Forty-one
Kumuha kami ng mga de-kalibreng armas habang patuloy ang mga pagsabog at pagyanig sa paligid. Nasa labas pa ng kweba ang Nimrod kaya may kaunting panahon pa kami para makapaghanda.
"Thayne!" tawag ko sa lalaki nang makita ko siyang tumatakbo na parang walang direksyon.
"P-Piper," aniya na medyo nanginig. Namumutla din siya at naiintidihan ko kung bakit.
Takot kaming lahat ngayon.
"Saan ka pupunta? Kumuha ka na ng armas mo," turo ko sa weaponry building kung saan dinumog ng maraming Plebeians. Kaming apat nina Griffin, Calix at Colton lang ang fullbloods na nandito.
"H-Ha? Ah oo..oo," mabilis siyang tumakbo palapit sa building at pumila na rin.
"Let's go," ani Griffin nang makabalik sila sa pwesto ko. Malalaki ang mga armas nila at may kasama pang ibang mga weapons.
"They've breached the main entrance," ani Fallon na kadarating lang kasama nina Riley at Everett.
"Nang gan'on kadali? That's impossible," ani Calix.
"I guess it's not that impossible then," sagot naman ni Colton.
"They blew it up," ani Riley.
Yeah. They're inside now. Nakikita ko na ang makakapal na usok malapit sa may entrance at mas malakas na ang mga pagsabog. The screams and cries were deafening as well.
"Ready?" final na tanong ni Griffin.
Sabay-sabay kaming tumango.
Hindi na nagsalita si Griffin. Agad kaming nagtungo sa bagong pwesto na naka-assign sa grupo namin. Tahimik at maingat kaming pumasok sa business area. Alerto lahat ng senses namin. Hindi kami pwedeng matalo.
Nagtago ako sa likod ng isang malaki at pabilog na electric post dala ang mahaba kong armas. Nang sumilip ako sa canal, nakita ko ang maraming speedboats ng Nimrod. Pinagbabaril nila ang mga nadadaanan nilang mga Homo praestanus o kaya ay mga building. May mga speedboats din silang sumasabog dahil sa counterattack ng mga H. praestanus.
Sumilip ako sa sight ng aking assault rifle at itinuon iyun sa parte ng gas tank ng speedboat. Isang kalabit ng gatilyo at sumabog ang target.
"Yes!" napasuntok ako sa hangin saka muling sumilip sa sight ng rifle ngunit nabigla na lang ako nang makitang nakatuon din sa direksyon ko ang malaking baril ng isang Nimrod. "Shit!" mabilis akong napatalon nang sumabog ang poste. Gumulong ako kasabay ng pagbaril sa direksyon ng mga kalaban. Hindi ko alam kung may natamaan man ako. Hindi ko na tiningnan. Nagtago ako sa pader ng isang boutique. Nakita ko si Griffin sa may di kalayuan. Pinagbabaril din niya ang mga speedboats. Bahagya n'ya akong sinulyapan kaya tumango ako upang ipaalam sa kanya na okay lang ako.
Payuko akong tumakbo upang lumipat ng pinagtataguan. Nakita kong pinalibutan ng puting mist ang mga kalaban. Medyo na-disorient pa sila at ilang sandali lang ay nagsimula na silang sumabog.
Riley and her force of destruction. Gusto kong sumayaw dahil sa nakikita. Mas kaya na ng katawan niya ang paggamit sa ability na yun dahil sa training namin pero hindi n'ya iyun pwedeng gamitin ng matagal at mas maraming beses.
Isang malakas na pagsabog malapit sa direksyon ko ang nagpatumba sa akin. Narinig ko ang malulutong na Ingles na mura ni Griffin kaya napatingin ako sa kanya. He was shooting kaya napatingin ako sa kanyang target.
"Shit! Anak ng!" mabilis ako tumayo at payukong tumakbo. Pinagbabaril ko rin ang target ni Griffin. It was a big ship. Ni hindi man lang ito naaapektuhan ng mga bala at abilities na umaatake dito.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...