapons using my fire. I slowly raised my hands at dahan-dahang sumulpot ang bow and arrow na gawa sa apoy sa mga kamay ko.

"Nice," nakangiting komento ni Griffin na sinulyapan ako ng bahagya.

I felt so proud of myself.

Wow. I did it. I made a bow and arrow using my fire element. Agad akong kumilos at pinatamaan ang isang lalaking akmang bumaril kay Griffin.

"Thanks," sabi n'ya at may pinatamaan din ng dagger niya sa likuran ko.

"Thanks din," sambit ko. I felt extra energized dahil sa nagawa ko.

Marami pa akong pinatamaan ng arrow ko na automatic na nagri-reload. Great! Gusto kong tumalon sa tuwa. Ang galing naman nito.

Ang daan-daang miyembro ng Nimrod ay kumonti na lang. Nakita kong umangat ang isang puno mula sa lupa at pahigang pinalipad iyun ni Griffin papunta sa isang kumpol ng Nimrods at tinangay sila ng puno hanggang sa nahulog sila sa bangin.

Ang galing talaga ni Griffin. At sa halip na maging cheerleader forever ako dito ay itinuon ko na uli ang pansin sa pakikipaglaban. Mahaba-haba din ang labanan namin dahil sa dami nila at kami ay pito lang sa spot na to.

"Yahhhh!!!" isang malakas at malaking waterspout ang pinakawalan ni Fallon at tinangay niyun ang maraming kalaban. Pagkatapos niyang gawin yun ay bumagsak siya sa lupa nang nakaluhod.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon