Forty-seven
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lola Vernice nang maabutan n'ya akong nag-iisa dito sa rose garden sa gilid ng mansyon.
Tumango ako. "Naalala ko po sina Griffin."
Mapait na ngumiti ang matanda.
"Paano nagawa ni Harlow ang maging matatag? She lost her parents, brother and friends."
"Kilala ko ang batang yun. Katulad mo Piper, alam kong nahihirapan din siya. Ayaw n'ya nga lang ipakita sa iba ang totoo."
Typical Harlow. Ma-pride.
"Don't worry. Malapit mo na silang mailigtas."
Unang araw ng training. The King gathered all enlists sa bulwagan ng kanyang palasyo.
Nakatayo kami ni Harlow sa harap ng hari at nasa tabi ko si Astrid na nag-volunteer din.
"One month," panimula ni King Donovan. "Bibigyan ko kayo ng isang buwan upang palakasin ang mga kakayahan ninyo."
Nagkaroon ng bulungan. May mga hindi sang-ayon, may sang-ayon at may mga walang pakialam katulad na lang ni Carlisle Goodwin na nakikipaglampungan nanaman sa kung sinong babaeng enlist.
Agad kong binawi ang tingin ko nang mahuli n'ya akong nakatingin sa kanya. Nakita ko pa kung paano siya nag-smirk.
Ang hambog talaga.
"Akin nga s'ya."
"Tumahimik ka nga. Tustahin kita dyan eh. Hindi kayo bagay."
"Anong hindi? Uy FYI, pareho kaming tagarito. May future kami. Ikaw, babalik ka sa inyo."
"Eh di dadalhin ko s'ya sa amin."
I rolled my eyes. Hanggang ngayon ay nag-aagawan pa rin sina Harlow at Astrid kay Saint. Wala namang kaalam-alam ang lalaki.
"Silence!" malakas na sabi ni King Donovan kaya natahimik ang lahat.
Yan tuloy. Ang iingay. Ginalit pa ang hari.
"Pagkatapos ng isang buwan ay babalik kayo dito at patunayan n'yo sa harap ko at ng Elders na mas malakas na kayo at maaari na kayong ipadala sa giyera."
Natapos ang meeting na yun kaya agad kong inaya sina Harlow at Astrid sa tuktok ng isang burol upang simulan na ang aming training.
Agad naglabas ng apoy na espada si Harlow. Nagliliyab iyun at mukhang napakalakas.
Gumawa naman ng spear si Astrid na kulay gray.
Wow. Pwede pala yun? Hindi ko nakita si Riley na gumamit ng gan'on.
"Ready?" nakataas-kilay na tanong ni Harlow.
"You bet," nakangisi namang sagot ni Astrid na siyang unang umatake.
Nag-duel sila gamit ang kanilang abilities. Mabilis ang kilos nila at naririnig ko pa ang tunog ng pagwasiwas nila ng kanilang sandata.
Both of them are strong.
Kung gaano kapula ng apoy sa sandata ni Harlow ay gan'on rin ang kanyang mga mata.
Pinili kong wag na lang manood sa kanilang training.
Naglabas ako ng kaunting gray mist sa aking kanang palad. Mahina pa ang aether ko pero at least hindi na siya puti.
Paano ko ba palalakasin ito sa loob ng isang buwan?
Ako nanaman ang pinakamahina.
Naalala ko si Colton. Kung paano s'ya namatay.
He saved me.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...