Thirty-six
"Bakit ka ba nakikipag-usap kay Declan? Crush mo ba s'ya? Umamin ka Riley Falcov."
"Bakit naman ako aamin sa'yo?"
"Dahil kaibigan mo ako! Riley I swear I'm gonna make you tell me."
"Oh shut up, Everett. Wala akong aaminin sa'yo."
Napailing na lang ako habang patuloy sina Riley at Everett sa pagtatalo. Nasi- sense ko nang may gusto itong lalaking to kay Riley eh. Torpe nga lang. At ito namang babaeng to, sobrang dense. Wala talagang kaide-ideya na nagseselos na si Mr. Torpe.
Tss.
Narinig ko ang masayang tawanan na nagmula sa dining hall. Papunta na kami doon para sa hapunan.
"Anong meron?" kalabit ni Riley sa akin.
Nagkibit-balikat lang ako. Bakit ako tinatanong eh magkasama lang kami. Tanga din minsan eh. Pero back to the commotion at the dining hall, napaka- unusual naman na nagtatawanan ang pamilya ni Hugo.
"Baka may bisita," ani Everett.
"Well, I'm glad to have finally met you, nephew."
I froze at the entrance of the dining hall when I saw the visitor.
"What the hell?" mahinang sabi ni Riley.
"Uh oh," yun lang ang nasabi ni Everett. Halatang nagulat din sila.
"Piper, Riley, Everett, buti naman nandito na kayo," nakangiting bungad ni Declan sa amin. "Meet my aunt, Eleanor. Tita, pinsan ko, si Piper and her friends, Riley and Everett."
"I'm pleased to meet all of you," ang laki ng ngiti ni Eleanor sa amin. Para siyang isang napakabait na tupa.
Damn! I looked at Declan. He seemed really happy as well as Hugo. The later seemed to be more relieved than happy though.
"Kumusta po?" si Everett ang unang nakabawi. Tinulak n'ya kami papunta sa mga upuan namin.
Nakangiti si Eleanor sa amin kaya pilit rin akong ngumiti sa kanya. She was sitting right across me.
"So, I heard that the three of you are aether users," ani Eleanor saka sumubo ng kanyang pagkain.
"You heard it right," kaswal na sagot ni Everett saka kumuha na rin siya ng pagkain at naglagay sa plato n'ya.
"Oh. Magaling na ba kayo?"
"Not really. We're still young. We're still trying to learn," sagot n'ya uli.
"I see. Buti naman Hugo at pumayag kang may tumirang aether users dito. As far as I can remember, we banished them," baling ni Eleanor kay Hugo.
"Yan nga rin ang sinabi ko sa kanya. Aether users have no room in this city," sabad naman ni Camila kaya napatigil kaming tatlo sa pagsubo. Langyang Camila talaga.
Hello? Nandito lang kaming tatlo. Dapat talagang sabihin yan?
"Well, Piper is an aether user as well. She needs training partners with the same abilities," kalmadong sagot ni Hugo.
"I understand that," tumangu-tango si Eleanor.
"She's a great element user, Tita. You should watch her trainings sometimes," ani Declan.
"Well hijo, I will be so honored kung papayag si Piper."
Bumaling silang lahat sa akin kaya napilitan akong magsalita.
"S-Sure. Why not?"
"Cool. I will fetch you Tita whenever you want to watch Piper's training session."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...